Followers

Thursday, December 18, 2014

Redondo: Family Day

Family Day namin kanina. Although, hindi dumalo kahit ang isa kina Mommy at Daddy, hindi ako bitter. Masaya pa rin ako. Inisip ko na lang na hindi ako kasali dahil ako ang punong abala sa mga games. As president ng pinakamataas na samahan sa school, sa akin inatang ang obligasyon, na nagawa ko naman ng maayos, sa tulong na rin ng mga kasamahan ko. Kaya naman, hindi ko ramdam ang kakulangan ng mga magulang ko. Bagkus ay naging masaya ako lalo na’t nakita ko kung masaya ang bawat pamilya na sumali sa Christmas party.

Nag-perform din ako kanina. Inawitan ko sila ng tatlong Christmas songs. At nang humingi sila ng isa pa, inawit ko naman ang bago kong composition na “Problema Lang Yan”.

Pag-uwi ko, saka ko lamang naramdaman ang pagod. Kaya, inilapat ko ang likod ko sa kama. Wala pa si Dindee kaya nakatulog ako . Alas-siyete na niya ako ginising. Dumating na rin si Daddy. Hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit.

Panay ang tanong nila tungkol sa Family Day. Okay lang naman, ang sabi ko. Ipinakita kong masaya ako kahit ako lang ang mag-isa ang dumalo. “Para lang akong guest performer dun, Dad!’’ biro ko pa.

“Ah, talaga? E, di mabuti. At least, di mo naramdaman na wala ako at si Mommy mo.”

“Okay lang naman po. Naunawaan ko po kayo.”

“Siyempre, ikaw pa! he he!”

After dinner, na-practice naman ako ng mga kanta para sa MusicStram. Bukas ng gabi at tutugtog na naman ako. Bakasyon na kaya baka gabi-gabihin ko na ang pagtugtog kung papayagan ako ni Boss Rey at ni Daddy. Sana..para habang bakasyon ay kumita ako ng pera.




No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...