Nabuo ko rin sa wakas ang kanta kong “Problema Lang Yan”.
Yahoo! Ikalawang composition ko na ito. Di ako makapaniwala sa kakayahan ko. I
never dreamt of this.
Dati, gusto ko lang humawak at kaskasin ang mga kuwerdas ng
gitara. Nagsimula ako actually sa gitara ng tito ko. Napagalitan pa nga ako
dahil nasira ko daw. Pumangit ang tunog at timpla. Pero, hindi ako
na-discourage. Nang mahawakn ko uli iyon, tinimpla ko. Naunawaan ko kaagad na
may tamang tono pala ang bawat kuwerdas. Tapos, pinag-aralan ko naman ang
chords. Sariling sikap lang talaga. Pinag-ipunan ko pa nun ang pambili ng
kauna-unahan kong song hits.
Grabe! Hindi ko nga alam kong paano ako nakaipon para
makabili ako ng gitara. Nagsimula akong mangarap magkaroon ng sariling gitara
pagkatapos kong matuto ng ilang chords. Nakatugtog na rin ako ng ilang piyesa
bago ko nabili ang kaunaunahan kong gitara.
Kanina ko lang nalaman na si Daddy pala ang tumulong sa akin
para mapuno o kaagad ang alkansiya ko na pambili ng gitara. Halos, maiyak ako
sa tuwa nang ipagtapat niya ito kanina lang.
“Alam ko kasi na magging isnag mahusay kang musikero baling araw.
Nakita ko sa mga daliri mo at siyempre sa determinasyon mo.” paliwanag
pa ni Daddy.
“Thanks, Dad!”
“Welcome! Basta, keep on writing songs. Rock ‘n roll!” Ginaya
niya pa ang boses ng rock icon na si Pepe Smith. Natawa tuloy kami ni Dindee.
“Rocker din po pala kayo, Tito!” si Dindee.
“Hindi naman. Na-aappreciate ko lang ang rock music.”
Kaysarap namang isipin na ang mga magulang mo ay very
supportive sa gusto mo. Hindi man buo ang pamilya ko, buo naman ang mga pangarap
ko.
No comments:
Post a Comment