Habang kasama ko ang mga kasamahan ko sa Supreme Students’
Government ay wala ako sa sarili ko. Gawa ito ng isipin ko kay Dindee. Hindi
ako mapakali. Paano kung sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay mapahamak
siya?
“Pres, saan daw ba banda ilalagay ang
Christmas tree?” natauhan ako nang tapikin pa ako ng opisyal ko.
“Christmas tree? A.. sa right side ng stage.” Sagot ko. Tapos,
pinuntahan ko naman ang mga nagbabalot ng prizes.
Sa Huwebes na ang Chistmas party namin. Kailangang
manumbalik ang dati kong enthusiasm. Naisip ko. Kaya, pinilit kong maging
masaya. Hindi ako nagpahalata sa mga kasamahan ko.
Bago, natapos ang aming prepration, nag-text si Mommy. Sabi
niya: “Nak, musta kn? Nsa skul k p b?”
Hindi ko siya ni-reply-an kahit may load ako. Naiinis ako sa
kanya.
Maya-maya, nag-text uli si Mommy. “Red, mhal k tlga ni Dindee.
Alagaan mo ang relasyon nu.”
Hindi pa rin ako nag-reply.
Sa bahay, wala akong idea na naroon si Dindee. Nakabihis na
ako lahat-lahat na nang marinig ko ang boses niya mula sa aking likuran.
“Red.”
“Dee..” sobrang saya ko nang Makita ko siya.
Lumapit siya agad sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. “Sorry,
Red..”
“Sorry din..”
“Di ko pala kayang hindi ka makasama ngayong Pasko..Sor..”
Hindi ko na siya hinayaang magsalita at mag-sorry pa dahil
ako ang higit na may kasalanan sa kanya. Idinampi ko ang mga labi ko sa mga
labi niya. Matagal. Nag-aalab.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, hindi na namin
pina-usapan ang isyu. Pinaramdam ko na lang sa kanya kung gaano ako
ka-apologetic sa nangyari. Gaya ng dati, pag-uusapan namin ito sa mga susunod
na araw.
Thanks, God! Hindi Niyo ako ibibilang sa SMP.
Hehe.
No comments:
Post a Comment