Followers

Monday, December 15, 2014

Redondo: Aklan

Parang hindi ko na-enjoy at nabigyan ng magandang rendition ang mga kanta ko kagabi sa bar. Mabuti na lang ay hindi nagalit si Boss Rey. Hindi niya nga lang niya ako kinausap. Ipinaabot lang niya sa bouncer ang bayad ko sa pagtugtog. Bahala siya. Ang mahalaga ay kumita ako.

Alas-onse kami nakauwi ni Daddy sa bahay. Pinakiramdaman ko si Dindee kung gising pa. Nang wala na akong marinig na kaluskos ay natulog na rin ako.

Kanina, pumasok ako. Si Dindee, hindi. Hindi ko siya nakita bago ako pumasok.

Sa school ay hindi ako mapakali. Kaya nang uwian na, nagmadali akong umuwi. Hinanap ko siya sa kuwarto at sa buong kabahayan. Wala siya! Sa kuwarto ko, nakita ko ang sulat niya. Sabi niya, uuwi na lang siya sa Aklan. Hindi naman niya mae-enjoy ang Pasko at Bagong Taon na kasama ako. Pakisabi na lang daw kay Daddy. Tatawagan naman daw niya ang ama ko.

Gusto kong magwala. Bakit ganun siya! Tumatakas siya sa problema. Bakit hindi niya muna ako pakinggan?

Nag-load ako sa cellphone ko. Tinawagan ko siya. Hindi sumagot. Si Mommy naman ang kinontak ko.

“Mommy, si Dindee..” malungkot kung sumbong.

“Red, mali kasi ang ginawa mo.”

“Mommy naman, e . Huwag muna ngayon..Si Dindee. Bakit siya umalis? Alam niyo pala, di mo man lang po ako sinabihan.”

“Anak, makinig ka.. Hindi mo ako masisisi, lalo na si Dindee, Nasaktan ang tao. Alam mo naman, mahal na mahal ka niya..”

“Nagso-sorry na nga po ako, e. Hindi man lang niya ako pinapakinggan..”

“Ganun talaga. Hayaan mo na..”

Nainis ako kay Mommy. Pinindot ko na ang off. Nakakainis! Kakampi niya si Dindee. Ako dapat ang kinakampihan niya dahil ako ang anak niya. O di kaya ay tinutulungan niya kaming magkasundo. E, hindi, e! Hinayaan niya pang umalis ang tao.

Napatalungko ako sa paana ng kama namin ni Daddy. Hindi nakayanan ng luha ko. Umagos ito. Ang sakit-sakit palang iwanan ka ng mahal mo, na hindi mo man lang naipaliwanag ang side mo.

Naabutan ako ni Daddy sa ganung posisyon.

“Red, sorry..di na kita tinext.” wika ni Daddy. Tinulungan niya akong tumayo. Sa sala kami nag-usap.

“Alam niyo po pala? Sana sinabi niyo para napigilan ko.”

“Hindi na. hayaan na natin siya. Ayokong lumabas ka ng school para lang habulin siya. Babablik din yun.”

“Paano po kung..kung..hindi na?”

“Imposible yan. Alam mo yan.”

“Dad..”

“Red..ilang beses na kayong nagkaganyan. Believe me, mahal na mahal ka ni Dindee. Kaya nga siya nagkaganun. Next time…ingat na. Kalimutan mo na si Riz.”

“Kaya nga po..”

Marami pang good words na sinabi sa akin si Daddy, na nakabawas sa bigat ng damdamin ko. Medyo, gumaan ang dibdib ko.

Nag-stay na ako sa kuwarto habang nagluluto si daddy. Tinext ko na rin si Dindee dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.Sabi ko na mag-ingat na lang siya sa biyahe. Nag-sorry uli ako.






No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...