Kahit wala akong ganang tumugtog, dahil nabubuwisit ako kay
Boss Rey, sinikap ko pa ring pagandahin ang pagtugtog ko. Ayaw ko pa ring
mawala sa akin ang trabaho ko. Pinag-iba ko na lang ng number si Mommy para
hindi na siya maitext ng manyakis kong boss.
Pinag-ingat ko rin si Dindee sa kanya. Ayokong pati girl
friend ko ay pagnanasaan niya. Hindi na talaga ako pwedeng manahimik kapag
nangyari iyon.
“Sigurado kang gusto mo pa ring tumugtog sa MusicStram?” tanong
sa akin ni Dindee sa kalagitnaan ng pag-eensayo ko.
Saglit akong tumigil sa pagtugtog at pagkanta. “Nag-e-enjoy
na ako..” Tiningnan ko pa siya.
“Pero, mahirap na siyang pakisamahan ngayong alam na natin ang kanyang
kamanyakisan..”
“Oo..pero pwede naman nating iwasan. Hindi naman siguro ako niya
mamanyakin.” Tumawa ako. Gusto ko lang na huwag siyang mag-alala sa
desisyon ko.
Tumawa din siya. “Babae ang type niya. Hindi kayo talo.”
“Kaya nga! Kaya mag-iingat ka.”
“Oo naman! Imposibleng mahawakan niya ako. Never!”
Tumugtog uli ako.
No comments:
Post a Comment