Followers

Monday, December 1, 2014

Mababait

“Class, excuse me. Pinatatawag ako sa opisina.” paalam ng guro sa Grade 5 pupils habang may ginagawa ang mga ito.

“Yes, Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga mababait na estudyante.

Kampanteng lumabas  ang guro at tinungo ang opisina.

Mula sa sliding door ay natanaw ng guro na may buhat-buhat ang kapwa guro niya papunta sa klinika. Naisip niyang nagpasaway na naman ang mga mag-aaral niya kaya nasugatan. Mabuti na lang ay mababait at mapagkakatiwalaan ang mga bata ko, bulong pa ng guro habang hinihintay na kausapin siya ng punungguro.

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na ang guro sa kanilang silid-aralan. Natuwa siya nang lihim dahil tahimik at subsob ang mga mag-aaral sa kani-kailang mga ginagawa.

“Sir, pumutok po ang kilay ni Raul. Tumama po dito sa kanto. Nagtaya-tayaan po kasi sila.” balita ng isang estudyante.

Kumurba pababa ang mga kilay ng sir.



No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...