Followers

Wednesday, December 3, 2014

Redondo: Problema Lang Yan

Ang sarap mag-aral ngayon. Inspired na inspired ako. Si Dindee. Ang part time job ko sa MusicStram. Ang unti-unti pagbalik ng saya sa mukha ni Mam Dina. Ang kasipagan ni Daddy sa pagtratrabaho. At ang pagiging kalma ni Mommy. Iyan ang ilan sa mga bagay at taong nagpapataas ng aking inspirasyon. Wala na akong mahihiling pa. Napatunayan ko na naman nagyon na walang malaking problema na ibinibigay ang Diyos sa tao na hindi kayang buhatin.

Pag-uwi ako, nag-assignment agad ako. Then, nagsulat ako ng tula. Balak ko ulit mag-compose ng kanta para sa akin, na pwede ring maging theme song ng iba.

Narito ang tula naisulat ko bago dumating si Dindee:
Problema Lang Yan
Ni Redondo Canales

Kailan ba akong nawalan ng problema?
Wala talaga akong maaalala
Sa pamilya, pag-ibig, lalo na sa pera
Matindi, grabe, sobrang malala.
Pero, ayos lang ako’y lalaban na.

Problema lang yan
Kayang-kayang solusyunan
Astig ako,
Buo ang loob ko
Kayang-kayang tapusin
Kayang-kayang harapin
Problema ay problema
Laging makakaya.

Sukluban man ako ng langit
Ako’y tatayo, di magagalit
Mundo ma’y ako’y kutyain
Aking tatawana’t tatanggapin
Pagkat

 Problema lang yan
Kayang-kayang solusyunan
Astig ako,
Buo ang loob ko
Kayang-kayang tapusin
Kayang-kayang harapin
Problema ay problema
Laging makakaya.

Problemang maliit at malaki
Sa akin ay sila di magwawagi
Pagkat..

Problema lang yan
Kayang-kayang solusyunan
Astig ako,
Buo ang loob ko
Kayang-kayang tapusin
Kayang-kayang harapin
Problema ay problema
Laging makakaya.

Laging..makakaya.

Bukas ko na ito lalagyan ng tono. Dumating na kasi si Dindee. Kailangan ko na siyang pansinin at kulitin.

Gabi. Nag-stay kami ni Dindee sa labas ng bahay. Ang sarap kasi ng hangin. Malamig. Ang sarap sanang kayakap si Dindee.

Nagkuwento na lang siya tungkol sa mga kaklase niya, as if kilala ko sila at ka-close. Hinayaan ko na lang siyang magkuwento. At least, alam kong masaya siya sa school.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...