Followers

Saturday, December 20, 2014

Redondo: Secret

Nagulat ako kagabi nang naroon si Mommy sa MusicStram. Nakita ko siyang lumabas mula sa opisina ni Boss Rey. Tumutugtog na ako nun kaya hindi ko kaagad siya natanong kung bakit.

“Mommy, bakit andito ka?” sinalubong ako ni Mommy pagkababa ko pa lang sa entablado, pagkatapos ng ikatlong kanta ko.

Kinabig niya ako sa braso at hinila palabas ng bar. “Uwi na tayo.”

“Bakit po? Hindi pa ako nabayaran ni Boss Rey.’’

“Wag na!”

“Bakit?” Hindi ko maintindihan si Mommy, pero ramdam ko ang kakaibang pagkataranta niya.

Sumunod sa amin sa labas si Dindee.

“Red..” napalingon ako kay Boss Rey. “Eto ang bayad mo. Remember, nakakontrata ka sa akin.”

Kinuha ko agad ang bayad at nagpaalam na ako.

“Bye, Red! Bye, sa Mommy mo. Mag-iingat kayo. Maraming loko dyan.”Ngumisi pa ang mokong.

Hindi pa man nagtatapat sa akin si Mommy ay tila may ideya na ako.

Nang nakalayo kami sa bar, saka sinabi sa akin ni Mommy ang nangyari. Nanginginig ako sa galit sa manyakis kong boss. Tinawagan pala si Mommy. Ginamit ako. Sabi sa kanya ay may sorpresa daw ako sa kanya. Iyon pala ay may plano siyang pagsamantalahan ang Mommy ko. Mabuti na lang at na-late siya ng dating. Tapos, nasipa niya sa dibdib ang boss ko kaya nakalabas siya.

Kung hindi lang ako nakapirma sa kontrata sabi ni Mommy, gusto daw niyang tumigil na ako sa pagtugtog sa MusicStram. Kaya lang, kailangang tapusin iyon.

“Huwag mo na lang ikuwento sa Daddy mo ang nangyari. Pwede ba?”

Natuwa ako sa tinuran ni Mommy. Tila, may katiting pa rin na pag-asa sa puso niya na magkakabalikan sila ni Daddy dahil kinokonsidera niya ang damdamin nito. “Okay lang po. Saka, ayoko din pong patigilan niya ako sa pagtugtog. Pagtiyagaan ko na lang po si Maniac. Basta, mag-iingat po kayo lagi. Mabuti nalang po pala di kayo napaano.”

“Oo nga. God is good talaga! Dindee, secret natin itong tatlo, ha?”

‘’Opo, Tita. No problem po.”

Kanina, habang nagpa-practice ako ng kanta, hindi ko maalis maisip ang ginawa ni Boss Rey kay Mommy. Kahit ikinuwento lang sa akin, parang naroon ako at ako mismo ang nakakita sa ginawa niyang kababuyan sa aking ina. Kung pwede lang talagang mag-resign na ako sa pagkanta, gagawin ko na. Buwisit! Bakit ang Mommy ko pa?

“Ang ganda kasi ng Mommy mo. Parang dalaga pa rin.” paliwanag ni Dindee.

Hindi ko naman iyon maikakaila kaya lang nagtatanong ako kung bakit hindi niya ni-respseto ang aking ina. Mayaman naman siya. Kaya niyang magbayad ng babae kung gugustuhin niya.


Gusto ko talagang manapak ng boss. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...