Pakiramdam ko, inaasar ako ni
Boss Rey. Hinahanap pa rin kasi niya si Mommy. Alam kong alam na niya na
nagkuwento na si Mommy tungkol sa kamanyakisan niya. Pero, hindi pa rin siya
nahihiya. Panay nga ang ngisi niya sa akin. Sabi pa niya kagabi sa akin,
pagkababa ko ng entablado ay "Ang lakas ng karisma mo sa mga
parokyano. Good looking boy!" Tapos, ginulo pa niya
ang buhok ko at minasa-masahe ang likod ko. "Keep it up, Red, para
magkakasundo tayo."
Hindi ako kumibo. Purely trabaho
lang talaga ang intensyon ko sa bar niya. Kaya, pagkatanggap ko ng isanglibo,
tumalikod na ako ng walang lingon likod. Sumunod naman agad si Dindee, na
nakaabang lang sa may guard.
Kanina, natulog lang ako ng
natulog. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod at puyat na puyat ako. Mabuti na
lang at malamig ang simoy ng hangin. Kaya, alas-diyes na ako bumangon,
"Sipag
naman ng love ko!" papuring-bati
ko kay Dindee. Naabutan ko kasi siyang nag-aayos at naglilinis sa sala.
"Ay,
Red! Gising ka na pala! Naisipan ko lang maglinis kasi, tatlong araw na lang
pala ay Pasko na. Baka, marami kayong bisita."
''Hindi
naman. Konti lang.."
"Ah
ganun ba?! Okay lang.. At least, malinis tayo pagpasok ng Bagong Taon. Almusal
ka na."
Sinamahan ako ni Dindee sa dining
table. Pagkatapos ay sinabayan ko siya sa paglilinis. Nilinis niya ang sala,
ako naman ay nilinis ko ang kusina. Napansin ko na nakapamili na pala si Daddy
ng pang-noche Buena namin. I'm sure magiging maligaya ang Pasko ko ngayong
taon. First time ko kasing magdidiwang ng Christmas na may kasamang girl
friend, wala man uli si Mommy sa piling ko.
Alas-tres na kami natapos sa
paglilinis. Pagod man, pero masaya kami. Nakapagkulitan pa nga kami n Dindee.
Tapos, naisipan ko pang maggitara. This time, Christmas songs naman ang
tinugtog ko. Sabi nga ni Dindee, sana daw matagal ko nang pinag-aralan ang mga
kantang Pamasko para nakapag-carolling kami.
"Oo
nga, e. Pero, okay lang naman kasi may gig naman ako sa MusicStram." paliwanag ko sa gf ko na nanghihinayang.
"Kaya
lang, nagbigay lang ng masamang experience sa Mommy mo."
"Oo
nga, e. Pero, strong si Mommy. Hindi naman siya natrauma. Nag-text nga sa akin
kagabi. Mag-iingat daw ako kay Boss Rey. Hindi daw kasi malayong pati ako ay manyakin
niya."
"Tama
si Tita. Mukhang wala ng pinipili ang boss mo. Grabe nga makahawak sa'yo,
e."
"Hayaan
mo na. Iiwasan ko na lang. Ang importante, matapos ko ang kontrata."
No comments:
Post a Comment