Pag-uwi ko
galing sa school kanina, nag-practice ako ng mga bagong rock music, na
tutugtugin ko sa Biyernes ng gabi, pati Sabado’t Linggo. Hinayaan ako ni Dindee
na mag-focus ako sa ginagawa ko. Nakatingin lang uli siya. Paminsan-minsan ay
tinatanong ko siya kung pasok sa panlasa niya. Magta-thumb up lang siya o kaya
tatango.
Nang
makabisado ko na ang tatlong kanta para sa Biyernes, tumigil ako para kulitin
siya. Para kasing nakasimangot na siya. Tila nagsasabing “Ako naman ang harapin
mo, Red.”
“Hindi
mo yata gusto ang kanta ko, e.” pasimula ko.
Nakamaang pa rin si Dindee. “Ha?
Gusto. Bakit mo naman nasabi?”
“Kasi
nakunot ang noo mo.”
“Hala!
Hindi a. Namamangha lang ako sa talent mo..”Tapos, ngumiti pa siya.
Napaniwala
niya ako.
“Salamat!
Akala ko..”
“I
wonder nga, bakit ayaw mo sa TV mag-perform. Maraming talent search sa
telebisyon. Like The Voice Philippines.”
Natawa ako.
“Huwag dun.. Mahirap makapasok sa ganun..”
“Wala
ka kasing tiwala sa kakayahan mo, e. Akon a nga ang nagsasabi na magaling kang
musikero.”
“Halika
nga dito.” Pero ako ap rin ang lumapit sa kanya. Niyakap ko siya.
“Hayaan mo na ako. Mas gusto ko ang tahimik na buhay. Mabuti nga at may trabaho
na ako”
“E,
kasi..sayang ang talent mo. Di ba, kahit yung judge noong Campus Personality,
inaalok kang mag-artista?”
“Oo
nga.. Pero, mas masaya ako sa ganito. Ayoko kasing maubos ang oras ko na hindi
ka kasama.”
“Charot!”
Kinurot niya ako sa tagiliran kaya nakabitaw ako sa pagkakayakap sa
kanya.
“Oo
nga! Ayokong mabawasan pa ang oras para sa ating dalawa..”
“Bakit?
Pwede mo naman akong maging PA, ah.”
“Sus!
Sa ganda mong yan, PA lang!”
“Hindi
ba pwede?”
“Para
sa akin, hindi! Gusto ko, ikaw ang leading lady ko..”
“Huwag
na uy! Photographer pwede pa..”
Napunta pa
sa kung saan ang kulitan namin, bago uli ako nagpag-ensayo ng kanta para sa
pang-Sabado kong gig.
No comments:
Post a Comment