Disyembre 1, 2014
Pumasok ako ng maaga. May naiwan pa kasi akong kalat sa
school. Naghanda din ako ng teaching aids sa Math, kahit alam kong wala na
namang palitan dahil absent si Mamu.
Mabuti na lang din ay maaga akong pumasok, kasi kailangan na
palang magpasa ng narrative report ng demo ni Mareng Lorie. Ginawa ko kaagad
pagkabasa ko sa text ni Mam Vale. Kaya lang naabutan ako ng mga bata. Gayunpaman,
nagawa ko bago maglunch. Pero, hindi ko pa naipadala sa JRES kasi wala pang
pirma si Mah at kailangan pa ng soft copy. Sa Miyerkules na namin maipapasa.
Disyembre 2,
2014
Pasay Day
ngayon kaya walang pasok. Binalak ko, kagabi pa na pumunta muna sa school para
ibenta ang mga kalakal na naipon ko sa dalawang araw kong paglilinis doon. At,
sasaglit ako sa Paco para makkuha ko ang Mega box ko sa boarding house ni
Eking. Pero, maaga pa lang ay nagyaya na si Sir Erwin na pumunta sa hideout.
Nakapunta
naman ako sa school. Naipabenta ko ang mga kalakal. Kumita ako ng P185. Binigay
ko kina Kuya Jonathan at Tristan ang P100. Pero, hindi na ako nakapunta sa Paco
dahil, bago mag-alas-dose ay nagtext na si Sir Erwin. Nagkita kami sa
carinderia na may budget meal for P50.
Then,
pumunta kami kay Donya Ineng. Masakit ang ulo niya kaya hanggang alas-3 y medya
lang kami. Gayunpaman, marami naman kaming napagkuwentuhan. Nai-share ko din sa
kanila na ilalakad ni Emily na makapagturo ako sa Sta. Isabel. Kaya pinaghahanda
niya ako ng resume at application letter. Natuwa naman si Sir. Plano niya rin
kasing magturo doon. Sana pareho kaming makapasok.
Umidlip
naman ako pag-uwi ko sa boarding house.
Disyembre 3, 2014
Gumagawa ako ng teaching aid sa Math, nang ipatawag ako ni Mam
Deliarte. Kinukuha na ang kopya ng Tambuli. Kailangan na daw niya. Nawindang
kami ni Mamu. Kaya, maghapon naming ginawa iyong mga balita na gusto niyang makita
sa diyaryo. Sa pagitan ng mga discussion ay nagawa naming tapusin bago
nag-uwian.
Ang masama lang, hindi naman pala niya maipa-print. Umalis
din siya kanina. Maghapon siyang wala.
Sa kabila ng ka-busy-han ko, nagawa ko pa ring magturo ng
mga lesson sa klase ko. Nakapagturo pa ako kung paano sumulat ng dagli.
Nakapagsulat ng maganda ang iba.
Natutuwa naman ako sa pagiging interesado nila sa panitikan.
Pasasaan ba’t mahahanap ko sa kanila ang mahusay na manunulat.
Disyembre 4, 2014
Nakapaghanda uli ako ng teaching aid sa Filipino bago
magsimula ang klase. Tapos, naituro ko naman iyon sa klase ko sa kabila ng mga
abalang nangyari. Una, nag-lunch kami. Pangalawa, tinawag na naman ako ni Mam
Deliarte para sa Tambuli. Reject para sa kanila ni Mam De Paz ang gawa namin ni
Mamu. Andami nilang gustong baguhin. Kaya,
bandang alas-tres, pagakatapos ng recess ay sinimulan namin. Nagdesisyon din
akong hindi na lang sumama sa field trip para matapos talaga naming bukas ang diyaryo.
Sumang-ayon naman si Mamu. Hindi na rin siya sasama.
After class, ang 3some, si Don Façade, Donya Ineng at Plus
One ay pumunta sa SMX para tumingin at bumili ng mga produktong on sale.
Pagdating doon, nalungkot langa ko sa mga nakita ko. Ang
gaganda naman ng mga sapatos, bag at kung ano-ano pa, pero wala pala akong
budget para mamili. Naisip kong bilhan sina Zillion, Hanna at Zildjian pero
dahil kinakapos ako ngayon sap era, ay hanggang tingin na lang ako.
Grabe! Umuwi akong mabigat ang loob. Pahirap kasi si Noynoy
sa mga guro. Tinangagalan niya na kami ng mga insentibo. Dinelay pa ang PBB.
Buwisit na Panot!
Kakaiba ngayon ang Pasko ko. Dati-rati ay may mga nakabalot
na akong regalo kapag mga ganitong panahon. Bakit ngayon, wala pa?
Grabeng hirap ng pera!
Idagdag pa ang bayarin sa boarding house. Four thousand.
Disyembre 5, 2014
Bago mag-alas-otso ay nasa school na ako. Hindi ko na
siyempre naabutan ang mga bus na magpi-field trip. Pero, nandun na sa office
sina Mam Lolit at Plus One. Hindi pa nga ako nakapagsimula, ay niyaya na nila
akong mag-almusal. Wala pa si Mamu kaya di siya nakasabay sa amin.
Pagdating ni Mamu, puspusan na ang pag-revise namin sa
Tambuli. Katakot-takot na revision ang nangyari. Inabot kami ng snack, ng lunch
at isa pang snack time.
Four o’clock, nauna nang umuwi si Mamu. Medyo konti na lang
ang gagawin ko sa diyaryo kaya pinayagan ko na siyang umalis.
Instant writer na ang mga pupils ko nang isali ko ang mga
tula, kuwento at sanaysay nila. Matutuwa sila sigurado pag nakita nila ang gawa
nila.
Past five na ako nakauwi. Sobrang napagod ako at ang mga
mata ko kaya umidlip muna ako. Text lang ng text si Emily kaya medyo naantala
ang pagpikit ko. Nag-eemote lang siya.
Disyembre 6, 2014
Masteral class. Medyo na-boring ako. Wala din ako mood
mag-recite dahil sa kagagawan ni Emily. Panay ang comment niya sa mga post ko.
Nakakainis! Panira ng araw. Nag-post pa na tila may kaaway na guro. Hindi na
marunong mahiya. Akala niya lagi siyang tama. Kapag ako ang nainis, block siya
sa FB ko. Magpaplit din ako ng cellphone number. Hindi ko pa nga siya napatawad
ng lubusan, gumagawa na naman siya ng multo niya. E, ano kung may nakita siyang
babae sa FB ko? Hiwalay kaya kami that time. I have the right to love and
choose a partner.
Panay naman ang text niya. Papansin. Hindi ko nga
nire-reply-an.
Five o’clock na ako nakauwi kasi nag-grocery pa ako after
masteral ko.
Natatakot akong singilin ako ng landlady. Wala na kasi akong
pera. Saang bulsa ko kukunin ang 4 thousand. Sana maningil siya pag may sahod
na ako..
Disyembre 7, 2014
Napuyat ako sa pagdadabog ng may-ari ng boarding house ko
kanina. Ala-una y medya ay pumasok siya. Nakita niyang bukas ang mga ilaw. Sabi
niya ‘Grabe! Lahat bukas ang ilaw!” Tapos, padabog niyang isinara ang pinto.
Maingay din niyang kinuha ang mga yelo sa kanilang ref. Sus! Nakakatakot ang
ugali. Di ko nga alam kung bakit gang ora ay kailangan niya ng napakaraming
yelo. Ang ingay pa man din niyang inilabas sa freezer ang mga matitgas na yelo.
Dinig na dinig.
Ganun pala siya. Pwede naman niyang sabihin kinabukasan.
Walang respeto sa kanyang boarders, na siya namang pingkukuhaan niya ng income.
Haay! Wala na talaga akong mahanap na perpektong upahan.
Sabagay, pasasaan ba’t magkakasarili na ako ng bahay. Hindi ko na kailanagng
magtiyaga sa mga ugali ng mga landlady.
Sumatutal, puyat ako. Alas otso na kaya ako nakabangon para
magkape. Apos, nagkumot uli ako para makatulog. Ang lamig pa kasi sa mga oras
na iyon. Kung hindi nga lang ako pupunta sa hideout para tulungan si Sir Erwin
sa kanyang RPMS, hindi ako maliligo agad.
Past ten ay nasa hideout na ako. Habang hinihintay si Sir,
gumawa muna ako ng powerpoint ng report ko sa Philosophy of Education.
Nag-Facebook at nag-Wattpad pa ako. Buwisit kasing signal sa boarding house.
Mailap masyado.
Maghapon kaming gumawa ng gawain ni Sir. Si Donya ang gumawa
ng RPMS. Ako naman ang nag-type ng NAT reviewer nila.
Past five-thirty na kami natapos. Nilibre niya kami ng
dinner sa barbecue-han, bago kami naghiwa-hiwalay.
Disyembre 8, 2014
Since, suspended ang klase,
kahapon pa, pumunta uli ako sa hideout. Alas-diyes ay nandoon na ako. Naroon na
rin si Mamu. Tinawanan ko dahil hindi niya alam na walang pasok. Hindi kasi naming
pinaalam ang susupension, para mas marami kaming matapos na trabaho ni Sir
Erwin.
Nakatulong nga siya. Ako naman ay
nagawa ko ang assignment namin sa Philosophy of Education. Nakapagtawanan,
biruan at kulitan din kami maghapon. Nakapag-selfie din. Enjoy ang walang
pasok.
Alas-siyete, after dinner, ay
umuwi na kami ni Papang. Busog na busog ako sa gulay na niluto ni Donya.
Bukas, dun uli ako. Wala pa rin
kasing pasok.
Disyembre 9, 2014
Pasado alas-nuwebe ay nasa hideout na ako. Agad akong
nag-update ng Wattpad at blog habang hinihintay si Sir Erwin. Nakapag-almusal
pa kami ni Mamu. Nakatapos ko na rin ang report ko sa Philosophy of Education
ko nang dumating siya.
Tapos, puspusan na ang gawa namin. Sinimulan naming tatlo
ang action research. Maya-maya, sinimulan ko rin ang action research ni Mam De
Paz, kahit nagagalit siya sa grupo namin. Handa akong tulungan siya para di na
siya bumili sa Recto.
Natapos ko lang mock test question na gagamitin sa study at
nasimulan ko ang introduction. Gabi na kasi. Tapos, dumating pa si Plus One.
Nag-dinner kami at nagkuwentuhan.
Pasado alas-siyete na ako nakauwi sa boarding house. Pagod
pero masaya.
Disyembre 10, 2014
Ayoko sanang dumalo sa Christmas Party ng mga Filipino
Coordinators, kaya lang wala ako sa mood magklase ngayong araw. Gawa ito ng
dalawang araw na walang pasok.
Kaya, nang matanggap ko ang memo ng kunwaring meeting ay
agad akong nagdesisyon na dumalo. Umalis ako sa school bago mag-alas-nuwebe y
medya, dahil iyon ang nakasaad sa memo. Pagkatapos iyon na maihabilin ko ang
mga gagawin sa Tambuli kay Mamu. Nakapagpaalam na rin ako sa mga kasamahan ko.
Nasabihan ko na rin si Mam De Paz na ginagawa ko na ang kanyang action reseach.
Maaga akong nakarating sa MOA. Nakakita ako ng kasamahan ko
kaya may kasabay akong naghanap ng venue—Taste of Asia. Naligaw pa kami. Pero,
kami pa rin ang una.
Past 11 na nagsidatingan ang mga kasamahan ko pati si Mam
Silva. Past 12 na kami nakakain.
Ang sasarap ng pagkain. Medyo marami din akong nakain.
Na-enjoy ko ang pagkain hindi ang videoke at ang company. Pakiramdam ko hindi
ako nag-e-exist. Kakaiba ngayon ang party. Parang hindi masaya. Gayunpaman, naging
masaya ang mga kasamahan ko kaya masaya na rin ako.
Tatlong beses na akong nakakadalo ng party ng Filipino
department. Ayoko ma-miss ni isang party habang ako pa ang coordinator ng GES.
Besides, mas makikilala ako ng mga kasamahan ko.
Nakapag-take home pa ako ng mga ulam. Marami kasi ang sobra.
Five hundred pesos ba naman ang ambagan namin. Tapos, hindi pa dumalo ang iba.
Napagsalo-saluhan tuloy namin sa hideout ang mga ulam na
binalot ko.
Pagdating ko sa school, na-bad trip ako kay Mah. Buwisit na
Tambuli. Andami na naman niyang gustong baguhin. Bakit hindi na lang siya ang
magbago. Nakakaasar. Masyadong mataas ang standard. Hindi naman siya ang
nahihirapan.
Kaya, pagdating namin sa hideout, na-corrupt tuloy ang USB
ni Mamu kung saan niya nai-save ang bagong edited na copies. Sayang ang ilang
minutong effort niya. Nakikiramay pa sa amin ang USB. Tsk tsk.
Alas-nuwebe na kami nakaalis sa hideout ni Sir. Natapos na
rin ang burden niya. Napagtulungan na naming tatlo.
Pagod na pagod ako maghapon, pero, enjoy pa rin. Kahit paano
ay may time kaming mag-bonding sa hideout. Nakapagtawanan at nakapagkulitan
kami.
Disyembre 11, 2014
Napuyat na naman ako kagabi. Hindi ako agad nakatulog.
Siguro ay dahil sa kape na ininom ko sa hideout. Tapos, nang nagising pa ako ng
bandang alas-tres kanina para umuwi, hinid ako nakatulog. Nag-sound trip na
lang ako at maya-maya ay nag-type ng two-way specs sa Filipino IV na kailangang
ipasa sa Lunes.
Past 8 ako nakarating sa school. Nag-almusal ako doon at
nag-Wattpad. Tapos, nakipaghuntahan kay Mamu. Pinuntahan naming si Bebe sa
office. Natuwa siya nang ibigay ko ang kopya ng introduksiyon na natapos ko.
May ipapakita na daw siya sa supervisor.
Si Donya Choling naman ay nagsabi na alam na niya na
tinutulungan ko si Bebe. Nagpaptulong din siya kay Mamu.
Konti lang ang pumasok na estudyante ko. Wala naman talaga
akong balak magturo ng proper lesson. Kaya nagturo na lang ako ng
pagwa-Wattpad. Pagkatapos, pinanuod ko sila ng Youtube videos, maghapon.
Humirit pa sila. Bukas pa raw uli.
Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa hideout. Ako lang. Wala
si Sir. Ginawa ko ang action research ni Bebe. Nadugtungan ko kahit paano pero
kailangan kong ihinto dahil kailangan pa rin ng masusing pagpupunyagi para sa
iba pang resulta ng research.
Isang dating kaibigan ang naka-chat ko maghapon. Ang kulit
niya. Hindi nagbago. Noong isang araw ko lang siya nahanap sa FB. Pero hanggang
ngayon hindi pa kami friends.
Ang kulit pa rin niya. Ang lakas mang-asar.
Bukas ng gabi darating na raw si Epr. Sana may pambayad na
ako sa room namin. Baka siya pa ang masingil ng landlady. Ako pa naman ang
nakatukang magbayad.
Disyembre 12, 2014
Nagturo ako sa advisory class ko ng addition of whole numbers at decimals kahit konti lang sila. Natuto sila agad. Pagkatapos ay pinanuod ko sila ng movie at later ng short films sa Youtube, habang ako ay may ginagawa.
Nagturo ako sa advisory class ko ng addition of whole numbers at decimals kahit konti lang sila. Natuto sila agad. Pagkatapos ay pinanuod ko sila ng movie at later ng short films sa Youtube, habang ako ay may ginagawa.
After recess ay pinasulat ko sila
ng sanaysay tungkol sa kanilang mga alaala ng Pasko. Pinabasa ko una siyempre
ang gawa ko, bago pa sila nanuod ng videos. Ito na ang finale sa araw na ito.
Nakasulat naman sila bago mag-uwian. Ako naman ay nakatapos mag-revise ng
Tambuli.
After class, pumunat kami ni Mia
sa SM-Adriatico para mag-inquire ng ticket sa Rakrakan 2014. Ang kaso,
hindi na nagbebenta ang small SM branch ng mga tickets. Sa MOA at SM Manila daw
kami pumunta. Kaya, walang nangyari.
Sinamahan ko na lang si Mia sa
paghahanap ng scrapbook materials na gagawin niya. Then, nauna akong umuwi.
Magpapa-print yata siya ng pictures.
Pagdating ko sa boarding house,
nag-PM si Epr. Bukas na raw siay uuwi. Maaga. Sayang nasa school ako. Hapon ko
na siya makikita. Di bale makakasama ko na naman siya ng ilang araw. Sana rin
ay makasama siya sa concert.
Disyembre 13, 2014
Muntik na akong ma-late sa masteral class ko dahil alas-sais
y medya na ako nagising. Tapos, matraffic pa. Ang sumatutal, ako pa rin ang
pinakaunang dumating sa klase ni Dr. Yan.
Tinatamad akong mag-report kanina sa Philosophy of
Education, pero dahil natapos agad ang report ng una, pinareport pa rin ako.
Bago ako nakapagsimula, pinagpakilala ako ng sarili ko.
Naungkat tuloy nila ang buhay-pamilya ko. Ayo slang naman kaya lang medyo
awkward. Lagi na lang ba akong controversial tuwing ako ang magre-report.
Nagawa ko namang i-explain maigi ang report ko kahit may
time pressure at kahit hindi ko pala nabasang muli ang inihanda kong
powerpoint. Hindi nga rin ako nakapaghanda ng hand-outs.
Second subject. Natanggap ko ang na-check-an na assignment
ko last meeting. I got 97%. Medyo nainggit si Roselyn. Mas mataas kasi ako sa
kanya ng 5 points. Wala pang correction
sa grammar at spelling ko. So, proud of myself. Nakadagdag sa mataas na grade ko ang lively at interesanteng
subject at time.
Na-boring naman ako sa last period. Reading lang ang ginawa
ng mga reporters. Pitong reports sa loob ng dalawang oras. Lumampas ang oras ng uwian. Pasado alas-4 y
medya na tuloy ako nakauwi.
Pagdating ko sa boarding house, wala pa si Epr at hindi pa
ako inantok kaya nag-encode ako ng mga write-ups ng mga pupils na ipo-post ko
sa KAMAFIL. Tapos, umidlip ako. Saka naman dumating si Epr. Bandang alas-sais y
medya na iyon.
Disyembre 14, 2014
Bago mag-alas-onse ay nasa Sta. Clara Church na ako kung
saan bibinyagan si Nasheenlie Baes, ang inaanak ko. Nauna pa ako sa kanila.
Pero, ilang minute lang akong naghintay. Mas matagal akong naghintay na matapos
ang binyag, gayundin sa biyahe. Pasado ala-una na kami nakarating sa Paranaque,
kung saan ginanap ang reception. Gayunpaman, sulit ang matagal na biyahe dahil
masarap at madaming pagkain. Na-enjoy ko pa ang company nina Sir Erwin, Mam
Lolit, Pareng Joel G, Pareng Lester, Mam Leah, Pareng Joel G. at Mareng Joan V.
Mga kumpare at kumpare ko na sila.
Nalaman ko na bininyagan na rin pala ang anak ni Karen
kahapon. Hindi ako imbitado. Medyo, nakakapagtampo. Pero, ayos lang. Krisis
naman e.
Pasado alas-kuwatro ay nakauwi na ako sa boarding house.
Naidlip ako hanggang alas-sais.
Alas-siyete, nagtext ako sa mommy ni Epr. Tinanong ko siya
kung pwede kaming mag-Pasko doon sa kanila ni Epr. Nice idea daw. Kaya lang,
sabi ko, hindi pa nagyaya si Epr. Nang tinanong ko nga siya kanina kung saan
kami magpa-Pasko, wala siyang sagot. Siguro ay di pa siya handang pag-usapan.
Kaya ang payo ni Mommy ay hikayatin ko daw. Nangako naman ako na i-convince ko.
Gustong-gusto ko na rin kasing makarating sa Ilocos.
Disyembre 15, 2014
Kanina, anim lang ang pupils ko, pero dahil absent si Mamu
dumami ang estudyante na binantayan ko. Ayos naman sila. Hindi ako nagalit.
Hindi kasi sila pasaway.
Ala-una, nagsimula na ang practice teacher. Meron ako. Si
Ruth Bacoy. Dati ko siyang intern. Ako ang pinili niya as resource person.
Natuwa naman ako. Favor iyon sa akin dahil hindi ko na kailangan pang
magpakilala sa kanya.
Kaya, agad ko siyang tinuruan mag-lesson plan. Natuwa siya
dahil marami siyang natutunan. Sa school daw nila ay hindi sila naturuan ng
lesson planning. Pagkatapos niyang
magawa ang isa, with my guidance, pinagawa ko pa siya ng isa. Ayos naman.
Medyo, nagawa siya ang gustong plan.
Panay ang pasalamat niya bago nagpaalam. Sana, siya uli ang
highest pointer sa demo, gaya ni Vanessa.
Maghapon akong malumbay. Wala pa kasing bonus. Andami nang
umaasa sa pera ko---sina Hanna at Zildjian. Andami ko na ring dapat bayaran,
like RCBC at equity ng bahay. Idagdag pa ang exchange gifts sa hideout at faculty Chrsitmas party. Si Emily ay
humihingi din kahapon. Bukas daw siya uuwi sa Aklan.
Mabuti nga at hindi pa naniningil ang landlady.
Disyembre 16, 2014
Apat na pupils lang ang pumasok sa klase ko. Hayahay!
Agad na nag-decorate kami at naglinis sa kuwarto para sa
Christmas Party namin sa Dec. 19. At, nang matapos kami, hinayaan ko na silang
maglaro, habang ako ay nakiki-bonding sa co-teachers ko sa Grade 5. Nag-meeting
kami tungkol sa Faculty Christmas Party namin sa Dec. 18. Habang ginagawa namin
iyon, maraming pagkain ang dumating mula sa Kinder, dahil party nila.
Nalungkot ako maghapon dahil wala pa ring dumarating na
bonus. Nag-aalala na ako para sa mga anak ko. Kailangan na nilang makabili ng
susuotin sa kanilang party. Ngunit, nang papunta na kami sa hideout para naman
sa aming party at para sa celebration ng birthday ni Mamah, isang magandang
balita ang natanggap ko. Nag-text si Lester na may PBB na. Sobrang saya ko. God
is great talaga. Hindi niya hahayaang malungkot ang Kanyang mga anak ngayong
panahon.
Ang saya-saya ng party naming sa hideout. Tawanan at biruan
habang nagluluto. Tapos, kainan at tawanan uli. Walang humpay na tawanan. At,
siyempre, nakatanggap ako ng regalo mula kay Don Façade, Donya Ineng at Mamah.
Sayang, hindi pa ako nakapamili ng gift ko para sa kanila. Gayunpaman, unawa
nila iyon dahil sa late na pagdating ng bonus.
Magna-nine na ako nakauwi sa boarding house---masaya at
busog.
Bukas, ipapadala ko kay Flor ang pera para kina Hanna at
Zildjian.
Disyembre17, 2014
Maaga akong umalis ng boarding house para i-withdraw ang
PBB. Kaya lang inabutan ako ng dalawang oras sa klasada bago ko nagawa ang mga
nakaplano kong gawin, kasi nakadalawang lugar at ATM machines ako bago ko
na-withdraw ang pera. Akala ko ay nakain na.
Nakapagrocery ako sa Shopwise. Nakapagpadala ng pera kay
Flor through Smart Padala.
Sa school, may anim na pupils ako. Naglaro lang sila
pagkatapos ng palaro ng Magnolia. Ako naman ay nagbalot ng mga papremyo.
At alas-tres, nag-practice kami ni Mamu at ng Grade 4
teachers ng sayaw as presentation naming bukas sa Christmas party namin.
Nainis kami sa aming principal dahil gusto pa niyang
papasukin ang mga bata ng 6-9AM. Haay! Where’s the point?!
Nag-brainstorming kami tuloy doon. Nagpalitan ng kuro-kuro
at saloobin tungkol sa mga isyu.
Pagkatapos, sumama ako kina Donya Ineng at Mamu sa MOA.
Nagpasama kasi ako sa pagbili ng blouse para sa Monita ko. Muntik na akong di
makabili. Ang mamahal sa SM Depart Store. Sa Hypermarket lang pala kami
makakahanap ng mura at maganda.
Nine-thirty na ako nakauwi.
Nalulungkot ako kasi ang bilis maubos ng pera. Parang
minadyik lang. Sabagay, nakabayad ako ng equity. Nakapagbigay kina Hanna at
Zildjian. Ang problema ko na lang ay ang mga gifts ko sa pupils ko, kay Mama at
sa mga pamangkin ko. Sana dumating na ang PEI. Gusto kong umuwi sa Sunday para
makadalo sa binyag ni Kurt at birthday ni Courtney. Dadalo din kasi sina Hanna
at Zildjian, sabi ni Flor. Gusto daw akong makita.
Namiss ko na ang mga anak ko.
Kanina, tinawagan ako ni Zillion. Natuwa ako sa pagsasalita
niya. Matatas na. Hindi ko na narinig ang mahaba niyang pagbigkas. Malinaw na
malinaw na niyang nasasabi ang mga salita. Kanina, binati niya ako ng Merry
Christmas. Sobrang linaw. Nag-I love you pa siya. Ingat pa daw ako. Ang sweet.
Sobrang miss ko na siya.
Disyembre 18, 2014
Christmas Party ng GES Faculty and Staff, kasama rin ang
GPTA Officers.
Bongga ang catering service. Masarap naman ang mga food.
Na-enjoy ko. Na-enjoy ko ang mga palaro. Marami nga akong napanalunan. Naging
masigla din ako sa performance namin. Nagulat ako sa sarili ko. Todo bigay ako
sa pagsayaw. Applauded.
Sulit naman ang exchange gift. Mamahalin ang polo na bigay
sa akin ng Monita ko na si Mam Fatima. Nagbigay din ng gifts ang mga ninong at
ninang ni Zillion. Ako, wala pa akong gift sa anak ni Mareng Joyce at ni Mareng
Janelyn. Bukas na lang.
Nakiinom pa ako ng Red Horse sa Grade Six. Naki-sing-along
din ako. Ang saya. Mas na-enjoy ko pa ang moment na iyon.
Pagkatapos, umuwi na ako. At kahit tipsy, pumunta ako sa
hideout para magpalipas ng oras. Wala kasi si Epr. Nasa Cubao daw siya.
Past 8 ay nakauwi na ako.
Bukas ay Christmas Party namin
magkakaklase sa Philosphy of Education. Sana may time pa ako bukas para mag-Baclaran.
Doon na ako bibili ng mga panregalo sa mga pamangkin at inaanak.
Disyembre 19, 2014
Christmas Party ng mga bata.
Twenty-seven lang ang dumalo. Okay lang naman. At least, hindi masyadong magulo
at maingay.
Nag-enjoy sila sa mga games ko.
Nag-pa-Longest Greeting ako. Coin Relay. Stop Dance. Trip to Jerusalem.
Newspaper Dance. Kiat-kiat Relay. Basagang-palayok. Longest Line with a Twist.
At Bring Me. Malaking premyo din ang naipamudmod ko. Okay lang din dahil naging
mabait naman sila sa kin sa ilang buwan na aming pagsasamahan. Marami din nga
akong regalo na natanggap mula sa kanila.
Nagto-two o’clock nang umuwi ako.
Sobrang antok at pagod na kasi ako. Ni hindi na nga ako nakakain ng mabuti.
Alas kuwatro na nang pinilit ko ang sarili ko na kumain.
Kagabi ay naisip kong bisitahin
si Zillion sa Aklan. Kaya lang kapos ako sa budget. Kailangan ko ding bisitahin
si Mama at ang dalawa ko pang anak sa Antipolo. Need ko din siyempre ng salapi
para mapasaya silang lahat ngayong holidays.
Disyembre 20, 2014
Na-late ko sa masteral class ko. Pasado-alas-siyete y medya
na ako nakarating doon. Akala ko kasi ay wala nang mag-re-report. Meron pa
pala. Okay lang naman. Hindi lang naman ako ang late.
Pagkatapos ng reporting, nagkainan na kami. Nag-potluck kasi
kami. Ako ang naka-assign sa soft drinks. Ang saya kahit konti lang kami. Natuwa
rin si dr. Yan sa gift namin sa kanya.
Nagkuwentuhan kami habang kumakain. At pagkatapos ay
dumiretso na ako sa Puregold Libertad. Namili ako ng mga panregalo sa mga
pamangkin, mga anak ko at sa mga inaanak. Grabe, inabot ng P1600 plus ang
halaga. Kulang pa nga. Nalimutan ko kasing bilhan si Rhylle.
Naglaba at nagpahinga muna ako sa boarding house, pagkatapos
kong ibalot ang mga regalo.
Past 4 ay bumiyahe na ako papuntang Bautista. Past 8 na ako
nakarating. Nagulat si Mama sa pagdating ko. Akala niya ay kasama ko si Emily. Natuwa
siya later on dahil sa mga dala ko.
Kaya lang naawa ako sa kanya dahil nagtatampo siya kay Jano.
May nasabi yata ang kapatid ko na hindi niya nagustuhan. Hindi na talaga siya
pupunta sa binyag ni Kurt bukas at sa birthday ni Courtney.
Natuwa naman siya nang binigyan ko siya ng P2500 na cash. Magiging
wais na raw siya ngayon dahil naranasan niyang mawalan ng pera, mula ng di ako
nakakapunta. Tama iyon, kako. Sabi ko pa ay maging maramot na siya.
Naikuwento ko rin sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay ko kay
Eking. Tama lang daw iyon. Hindi nga daw sila maghinanakit sa akin.
Disyembre 21, 2014
Alas-otso ng umaga ay nasa bahay na ako nina Jano. Wala sila
doon nang dumating ako. Sina Ana at Tya Letty lang ang naabutan ko. Pero,
dumating sila bandang alas-nuwebe. Nagulat sila sa presensiya ko. Hindi kasi
nila expect na darating ako.
Alas-diyes ay nasa simbahan ako ng Boss-Boso, kung saan
bibinyagan si Kurt. Antagal matapos. Pasado alas-dose na kami nakabalik. Kaya
pagdating ko, agad akong kumain.
Isang mahabang paghihintay na naman ang naganap. Wala naman
akong ginawa para sa birthday party ni Courtney. Pero, nang nagsimula na,
bandang alas-tres, ibinigay sa akin ang camera. Ako ang naging photographer.
Na-enjoy ko ang gawain ko, habang nanunuod ng show ng dalawang clowns.
Sobrang gulo lang ng party dahil maliit ang ground at
maraming bisita. Gayunpaman, nakaraos ang mag-asawa. Nakatulong ako kahit
paano.
Bago mag-alas-siyete ay nakauwi na ako sa Bautista.
Nandoon din pala si Ate Ning. Sabi niya ay baka January niya
ako mabayaran. Nag-expect ako kasi, sabi ko ay kumuha ako ng bahay sa Cavite.
Disyembre 22, 2014
Sa sobrang lamig, alas-nuwebe na ako bumangon para mag-almusal. Tapos, ginugol ko ang maghapon sa pag-Wattpad, pag-FB at paghiga. Ang sarap ng magbakasyon.
Kaya lang, until now, hindi ko pa alam kung saan ako magpapalipas ng Pasko. Gusto ko sana sa Ilocos-- sa mommy ni Epr. Kaso, parang walang plano si Epr na umuwi doon. Ayoko namang manguna sa desisyon niya.
Okay lang din naman na mag-Pasko ako dito sa Bautista. Nagpapasaring si Mama. Gusto daw niyang manuod ng sine, lalo na ng Praybet Benjamin 2. Wala lang daw siyang kasama. Gusto ko siyang samahan.
Wala pa rin kaming gala ngayong araw. Hindi kasi natuloy ang pagdalo ni Mommy Salve sa kasal. Ninang sana siya at isasama kami. Okay lang. May ibang araw pa naman. Lalo na at dumating na ang kuya at pamangkin ni Epr. I'm sure, gagala din kami.
Malamig na ang hangin dito sa Ilocos Norte. Sarap magkumot o magsweater.
Pagkatapos ng almusal, nagsulat ako ng para sa journal at Wattpad. Nakasulat din ako ng tula na tungkol sa pagsalubong sa Bagong Taon o pagbabala sa paggamit ng mga paputok.
Huling araw na ngayon ng Disyembre. Huling araw na rin namin ni Epr dito sa Laoag, Ilocos Norte. Bukas ng gabi ay babalik na kami sa Pasay.
Disyembre 23, 2014
Alas tres y medya, nagising ako. Hindi na ako nakatulog. Siguro ay excited ako sa biyahe namin papuntang Ilocos. Kaya nang naramdaman ko na gising na si Mama ay bumangon na ako. Nagpaalam ako sa kanya. Hindi naman siya nagulat masyado kasi nasabi ko na sa kanya kahapon na invited ako ng Mommy ni Epr.
Alas-sais ay bumiyahe na ako.
Alas-nuwebe y medya ay nasa boarding house na ako. Dumaan pa kasi ako sa HP at nagbayad ng bills.
Alas-dose ay umalis na kami. Natagalan lang kami sa kakalakad at kakahanap ng Partas. Wala kasing biyaheng Laoag ang Victory Liner. Nasa unahan lang pala ng bus station na una naming pinuntahan.
Alas-dos y medya na nang lumarga ang bus.
Ang haba ng biyahe. Twelve hours. Kaya, alas-dos y medya na rin kami nakarating sa Laoag.
Masaya kaming sinalubong ng mommy at stepdad ni Epr.
Nagkuwentuhan kami, habang nagkakape, pagdating sa inuupahan nilang bahay. Tapos, sinubukan ko nang matulog.
Disyembre 24, 2014
Alas-siyete nang bumangon ako. Nagkape at nagkuwentuhan uli kami ni Mommy Salve. Tapos, niyaya ko si Epr na maglakad-lakad. Nagpicture-picture kami sa daan hanggang makarating kami sa kapitolyo ng Laoag. Ang ganda ng mga subjects doon kaya panay ang posing namin. Hindi na ako mabobokya sa souvenir picture.
Hapon, nagtext kami ni Emily. Siguro may nagsabi sa kanya na may kasama akong kulot na lalaki. Nakita sa Facebook. Kaya, impliedly kong sinabi sa kanya ang tungkol sa pagbakasyon ko sa Ilocos. Nasabi ko na rin tuloy ang tungkol sa kinuha kong house and lot. Natuwa siya.
Gusto ko sanang maki-join sa pamilya nina Epr sa pagsalubong sa Pasko, pero alas-diyes pa lang ay inantok na ako. Pumikit ako at nagising nang matapos na silang mag-Noche Buena. Natulog uli ako.
Disyembre 25
Pagkatapos mag-almusal ay naligo na ako. Akala ko kasi ay gagala na kami. Sira pala ang traysikel kaya di pa kami makakabiyahe. Ipinaayos muna.
Before lunch, naglakad-lakad kami ni Epr. Nakarating kami sa Marcos Gymnasium. Nagpicture-picture kami doon.
At alas-dos y medya ay nag-joyride na kami. Una naming pinuntahan nag Sand Dunes sa La Paz. Ang ganda ng lugar! Para itong disyerto sa Dubai. Nakakamangha.
Sunod ay ang Fort Ilocandia Resort. Ang ganda din ng lugar. Marcos na Marcos ang design ng hotel at casino. Mabuti ay open sa public kaya nakapagpicture kami. Sulit!
Ang ganda pala ng Laoag. Napakalinis. Mainit pero sariwa ang hangin. Malawak ang mga kalsada. Hindi pa nakakasawa ang mga atraksyon. Maraming magagandang lugar at bagay na pwedeng tanawin.
Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa KFC sa loob ng Robinson's Mall.
Alas-siyete na kami nakauwi. Pagod pero masaya at enjoy.
Niyayaya pala ako ni Emily na mag-Bagong Taon sa Aklan. Sabi ko wala na akong budget dahil binayad ko na sa bahay. No comment na siya.
Disyembre 26, 2014
Kulang ako sa tulog kanina dahil pineste ako ng mga lamok. Kahit may electric fan na ay hindi pa rin ako tinantanan.
Kaya naman, ako ang huling bumangon. Mabuti ay di pa nag-almusal ni Epr. May kasabay ako.
Wala kaming gala ngayon. May trabaho kasi ang stepdad ni Epr. Niyaya naman kami ni Shintaro kaya lang ay wala pala siyang lisensiya. Ayaw ng Mommy nila na bumiyahe kami. Kaya, nanuod na lang kami ng TV. Umidlip din ako.
Nalaman na ni Papang na nasa Ilocos ako. Peace ang sabi ko. I know naunawaan niya ako. Gustong-gusto niya din kasi na makarating dito.
Disyembre 27, 2014
Wala pa rin kaming gala ngayon. Maghapon lang kami sa bahay. Nagbasa lang ako ng Red Diary.
Sa aking pagbabasa, napag-alaman kong marami pala akong dapat i-edit. Sayang, hindi ko pa magagawa ngayon. Naka-free FB lang kasi ako ngayon. Gayunpaman, mas nakilala ko ang mga tauhan sa nobela ko. Mas makakatulong ito sa pagbuo ko ng iba pang chapter.
Sobrang init pala talaga dito sa Ilocos Norte. Hindi ako nakatulog. Okay lang naman. Kahit paano ay naging produktibo ang araw ko.
Disyembre 28, 2014
Wala pa rin kaming gala ngayong araw. Hindi kasi natuloy ang pagdalo ni Mommy Salve sa kasal. Ninang sana siya at isasama kami. Okay lang. May ibang araw pa naman. Lalo na at dumating na ang kuya at pamangkin ni Epr. I'm sure, gagala din kami.
Hindi ako nagkamali.
Nagyaya si Mommy Salve, pagkatapos ng dinner. Pumunta kami sa sentro, kung saan
naroon ang city hall, capitol, justice hall, Aurora Park at iba pa, na may
magagandang Christmas attractions at decorations.
Nag-picture-taking kami doon, siyempre. Enjoy! Ang ganda ng Laoag lalo na kapag
gabi. Tama lang pala ang katumbas na salita nito na 'liwanag'.
Past nine na kami umuwi.
Disyembre 29, 2014
Malamig na ang hangin dito sa Ilocos Norte. Sarap magkumot o magsweater.
Speaking of sweater, suot
ko ang sweater ko nang naglakad-lakad kami ni Epr. Siyempre, hindi nawala ang
picture-picture.
Escapade talaga!
Nag-upload ako pagbalik
namin. Tapos, nagbasa ng stories sa FB. Nagsulat din ako ng stories ko para sa
Wattpad. Sayang, di makakonekta ang wifi ko sa wattpad.com kaya
di ko mapublish.
Nahiga. Umidlip. Nagbasa.
Iyan lamang ang ginawa ko maghapon. Enjoy naman. Tapos, after dinner, nagyaya
si Kasey, pamangkin ni Epr na mamasyal sa Rizal Park.
Napuntahan na namin ni Epr
yun kaya lang umaga. Iba naman kapag gabi. Nagpiktyuran kami doon.
Nagtagal kami sa sports
complex. Maganda kasing tumambay doon kasi marami ang mga naglalaro at
namamasyal.
Nine ay nakauwi na kami.
Disyembre 30, 2014
Pagkatapos ng almusal, nagsulat ako ng para sa journal at Wattpad. Nakasulat din ako ng tula na tungkol sa pagsalubong sa Bagong Taon o pagbabala sa paggamit ng mga paputok.
Alas-tres ng hapon,
nagpunta uli kami sa may Fort Ilocandia. Nagswimming sila. Ako naman ay nagkuha
lang ng pictures. Namulot din ako ng mga bato at driftwood. Tapos, nakapulot
ako ng bote na may dalawang sulat sa loob. Enjoy naman ako.
Pagdating namin sa bahay nila, hinanap
ko sa FB ang sumulat niyon. Taga-Ilocos siya. Minessage ko pero di pa nag-reply
kung siya nga iyon. Gusto ko kasi siyang maging kaibigan. Parang may problema
sa buhay. Hehe
Disyembre 31, 2014
Huling araw na ngayon ng Disyembre. Huling araw na rin namin ni Epr dito sa Laoag, Ilocos Norte. Bukas ng gabi ay babalik na kami sa Pasay.
Alas-10 ng umaga ay lumarga
kami papuntang Malacanang of the North. Namangha ako sa lugar. Ang ganda nga
paligid. Overlooking kasi ang Paoay Lake. Ang loob naman ay well-maintained ang
mga antique na kasangkapan. Sulit ang pagdayo namin. Nag-enjoy ako. Andami kong
litrato.
Next stop is Batac City. Naroon ang
labi ni Marcos, pero di kami pumasok. Nagpicture lang kami sa labas.
Napiktyuran ko rin ang Batac Church.
Finally, sa Paoay Church
kami. Sa wakas, narating ko din iyon. Ang ganda! Picture perfect. Andami ko
ring nakuhang litrato.
After lunch bumalik na kami
sa Laoag. Alas-3 ay nakauwi na kami. Gusto pa sanang pumunta ni Mommy Salve sa
Sand Dunes kasi di pa nakapunta sina Kasey at Nepthali kaso ayaw na ni Tatay.
Okay lang. Nakapunta na rin namin kami ni Epr.
Andami kong pictures na
in-upload. Inabutan ako ng Medya Noche
No comments:
Post a Comment