Followers

Thursday, December 4, 2014

Redondo: Tono

Umuwi ako ng maaga para lagyan ng tono ang tulang sinulat ko kahapon. Niyaya sana ako nina Rafael na pumunta kina Riz, ayaw ko lang. Baka malaman pa ni Dindee, magselos na naman. Kung kailan masaya na ang buhay ko. Okay na yung makita ko si Riz na nakakatawa na. Nakakabiruan ko na rin naman siya sa classroom. Pero, ang maka-bonding siya, ayoko na. Hangga’t maaari, si Dindee lang ang kasama ko.

Nahirapan akong tonohan ang tula. Nawala yata ako sa pokus nang magtext pa si Nico. Killjoy daw ako. Mas bagay daw kami ni Riz kaya dapat siya na lang ang syotain ko. Grr! Mga buwisit! Hinayupak. Pinakialaman pa ang puso ko.

Hindi ko na lang ni-reply-an. Nakakainis e. Istorbo.

Naabutan tuloy ako ni Dindee. Narinig niya ang tugtog ko. Iba daw sa pandinig niya. Wala na akong nagawa kundi ipaalam sa kanya. Tutal malalaman din niya.

Wala namang problema sa kanya. Proud nga daw siya sa akin. So talented daw ako.

‘’Araw-araw akong nai-inlove sa’yo, Red!” turan ni Dindee sa gitna ng pagpupunyag kong malagyan ng tono ang chorus ng kanta. Namula ako. Napangiti pa. Wala akong masabi. Sobra yata akong kinilig sa binigkas niya. “I love you!’’ Lumapit pa siya sa kin at niyakap niya ako mula sa aking likod. Idinikit pa niya ang pisngi niya sa pisngi ko. Ang sweet.

“I love you, too, Dee! Araw-araw mo ring akong napapasaya at nai-inspire. Salamat, for being there.”

“Mas masaya akong kasama ka!”


Nasa tono na ngayon ang pag-iibigan namin nI Dindee.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...