Followers

Friday, December 19, 2014

Redondo: Abo

Nag-practice ako ng tatlong kanta, umaga pa lang. Ang mga aawitin ko ay "Pasko na Sinta Ko", "Ang Huling El Bimbo'' at "Ang Awit ng Kabataan". Matagal ko nang ginigitara ang mga ito kaya less effort na ako kanina. Nagkaroon pa ako ng time makipagkulitan kay Dindee.

Sa gitna ng aming tawanan at kulitan, naalala niya ang kasalanan ko sa kanya noong isang araw. "Hoy, hindi pa tayo tapos!" Dinuro niya pa ako kunwari. "Akin na ang sulat ng malanding si Riz mo! Bago tayo magkalimutan. Akin na, dali!"
Nataranta tuloy ako. "Opo, master. Kukunin ko na po. Saglit lang po, boss!"

Nakakurba ang mga kilay ng girl friend ko nang iabot ko sa kanya ang sulat ni Riz.

"Tinatago-tago mo pa talaga, ha! Anong plano mo dito?" Tumayo siya at isinampal niya sa pisngi ang sulat.

"Wala! Isusuli ko na nga sana sa kanya. Nakalimutan ko lang kahapon." Napakamot at napalunok pa ako. para akong nasa interrogation room. Tindi ng inspector ko.

"Sinong niloloko mo? Sarili mo?" 

"Oo. Hindi. I mean. Nagsasabi ako ng totoo." Napangiti pa ako. Gusto ko lang siya mapatawa.

Isang pinong kurot ang dumapo sa tagiliran ko. Ang sakit! 

"Dee naman, e. Yan ka na naman, e. Tama na. Cease fire na." 

"Cease fire mong mukha mo. Manloloko. Feelingero ka. Akala mo pogi. Pangit mo. Babaero! Hmp! Ayan!" Idinikit niya ang sulat ni Riz sa noo ko. "Sunugin mo ngayon yan sa harapan ko. At ipangako mong sunog na rin ang pagmamahal mo sa haliparot na yun! Go!"

"Hindi nga ka.."

"Oops! May reklamo ka?"

Ngumiti ako. Gusto ko siyang akitin. "Wala po, boss! Pag nagawa ko ba, kikiss mo na ako?"

"Lelang mo panot! Ito gusto mo?" Itinaas niya ang kamao niya.

"Hindi na. Sunugin ko na ito. Halika ka dito sa kusina.."

Nakita niya kung paano naging abo ang sulat ni Riz. Pero, ilang minuto pa siyang nakasimangot. Kiniliti ko lang siya ng kiniliti, saka lamang siya tumawa. Kaya, nakapagkulitan na kami. 

Mahirap siyang amuin pero masaya kapag lagi kaming magkabati..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...