Kahit parang
nakasara na ang mga talukap ng mata ko, pumasok pa rin ako. Unang araw at unang
Lunes kasi ng Disyembre. Inspired ako, lalo na’t natanggap ako bilang regular
performer sa MusicStram Bar. Estudyante pa lang ako ay kumikita na. Kagabi ay
binayaran agad ako. Isanglibong piso sa tatlong kanta. Saang kalsada ko
mapupulot ang ganung halaga? Bose slang ang puhunan.
Sa sobrang
tuwa ko habang ikinukuwento ko kay Gio, narinig ito ng mga kaklase ko.
“Weeh,
di nga?!” si Nico. Lumapit pa nga siya sa amin. Sumunod si Rafael.
“Oo
nga. Mukha ba akong sinungaling?”
“Hoy,
wait a minute, mga boylets..ano ‘yang narinig ko?” Si Romeo naman ang
lumapit. Nakiumpok na rin sa amin. Natanaw ko rin si Riz na gusto na ring
makisali.
“Ito
daw si Red ay musikero na! Pa-canton ka naman dyan.” Si Rafael naman
ang bumanat.
“Yun
lang ba ang kailangan para maniwala kayo sa akin?”
“Oo!”
chorus pa yata sina Roma, Rafael at Nico. Naghiyawan din ang iba pa naming
classmate.
“Yun
lang pala, e.” Kinuha ko sa wallet ko ang P500 at iniabot ko kay Rafael. “O,
ayan! Bili na ng gusto niyo.”
Para akong
performer, pinalakpakan kasi nila ako nang nasa kamay na ni Rafael ang pera.
Nakakatuwa!
At habang
nagre-recess kami, lumapit ako kay Mam Dina.
“Mam,
makakatulong na po ako ngayon sa kapatid ko.” bulongi ko, pagkatapos
kong umupo sa harap niya.
Tiningnan
muna ako ni Mam. Ngumiti. “Totoo ba?”
Tumango ako.
Tapos, maingat kong iniabot sa kanya ang limang daang piso. Ayaw kung Makita
iyon ng mga kaklase ko.
“Salamat,
Red! Congrats sa’yo!
Nginitian ko
siya bago ako tumayo.
Sobrang saya
ko ngayong araw. Napasaya ko ang mga kaklase ko. Nakatulong pa ako kay Mam Dina
at sa aking magiging kapatid.
Natuwa din
si Daddy sa ginawa ko. Pero, si Mommy…hindi! Hindi siya nag-comment nang
sabihin ko iyon sa kanya. Nasiyahan din naman siya sa pagkatanggap sa akin
bilang musician sa bar, pero naramdaman kong bigla siyang nalungkot nang
mabanggit ko si Mam Dina.
Nag-sorry
ako pagkalipas ng kalahating oras. Okay lang daw. Pero, parang hindi.
“Hayaan
mo na. Pasasaan ba’t matatnggap din ng Mommy mo ang nangyari.” alo sa
akin ni Dindee.
No comments:
Post a Comment