Nag-Christmas shopping kami ni Dindee. Pinadalhan kasi siya
ng pera ng kanyang Daddy. Binilhan niya ng gifts sina Daddy at Mommy. Mayroon
din siyempre ako. Long sleeves polo ang binili niya sa akin. Hindi nga lang
pula. Uso naman ngayon kaya okay lang.
Binilhan ko din sila ng regalo. Tatlong pirasong sando ang
binili ko kay Daddy. Kay Mommy, libro. Tungkol sa pagpapatawad ang pinili ko sa
NBS. Sana mapatawad na niya si Daddy bago magbago ng taon.
Si Dindee ay hindi naman mapanghangad. Kaya kahit ano na
lang daw. Naisip ko namang selfie stick para magamit namin, since hilig namin
ang mag-selfie. Nasampulan na nga namin kaagad naming kanina sa mall. Hindi na
nakaabot sa Pasko. Dun pa lang dapat namin bubuksan ang mga reaglo namin sa
isa’t isa. Sabi niya, ibabalik na lang daw niya sa karton at sa wrapper.
Ang saya-saya namin kanina sa mall kahit andaming shoppers
at ang haba ng pila. Parang hindi nagtampo si Dindee sa akin nung isang araw.
Nang dumating nga si Daddy, napansin agad ang sweetness namin.
“Uy, parang nung
isang araw lang ay parang Undas ang bahay natin ah. Ngayon, Paskong-pasko na.
Ang sweet niyo na.. Anyare?!’’ bungad na bati ni Daddy.
Tumawa lang ako. Si Dindee ang sumagot. “Si Tito talaga. Iba po kasi ang
karisma nitong anak niyo. Ang pogi e. Sa sobrang pogi, pati ex niya, patay na
patay pa rin sa kanya.“ Nakatawa siya pero sarkastiko.
Tumawa lang si Daddy. Nakitawa na rin ako.
“Speechless po kayo, ah. Siguro po ay mana lang sa inyo.” Si
Dindee naman ang tumawa.
“Hindi, a.” Bumalik si Daddy. Nasa kuwarto na kasi siya. “Mas
behave naman ako.”
“Weeh. Di nga po, Dad?”
Natawa si Dindee. “Alam na this.”
No comments:
Post a Comment