Followers

Thursday, September 1, 2016

Ang Aking Journal --- Setyembre, 2016

Setyembre 1, 2016 Nagkaroon ng pampinid na palatuntunan ng Buwan ng Wika. Bumaba kami upang manuod ng inihandang programa ng mga kaguro ko. Nasisiyahan ako sa pagtutulungan nila, ngunit nalulungkot ako dahil hindi ako nagkapag-ambag ng anumang bilang doon. Gayunpaman, masaya akong nanuod. Desisyon ko ang hindi makiisa upang ipakita sa pamunuan ng paaralan na sinayang niya ang kakayahan ko, nang balewalain nila ako. Mabuti nga at kahit paano ay tumutulong ako sa pagsasanay sa mga mag-aaral na ilalaban sa journalism. Kanina nga ay tinulungan ko sina Sir Keliste at Mam Dang na turuan ang dalawang estudyante na isasabak nila sa try-out ng broadcasting sa Lunes. Alam kong pilit nila akong isinasali upang hindi masayang ang talento. Alas-3:30 na ako nakauwi. Umidlip ako bago nagmeryenda at nagsimulang gawin ang aking mga gawaing-pampaaralan. Kay bilis lang ng oras. Halos hindi ko pa natapos ang gusto kong tapusin. Setyembre 2, 2016 Nagparada kami kanina at nagkaroon ng maikling palatuntunan upang buksan ang selebrasyon ng Science Month. Kaya naman, hindi pa rin kami nagpalitan ng klase. Si Mam Celine lang ang pumasok sa mga klase namin. Gayunpaman, nagturo ako. Nagoasulat ako ng piksyon tungkol sa 'ampon'. Sa ESP naman ay nai-relate ko ang parte ng buhay ko sa lesson namin. Gustong-gusto nilang kinukuwentuhan ko sila. Bago ako umalis, napili na namin nina Mam Dang at Sir Joel ang dadalhin nila sa Lunes para sa selection ng radio broadcasting team. Kasali doon si Jhonalyn, ang pupil ko. Hangad ko na mapili silang apat. Ka-chat ko si Flor. Nasa Bautista siya. Hinahanap raw at pinapauwi ako ni Mama ngayong araw dahil magpapasama siya sa pagpapa-checkup. Hindi raw puwede ang mga kapatid kong lalaki. Grabe! Gusto kong magalit. Ako na lang kasi lagi. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Sana naman ay unawain nila ako. Ako na nga halos ang sa pagkain at ibang pangangailangan ng ina namin, pati ba naman time ko para magpahinga at para sa sarili ko ay magagamit pa. Hindi na ako masyadong nag-react. Pag-uwi ko ay natulog ako. Paggising ko at pagkatapos magmeryenda ay nagbanlaw ako ng mga binabad na damit. Isa ito sa mga rason kung bakit hindi ako nakauwi at hindi ko masasamahan si Mama sa EAMC bukas. God knows, pagod na pagod ako. Idagdag pa ang mga typing job na dapat tapusin at gampanan. Hindi na nga ako pupunta sa interview for 'Ricky Lee Scriptwriting Workshop' sa Linggo. Mapili man ako, hindi ko rin magagampanan. Sayang lang. Okay na ako sa pagiging guro. Kahit paano ay nagagawa ko pa ring magsulat. Setyembre 3, 2016 Maaga akong nagising, kaya maaga rin akong nakaalis papuntang Antipolo. Gayunpaman, halos tinanghali ako ng dating sa Bautista. Sa biyahe, nasa dilemma ako. Iniisip ko kung pupunta ako sa UP Diliman para sa screening at interview ng Ricky Lee's 15th Scriptwriting Workshop. Gusto kong makasali. Mahigit isang dekada na ang lumipas nang sumubok ako makapasok sa kaparehong wokshop, kaya lang ay hindi ako napili. Hindi naman ako natatakot mabigong muli. Nanghihinayang lang ako sa sasayangin kong oras doon kung mapili man ako ay hindi ko naman magagampanan dahil mas marami ang oras na ginugugol ko para sa mga estudyante ko. Mas masarap pa ring maging guro. Nakita at narinig ko mula kay Mama ngayong araw ang kagustuhan niyang makakitang muli. Gusto niya talagang makapagpa-checkup. Sinabi ko naman sa kanya na kapag ako ang sasama sa kanya, mas marami ang mawawala. Kaya sana, isa sa mga kapatid ko na lang ang magsakripisyo. Magbibigay naman ako ng pera, e. Setyembre 4, 2016 Hindi naman ako nakatulog nang mahaba. Nagsulat kasi ako kagabi ng fiction. Hindi naman ako nagsisi dahil maganda naman ang resulta. Sabi ng ka-SP ko, naiyak daw siya. Paano ba namang hindi, e, love story iyon sa Davao Bombing noong September 2. Kahit ako ay namangha sa akda ko. Maagang nagluto si Flor, kaya maaga rin akong nakakain at nakaalis sa Bautista. Past one pa lang ay nasa boarding house na ako. Umaasa ako na masasamahan ni Taiwan si Mama sa day-off niya. Naaawa talaga ako sa kanya. Pinanghihina siya ng kanyang pagkabulag. Apektado na ang kanyang pisikal na lakas. Setyembre 5, 2016 Nagturo ako ng "Mga Uri ng Pang-abay" sa apat na sections. Sa advisory class ko, una kong binasa ang "Ang mga Puting Lobo at ang Singsing". Nagustuhan nila ito at halos maiyak sila. Kaya naman, ginawa ko na itong springboard sa tatlo ang section. Nagustuhan din nila. Na-inspire tuloy akong sumulat ng kuwento araw-araw. Ang Section 1 kasi ay humihirit pa ng isa. Pinangakuan ko sila. Natuwa kasi ang sa response nila. After class, pumunta ako sa Infinite upang pickup-in ang order kong PE uniform. Umalis naman agad ako. Pasado alas-singko na ako nakauwi. Gutom na gutom ako. Sumakit tuloy ang ulo pagdating ng gabi. Setyembre 6, 2016 Nagbenta ako ng mga PE uniform sa mga umorder na teachers at bata, habang nagpapagawa ng activity. Halos hindi na naman kasi kami nagpalitan. Okay lang naman. Pagkatapos naman ng klase, nagyaya si Papang sa HP. Naghalo-halo kami doon at nagkuwentuhan. Gaya ng dati, naging makabuluhan at masaya ang aming kuwentuhan. Napasarap nga, kaya pasado alas-5:30 na ako nakauwi. Nagahol tuloy ako sa oras. Kailangan kong magmadali para maihanda ang LM ko. Okay lang naman. Minsan na lang kasi kami mag-bonding. Setyembre 7, 2016 Nasigla akong nagturo sa lahat ng seksiyon. Binasahan ko na naman sila ng kuwento. Nagustuhan nila ang kuwentong "Nalunod ng Pag-ibig". Kinilig ang karamihan, lalo na ang mga babae. Kay sarap tingin at pakinggan ang kanilang mga reaksiyon. Ang sabi nga ng isa, "Ang sarap pakinggan." Humihirit pa nga sila. Bukas daw uli. Sabi ko naman, baka sa Friday, dahil mahirap magsulat ng kuwento. Naiinis ako sa trainee ko ng 'pagsulat ng editoryal'. Hindi na naman sumipot, kahit sinabihan ko na may training. Parang hindi naman interesadong manalo. Kaya naman, umuwi na lang ako nang maaga. Umidlip ako hanggang 4:30. Setyembre 8, 2016 Nagturo ako nang masaya sa advisory class ko, pero nang babasahan ko na sila ng kuwento, as they requested, nainis ako. Hindi interresado ang ilan. Kaya, hindi ko sila binasahan. Ginawa ko iyon sa first and last section. Sa isang section, hindi ako nagpatuloy sa pagtatalakay dahil marami ang bastos na estudyante. Iyan ang madalas kong problema. Sabi ko nga, "Filipino lang kasi ang itinuturo ko. Pangbobo lang ito. Kaya titigan niyo na lang ako." Natahimik sila. Sabi ko pa, "Bobo ko nga kasi Filipino teacher ako. Kaya nga nakakasulat ako ng mga tula at kuwento at nababasahan ko kayo. Ang mga dati ko ngang teachers ay nagbabasa ng mga akda ko." Pagkatapos noon, tahimik na ang classroom. Umuwi agad ako dahil hindi na naman nagpakita ang trainee ko. Nainis na ako kaya hindi ko na siya sinabihan kanina. Ayaw yata niyang manalo. Umidlip ako pagdating ko. Alas-4:30 na ako bumangon para magmeryenda at magbanlaw ng mga damit. Sinunod ko naman ang pagsulat ng kuwento, tula, at journal. Kulang ang oras. Kay bilis nitong umikot. Andami ko pa sanang gustong gawin. Setyembre 9, 2016 Sinimulan ko ang umaga ko nang masaya, kaya buong hapon akong masaya. Natuto sa akin ang mga mag-aaral. Natuwa pa sila sa kuwento ko. Pambihira talaga ang paghahangad nila na mabasahan ko sila ng sarili kong kuwento. Nakaka-inspire. Lalo akong nagnanais na makasulat ng akda, araw-araw. Ala-una y medya, nagkaroon ako ng post con kay Mam Jeck, cluster supervisor. Wala si Mam Deliarte, pero nandoon si Mam Rose. Sinabi agad niya ang kulang ko-- lesson plan. Cardinal sin nga raw iyon para sa mga teacher. Pero, nagrason ako. Ipinaalam ko sa kaniya na nagkataon lamang. Mahusay raw akong magturo, kaya nakabawi ako doon. After ng mga payo at komento, binati niya ako bilang mahusay na guro. I have learned my lesson. Kailangan ko talagang maghanda ng LMs at LP. Pagkatapos kong kumain, niyaya ako ni Papang na magtaho kami sa Sanitarium. Gaya ng dati, naging masaya ang aming usapan. Nakakawala ng stress. Alas-5:30 na nga kami naghiwalay. Hindi na tuloy ako nakapagpadala ng formating/proofreading fee sa Barubal Publication. Sarado na ang Palawan. Pag-uwi ko agad akong nagsulat ng lesson plan at gumawa ng visual aid sa Filipino. Andami ko pa kasing hahabuling LP sa Hekasi. Kailangan ko ring harapin ang IPCRF at E-Class Records ko. Haist! Setyembre 10, 2016 Maghapon kong ginawa ang lesson planning. Natapos ko na ang mga backlog ko. Siyempre, nakapagsulat din ako. Nasimulan ko ang isang kuwento. Kaya lang, sa sobrang init, hindi yata ako nakatulog. Pumunta rin ako sa HP, bandang alas-diyes para magbayad ng internet bill, mag-grocery, at magpadala ng formatting/proofreading fee sa Barubal Publication. Sisimulan na raw nila agad. Three to five working days daw iyon. Nae-excite na ako. Nalulungkot lang dahil may sakit si Ion ngayon. Ayaw raw uminom ng tubig at gamot. Ayaw ring kumain. Gayunapaman, kampante ako dahil nandoon naman si Emily at ang mga lolo't lola. Setyembre 11, 2016 Past 8:30 na ako nagising. Lumabas ako para mag-almusal. Sa Sanitarium ako napadpad dahil nag-withdraw ako ng pera na ipapadala ko kay Bro (Bevs). Nangangailangan siya ngayon. Pambili raw ng LPG. Naipadala ko naman iyon kaagad. Tumakas naman ako sa sobrang init sa kuwarto. Tumambay ako sa kanto papuntang Sanitarium. Hindi rin naman ako nagtagal doon. Pasado alas-dos ay umuwi na ako. Tiniis ko na lang ang init. Hindi ako nakaidlip. Maghapon, marami akong na-aacomplish. Nakapaglaba. Natapos ko ang ICPRF. Nakagawa ng LM sa AP. Nakasali at nakapag-submit ng dalawang kuwento sa Canvas Stories. At naipagpatuloy ang pagsulat ng kuwentong binubuo ko. Naiinis lang ako dahil na-delete ko pala ang halos kalahati niyon. Sayang! Kailangan ko na naman tuloy isulat. Setyembre 12, 2016 Dahil walang pasok, Ei'dl Adha kasi, magbabad ako sa higaan. Kung hindi lang ako tinawagan ni Mam Roselyn, hindi ako agad magigising. Okay lang. At least, nakapag-almusal pa ako sa carinderia. May naabutan pa ako. Nilaan ko naman ang buong araw ko sa pagsusulat ng kuwento. Natapos ko rin sa wakas ang "Letting Go". Nakapagpahinga rin ako. Masaya akong malaman na magaling na si Zillion. Makakapasok na siya bukas. Ang kulit na naman siguro. Sabi nga ni Emily, naghahanap na raw ng kapatid. Aguuy! Setyembre 13, 2016 Wala kaming palitan ng klase dahil may Values at Cathecism. Wala rin si Pareng Joel. Gayunpaman, nagturo ako. Hindi ko nga lang sila nakuwentuhan. Ngayong araw, nakiusap si Mam Milo na makahiram ng P1000. Hindi ko naman siya binigo, lalo na't napautang ko rin si Mareng Janelyn ng P4000. Pagkatapos ng klase, umuwi agad ako. Sobrang antok ko na kasi. Nakapaghanda na ako ng LMs at LPs, kaya umidlip muna ko. Paggising ko, binasa at pinost ko naman ang mga akda ng pupils ko. Nae-excite na ako sa libro kong ipinapa-publish sa Barubal. Ang saya siguro mag-promote at magbenta ng sariling aklat.. Setyembre 14, 2016 Sinikap kong maituro nang masigla ang inihanda kong lesson. Sa palagay ko, karamihan sa kanila ay natuto. Nakita ko naman sa resulta ng kanilang quiz at sa mga participation. Natutuwa akong makita silang natututo. Ang bilis nga lang ng oras. Halos wala na naman akong pahinga. Nagsulat. Nag-post. Nakipag-chat kay Emily at kay Bro. Naghanda ng lesson at learning materials, at nagplantsa pa. Gayunpaman, masaya akong ngayong araw dahil naipasa ko na ang About the Author at Author's Note ng librong ipinipa-publish ko sa Barubal. Natuwa si Emily nang ibalita ko iyon. Pareho kaming excited. Malapit na talaga akong magkalibro. Setyembre 15, 2016 Masigla kong itinuro ang inihanda kong lesson. Binasahan ko rin sila ng kuwento ko. Isa iyon sa mga kuwento ko na na-inspire, lalo na't love story at may tungkol sa edukasyon at pangarap. Lahat ng sections ay natuwa. Ang section 1 nga ay ni-rate ako. Perfect daw. Nakaka-inspire din sila, sabi ko sa kanila. Dahil sa daga, na pumasok sa electric fan, napuyat ako kagabi. Inantok tuloy ako pagkatapos ng klase. Kaya. umuwi agad ako. Hindi lang ako nakaidlip dahil naabutan ko sina Epr at Judilyn. Busy sila sa report nila. Gumawa na lang din ako ng summative tests para bukas. Setyembre 16, 2016 Napuyat ako kagabi. Halos dalawang oras lang ang tulog ko. Mabuti na lang at hindi ako inabot ng antok sa mga klase ko, gayong nagpa-summative tests lang ako. Pagkatapos naman ng klase, nag-bonding uli kami ni Papang. Nag-float at fries lang kami, habang nagkukuwentuhan. Hanggang alas-kuwatro lang kami doon. Gusto ko sanang manuod ng sine, dahil naintriga ako sa pelikulang 'Train to Busan'. Nang niyaya ko naman si Epr ay parang hindi niya gusto. Kaya, naghanap ako ng free sa internet. Nakahanap naman ako. Pinanuod agad namin. Halos lampas kalahati na nang magloko ang video. Hindi namin natapos. Sayang! Ang ganda pa naman. Pero ang kagandahan nito, nakakuha ako ng idea para makasulat ako ng tula para sa araw na ito. Setyembre 17, 2016 Gusto ko lang sanang matulog maghapon, pagkatapos kong maglaba. Kaya lang, nag-chat si Ate Donna. Nasa Bautiata raw ang magkapatid na sina Hanna at Zildjian. Sabi ko nga'y 'di ako nakakauwi. Pumunta siya kay Mama. Pinilit ako ni Mama na umuwi dahil may sasabihin daw siya tungkol sa operasyon niya. Wala ring mag-aasikaso sa mga anak ko. Nagmadali na lang akong magbanlaw. Kaya, before 12 ay nakarating na ako. Nakakalungkot lang ang mga reaksiyon ng dalawa. Palibhasa, matagal kaming 'di nagkikita. Lumayo na masyado ang loob nila sa akin. Naisip ko tuloy si Zillion. Malayong-malayo sila sa kapatid nila kapag ako ay dumarating at umaalis. Hindi ko naman agad sila naharap dahil sa sobrang antok ko, gawa ng pakikipag-chat sa mga kaibigan kong taga-Polot na sina Ita at Fema. Nang kinausap ko naman sila, isang tanong, isang sagot lang din. Parang ako nga sila dati. Si Zildjian ay halos ayaw magsalita. Gayunpaman, masaya ako dahil nagkita-kita kami. Sana maging madalas ang pagpunta nila kay Mama. Past six, hinatid ko sila za bahay nila. First time akong makarating doon. Although, hanggang sa labas at malayo lang ako, kahit paano ay nalaman ko na ang lugar nila. Nakita nga lang ako ng selosong stepfather nila. Mga past nine ako nakauwi sa boarding house. Pinanuod ko ang last part ng 'Trip to Busan' bago ako sumulat ng tula. Setyembre 18, 2016 Bago mag-alas-diyes ay nasa SMX na ako para MIBF. Antagal kong pumila at naghintay para magbukas ang convention center. Na-disappoint ako dahil masyadong maraming tao. Hindi ako makapili ng libro. Naglibot-libot na lang ako. Naghanap ko ang writing workshop, pero wala akong nakita. After lunch, pumasok ako sa The Wattys 2016 4th Annual Meet Up. Na-enjoy ko naman ang event kahit paano. Masyado mang marami ang wattpaders na naroon, malaki naman ang lugar. Nakaagaw pa ako ng souvenir shirt. Sulit ang pagtambay ko. Pagkatapos, sa cosplay naman ako napadpad. Nagpicture-picture lang ako. Doon ko rin nakita si Mhorric, ang kasamahan ko sa Sulat Pilipinas. Magmi-meet up naman talaga ang mga yaga-SP. Natiyempuhan ko lang siya. Inaabangan niya ang iba. Naghintay kami ng iba pa. Medyo matagal. Hanggang, si Ched lang ang na-meet namin. Ang bata ko raw tingnan, sabi ni Ched. Si Mhorric naman, ang gwapo ko raw. Nice comments. Pagkatapos naming mag-groufie, nagpaalam na rin ako kay Mhorric. Nauna lang si Ched. Pumunta naman ako sa Mc Donalds Blue Bay, Macapagal para sa Tropang Barubal Mini Meet-up. Kaya lang, wala akong nakita ni isa. Alam long hindi natuloy. Late na nga ako, e, wala pa rin sila. May nagpost nga sa group, kung nasaan na. Nasayang lang ang oras ko. Sana pala nag-stay pa ako sa MIBF. Nakita ko sana ang iba kong ka-SP, gaya nina Hanah at Ent. Umuwi na ako, pagkatapos ng kalahating oras na paghihintay. Setyembre 19, 2016 Wala kaming palitan ng klase kanina, kaya napagod ako. Gayunpaman, natuto ang advisory class ko sa akin. Tatlo ang subjects ko sa kanila. Napasulat ko rin sil ng mga akda. Pag-uawi ko, sinubukan kong umidlip. Ewan ko kung nagawa ko. Gabi, nakipag-online meeting ako sa mga ka-SP ko. Natutuwa ako dahil bubuksang muli ang Sulat Pilipinas. Malamang ma-chachallenge na naman ako nito, lalo't magkakaroon ng bagong roles ang mga admin. Baka mapunta ako sa Press Relations Department. Challenge talaga ito sa akin, gayong may fear ako sa pakikisalamuha sa tao. Setyembre 20, 2016 Wala uli kaming palitan ng klase dahil sa Adventour na ginanap sa ABES. Pumunta doon ang mga magbayad na estudyante. Halos nangalahati ang mga klase dahil ang ibang bata ay um-absent. Nakipagkulitan na lang ako sa advisory class ko, pagkatapos kong magturo ng bugtong at magpasulat sa kanila nito. Nalungkot ako umaga pa lamang nang makita ko ang bill ng housing loan ko. Na-approved na pala. Ibinalita ko iyon kay Mareng Janelyn. Tinawagan niya naman ang ahente namin. Hindi rin niya alam, kaya nagkasundo kami na pumunta sa opisina bukas. Maya-maya, nabasa ko sa cellphone ang text message ng developer. Noong September 1 pa pala ako tinext. Palibhasa bihira ko na lang magamit ang number ko. Nasa ibang cellphone kasi. Okay lang naman. At least, hindi pa ako huli. Makakapagbayad pa ako before September 30. Setyembre 21, 2016 Tamad na tamad akong makipagpalitan ng klase kanina. Mabuti na lang ay hindi pumasok si Mam Gigi sa klase ko. Pero noong lumipat at magtuturo na ako sa VI-Garnet, nainis ako dahil wala halos silang dalang aklat. Pinasagutan ko na lang sa kanila ang activity doon. Parusa sa katamaran nilang magdala ng aklat. Nakita ko na ang book cover ng "Lola Kalakal". Nagustuhan ko naman kaya agad kong in-approve. Sila na rin ang gumawa ng synopsis dahil mahaba raw ang gawa ko. Inaprubahan ko naman kaagad dahil mahusay naman ang pagkasulat. Kung hindi lang ako pumumta sa Homemarks para sa papeles ng house loan ko, babayaran ko na sana ang P5100 na printing at delivery fee ng 30 pieces na books ko. Excited na akong magbenta. Past 2:30 kami nakaalis ni Mareng Janelyn patungo sa Homemarks. Na-traffic kami, kaya past 4 na kami dumating doon. Mabuti kami na lang ang clients. Natanggap ko na ang mga kailangang papers para sa turn-over. Nagbayad na rin ako ng property tax at homeowner's fee. Natuwa ako dahil magkakaroon na ako ng sariling bahay. Kailangan kong maging masipag sa pagsusulat at pagpa-publish ng libro para makatulong sa pagpapaayos ng bahay. Kinakabahan man ako, pero malakas ang loob ko na magiging maayos at maganda ang tirahan ko. Mag-aalas-siyete na ako nakauwi. Setyembre 22, 2016 May Investiture Ceremony ngayon sa school. Nanuod kami, pero after one hour, umakyat na kami dahil nagiging uneasy na ang mga bata. Nakaka-boring ang seremonya. Nag-recess na lang kami. Wala namang palitan ng klase dahil dito. Kaya, nagpasulat na lang ako ng kuwento tungkol sa scout. Shortened ang klase. Alas-dose ay pinauwi na ang mga bata para magkaroon kami ng faculty meeting. Nakaka-disappoint lang dahil, gaya ng dati, ganoong style na naman ng meeting. Paulit-ulit, pasaliwa, nagpapasaring. Grade 6 na naman ang special mention. Pinasok at pinalabas ko na lamang sa mga tainga ko. Alas-kuwatro na natapos. Saka lamang ako nakapunta sa Palawan-HP para magpadala kay Emily at magbayad ng printing fee sa Barubal Publication. Masisimulan na nila ang printing. Sabi nila 7 to 14 days ang working days nito. I can't wait na talaga. Kahit si Sir Erwin ay na-eexcite na rin. Umorder na siya ng dalawa. Pinaplano ko naman ang pangalawa kong libro. Kailangan kong kumita para makatulong sa mga gastusin, lalo na't nalalapit na ang turnover ng house-and-lot ko. Setyembre 23, 2016 Kakaunti ang estudyante ko ngayong araw dahil nasa opening ng District Palaro 2016. Ang iba naman ay sadyang absent talaga. Gayunpaman, magulo at maingay pa rin sila, kaya pinasulat ko sila nang pinasulat ng akda, habang nakipagkuwentuhan ako kina Pareng Joel at Mareng Janelyn tungkol sa panghihiya sa aming Grade Six teachers kahapon sa faculty meeting (kuno). Natatawa lang kami dahil alam naming nagliyab ang mga puso ng mga traydor. Ako, nanahimik lang. Hindi ako nagpakita ng emosyon. Mas maaakit iyon. Grabe talaga sila. Pinapersonal na kami... After ng klase, bumiyahe ako papuntang Tanza. Nais kong mapa-schedule ang first inspection ng bahay ko. Kaya lang, sa pagsakay pa lang ng bus ay natagalan na ako. Two-45 na ako nakasakay. Bumagsak pa ang napalalakas na ulan. At kay bagal pa ng bus. Pick-up nang pick-up ng pasahero. Ang sumatotal, dumating ako sa Tanza ng mga 3:50. Ilang minuto na lang ay sarado na ang office. Wala pa naman akong payong. Magtra-tricycle pa ako paloob sa subdivision, kaya malamang hindi ko na rin maabutan ang clerk na mag-a-assist sa akin. Kaya, umuwi na lang ako. Nanghihinayang man ako sa oras, effort, at pamasahe na ginugol ko, wala na akong magagawa. Pasalamat na lang ako dahil agad ko itong natunton. Hindi na ako maliligaw sa susunod kong punta. Kailangan ko lang talagang paghandaan. Setyembre 24, 2016 Maaga akong nagising, kaya maaga rin akong nakarating sa venue ng echo-seminar tungkol sa dagli, informance, at balagtasan. Filipino time pa. Gayunpaman, marami akong natutuhan, lalo na sa balatagsan at informance. Ang dagli kasi ay sumusulat na ako, kaya hindi na ito bago sa akin. After lunch, nagkaroon ng workshop. Pinasulat kami ng Balagtasan tungkol sa kung ano ang mas mahalaga: ang matalino o mayaman. Dahil sumusulat na ako ng tula, naging madali na sa grupo namin ang makapag-present ng output. Nagtulong-tong kami. Sila naman ang nag-perform. Ayos naman! Nakakatuwa. Gusto ko sanang magpasa ng dagli, kaya lang nagahol na ako sa oras. Umepal na lang ako kaya lang 'di naman nakatulong. Gusto ko sanang maipaabot sa kinauukulan na ang katulad ko ay may nakatagong kakayahan, na dapat nilang gamitin at suportahan. Overall, sulit ang isang araw. Marami akong naiuwing aral at kaalaman. Magagamit ko ang mga iyon sa aking pagsusulat. Nakauwi ako ng bandang alas-5. Masakit ang ulo ko. Pero, hindi ako natulog. Nagkape lang ako para mawala. Nawala naman kaya nakapagsulat ako. Setyembre 26, 2016 Wala palitan kanina ng klase. Gusto ko pa naman sana. Handang-handa naman akong magturo. Pero, okay lang. Mas marami akong natapos. Naikuwento ko sa mga bata ang mga plano ko at ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko ngayon--- ang libro at ang bahay. Excited na sila sa libro nilang ipinangako kong regalo sa kanila sa graduation. Pagkatapos ng klase, pumunta ako sa Tanza. Nakarating naman ako bago mag-alas-kuwatro. Nag-fill out ako doon ng forms, binigyan ng mga documents na ipapa-notary, at ini-schedule sa first inspection. Sa October 26 pa ako babalik. Nakauwi naman ako ng past 5. Pagod ako pero nagawa ko pa ring maghanda ng IM. Hindi ko na nga lang nagawang magbasa at mga-post ng akda ng mga estudyante ko. Setyembre 27, 2016 Wala pa ring palitan ng klase dahil wala si Sir Keliste. Nasa opening siya ng journalism. Isa pa, may Values Education ang Bethany. Nasa akin ang 1/3 ng klase ni Sir. Tamang-tama naman dahil nasa sports ang karamihan kong pupils. Napunan tuloy ang mga bakanteng upuan. Nagturo ako kahit walang palitan. Pinagsulat ko rin sila nang pinasulat, habang ini-inspire kong maging manunulat. Ang tatlong pupils ko nga ay interesadong tumulong sa Le Sorelle's LSPuso Benefit Project, since mahuhusay silang gumuhit. Chinat kasi ako ng LSP kung ano raw ang maitutulong ko. Hindi naman nag-send ng kuwento ang kausap ko. Nalalapit na ang paglabas ng libro ko. Excited na talaga ako. I can't wait sa Teachers' Day Celebration... Setyembre 28, 2016 Malakas ang ulan kaninang umaga. Akala ko nga'y magsu-suspend ng mga klase ang Pasay City Local Government, hindi pala. Dahil dito, 16 lang ang pumasok sa 44 kong bata. Although, ang ilan sa kanila ay kasali sa District Palaro, marami pa rin talaga ang absent. Okay lang naman dahil tumulong ako kay Parang Joel sa pag-train sa mga estudyanteng lalaban bukas sa journalism contests. Bukas, puwede raw sumama sa laban ang mga trainers hindi ako sasama. Mas maigi pang magturo ako sa klase ko. Nakakatamad kasi ngayon ang journalism dahil sa pamamalakad ng admin. Kulang siya sa reward, recognition and motivation. Pansariling interes lamang ang mahalaga sa kanya. Setyembre 29, 2016 Marami akong estudyante na pumasok kami umulan nang malakas. Natuwa ako dahil natatakot silang umabsent. Nakatulong ang pagbibigay ko nang award sa makakakompleto ng attendance. Nagturo ako sa Filipino at Araling Panlipunan. Then, nagpagawa ako ng poster tungkol sa selebrasyon ng World Teachers' Day. Group work iyon, kaya na-enjoy nila. After class, niyaya ako ni Papang na mag-bonding kami sa Sanitarium. Gaya ng dati, kumain kami ng taho at nakuwentuhan. Nawala ang stress ko. Setyembre 30, 2015 Bente-singko lang ang pumasok kong pupils. Gawa ito ng Science Camp ngayong araw. Okay lang din naman. Kailangan ko kasing makuhaan ng mga larawan ang mga sumali sa camp, habang ang iba ay nasa classroom. Nagawa ko naman at walang anumang masamang nangyari sa mga naiwan. Naglaro lang naman sila doon. Past 11, nagpauwi na kami. Umidlip naman ako pagkatapos. Then, past 1, pumunta kami nina Sir Joel at Mam Milo sa Cuneta Astrodome para sa celebration ng National Teachers' Day. Dapat wala kami, kaya lang kailangan ang iba sa school dapat may nagaganap na pageant doon, ang Munting Bb. Agham 2016. Hindi naman ako masyadong na-touch sa mga napanuod namin sa astrodome. Hindi ko na-feel ang tribute for teachers, gaya kapag Gabay Guro. Gayunpaman, masaya ako dahil nakadalo ako. Past 5 na ako nakauwi.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...