Halos mapaiyak sa sakit ang dalagang nagpa-abort kay Dra. Baby. Nawalan
ito ng malay, pagkatapos. Tumutulo naman ang luha ng abortiyonista habang
inilalagay sa botelya ang fetus.
“Ito na ang huling beses na gagawin ko ito.” wika ng doktora
pagkatapos tanggapin ang pera sa boy friend ng dalaga. Iniabot naman niya ang
botelya.
“Salamat po at napagbigyan niyo pa po kami.”
Matamlay na tiningnan ni Dra. Baby ang lalaki. Tapos, tiningnan niya ang
babae. Awang-awa siya dito. “Kaedad niya sana ang anak ko. Kung di ko lang siya
kinuha ng lola niyang mata-pobre, magkasama sana kami ngayon. Siguro ay hindi
ako ganito.” Nagbabadya na ang mga luha niya.
“Malungkot din po pala ang nakaraan ninyo. Parang si Angel.”
“Angel? Angel ang pangalan niya?”
“Opo. Hulog po siya ng langit sa akin. Kaya nga lang, ayaw sa akin ng
lola niya. Si Donya Ynez..”
“Oh, my God! Anak ko!!” Nilapitan niya ang dalaga.” Anaaak! Sorry.. I’m
so sorry..!” Bumuhos ang luha ng doktora sa harap ng walang malay na dalaga.
No comments:
Post a Comment