Followers

Wednesday, October 2, 2024

Ang Aking Journal -- Setyembre 2024

 Setyembre 1, 2024

Past 7, gising na ako, pero hindi agad ako bumangon at bumaba. Hinayaan ko si Emily na siya ang maunang bumangon at maghanda ng almusal. Good thing, she did. Nakapag-almusal ako habang nakasalang ang mga damit ko sa washing machine.

 

Pagkatapos kong maglaba, humarap na ako sa laptop. Gumawa muna ako ng mga DLL sa tatlong subject, saka ko in-encode ang tatlong akda ng mga estudyante na napili ko sa patimpalak. Dapat may premyo sila, pero binawi n ani Ma’am Vi. Bibigyan ko na lang sila ng published books ko. Gagamitin ko sa lesson ko s Filipino 6, kaya ginawan ko ng PPT.

 

Nang inantok ako pagkatapos kumain, pinagbigyan ko. Alas-3 na ako bumangon upang ipagpatuloy ang ginagawa. Almost ready na ako sa one-week teaching.

 

Before 6, nagsulat ako ng nobela. Kailangan kong mag-update para sa mga followers ko. Pero naka-300 plus words pa lang ako nang tumigil ako sa pagsusulat para mag-workout. Past 8 na ako natapos.

 

Maaga akong nahiga para matulog, pero hindi rin agada ko nakatulog dahil sa kahihintay ng announcement ng suspension of classes. Nag-suspend na ang Cavite at Manila, pero ang Pasay, hindi pa. Naiinis ako. Baka makapasok na naman ako bukas, saka magdedeklara. Naisip ko tuloy um-absent na lang.

 

 

 

 

Setyembre 2, 2024

Pagtunog ng alarm ko bandang 3 am, agad akong nagbukas ng wifi, at tiningnan ko ang mga GC namin. Nag-post ng SC ng suspension ang HRPTA president ko, gayundin ang kasama kong MT sa grade level. Natutuwa akong natulog uli.

 

Seven o’ clock nan ang nagising ako. Kinailangan kong bumangon para gumawa ng activity sheet sa Filipino 6 dahil asynchronous ang mga klase ngayong sinasalanta ng bagyong Enteng ang bansa.

 

Habang nagkakape, naghanda na ako sa Gawad Teodora Alonso 2024. Inilipat ko sa template ang mga entries ko. Na-edit ko na rin ang mga iyon. Ready for submission na!

 

Pagkatapos mag-almusal, gumawa naman ako ng PPT para sa mga Di-Pamilyar na salita. Game-based ang ginawa ko para interactive. Nang matapos ko ang 45 slides, natulog ako. Past 3 na ako bumangon para mag-edit ng mga akda ng mga estudyanteng isinali ko sa GTA 2024. Nag-send na ng codes ang GTA, maliban kay Ma’am Mel. Nalulungkot tuloy siya, at kinakabahan.

 

Before seven, marami na akong na-accomplish. Nakapagpasa na ako ng MOV ng asynchronous class. Nakapag-edit ng tatlong kuwento. Magho-home workout na lang ako.

 

Kahit wala uli pasok bukas, maaga akong natulog. Hindi kasing aga kapag may pasok, pero maaga iyon sa normal na tulog ko noong panghapon pa ako. Siyempre, naihanda ko na ang activity sheet ko para bukas.

 

 

 

 

Setyembre 3, 2024

Wala pang six o’ clock, bumangon na ako para mag-send ng activity sa GC. Hindi na ako natulog uli, sa halip ay naghanda ako ng almusal.

 

Past eight, nakapag-almusal na ako, kaya umakyat na ako. Gumawa naman ako ng PPT at video para sa YT ko. Nagawa ko agad iyon bago mag-9 o’ clock.

 

Bago mag-12, lumabas ako para bumili ng ulam, meryenda, at cat food.

 

Alas-tres, pagkatapos kong manood ng Showtime, saka umidlip, nag-digital illustrate ako ng male teacher. Since, may female teacher clipart na ako dati, pinagsama ko sila sa isang frame upang makabuo ako ng Teacher’s Month greetings. Nakapagpasa na rin ako ng MOV sa GC. Pagkatapos nito, nag-research ako tungkol sa anglerfish at kugtong. Ito ay dahil sa sasalihan kong writing contest sa Canvas. Quarter to six, nag-workout naman ako.

 

Sobrang hirap ang pagwo-workout. Nakakapagod, pero dahil gusto kong magkaroon ng development ang katawan ko, kailangan kong magtiis at magtiyaga. Kahit paano naman ay nararamdaman ko ang pagbabago. Sabi nga, kahit mabagal ang pagbabago, paglago pa rin iyon.

 

 

 

Setyembre 4, 2024

Nahirapan akong matulog kagabi, hindi lang dahil sa kahihintay sa suspension, kundi sa ingay. Maingay ang mag-ina ko, porke’t naka-on pa ang wifi. Mga past 1:30 na yata ako nakatulog. Isang oras lang ang tulog ko.

 

Nagdadalawang-isip na akong pumasok, kahit naghanda na ako sa pag-alis. Bihis na ako nang bumuhos ang ulan, kaya nagdesisyon na akong um-absent. Nag-chat ako sa GC ng parents at co-teachers ko, bago ako natulog uli.

 

Past 6, nalaman kong suspended ang klase ngayon. Mabuti na lang, sinunod ko ang instinct ko.

 

Ngayong araw, nag-submit na ako sa GTA ng mga entries ko at ang entry ni Benjamin. Ayaw ko nan ang maraming alalahanin, kaya ipinasa ko na agad. Hinikayat ko rin sina Ma’am Mel at Sir Ren na magpasa na rin, since ready na ang manuscript. Sina Ma’am Madz at Ma’am Wylene na lang ang kailangan kong tulungan.

 

Pagkatapos kong manood ng noontime show, umidlip ako. Paggising ko, itinuloy ko naman ang pagsusulat ng entry ko sa Canvas. Almost na iyon nang huminto ako para mag-workout.

 

Past 9:30, nahiga na ako para matulog. Pinagsabihan ko pa ang mag-ina ko na huwag namang maingay kundi ipa-plug off ko ang wifi. Tumahimik naman sila kaya marahil ay nakatulog na ako.

 

 

 

 

 

Setyembre 5, 2024

Nang magising ako bandang 3 am, agad kong tiningnan sa FB kung nag-announce ng suspension of classes si Mayora. Hindi ako nagkamali. Bumungad sa akin ang post. May nag-send rin sa GC, kaya bumalik ako sa pagtulog. Seven na ako bumangon dahil sa panaginip ko.

 

Naka-Thursday uniform ako. Sa siyudad ko na namalayan na wala pala akong dalang bag. Naisip ko kung paano ako magtuturo kung wala akong dalang laptop. Sa kakaisip ko, naalala kong panaginip lang pala iyon. Nais ko na sanang um-absent na lang. Hayun, nagising ako!

 

Pas eight o’ clock na ako bumangon para maghanda ng activity ng mga estudyante sa Filipino 6. Pagkatapos, naghanda na ako ng almusal. Nine o’ clock na ako nakapag-almusal.

 

Nag-edit ako ng manuscripts ng mga trainees ni Sir Ren at Ma’am Mel, bago ako nagsulat. Itinuloy ko ang pagsusulat ng entry ko sa Canvas. Nahihirapan akong tapusin iyon dahil maaksiyon, at hindi ko maisip ang reality side nito kahit may pagka-fantasy. Gayunpaman, buo ang loob ko na makukuha ko rin ang tamang timpla.

 

Hapon, umidlip ako. Kahit paano ay nakabawas sa puyat ko. Palagi akong kulang sa tulog kahit walang pasok.

 

Bago mag-seven, nakapag-home workout na ako. Nag-abang naman ako ng ng suspension of classes sa Pasay City. Ang Cavite kasi ay nagdeklara na.

 

 

 

Setyembre 6, 2024

Kulang na naman ako sa tulog! Hindi naman ako excited sa pagpasok, pero nagising ako bandang 2:30 ng umaga. Nakakainis! Hindi nagdeklara ng suspension si Mayora. Sabagay, wala namang ulan.

 

Nineteen lang ang pumasok na estudyante ko. Hindi kami nagpalitan ng klase kaya sobrang tagal ng oras. Inaantok ako sa klase ko, kahit nagturo naman ako sa Filipino, ESP, at TLE. Nakakapagod magbantay sa advisory class. Kahit 19 lang sila, katumbas nila ang 44. Mabuti na lang, kalmado ako.

 

Pagkatapos ng klase, nag-lunch ako sa classroom ni Ms. Krizzy. Nakipagkuwentuhan din ako sa kanila ni Ate Bel bago ako umakyat sa Grade 5 para tulungan sina Ma’am Mel at Sir Ren sa pag-submit ng entry sa GTA 2024.

 

Mabilis lang naming nai-submit ang kay Ma’am Mel. Natagalan naman ang kay Sir Ren kasi hindi ma-open ang email niya. Kinailangan pa niyang mag-change password.

 

Past 3, nakauwi na ako. Hindi na ako nakatulog. Nag-cell phone lang ako, nagmeryenda, at naghanda ng lesson plan at learning material sa Numero para bukas, bago nag-workout.

 

Seven o’ clock, tapos na akong mag-workout. Gumawa pa ako ng isang game-based PPT presentation. Gusto ng mga estudyante ko sa Numero 6 ang maraming games. Masaya sila habang natututo.

 

 

 

Setyembre 7, 2024

Nang nagising ako bandang 4:30 ng umaga, hindi na ako umasa sa class suspension dahil wala nang ulan. Isa pa, ready na ako sa pagtuturo.

 

Wala pang 7, nasa school na ako. Nakapag-print pa ako ng mga LPs at activity sheets sa classroom ng focal person ng Numero, bago ako nag-almusal sa classroom ko.

 

Nadismaya ako sa attendance ng Grade 6. Sampu lang ang maagang pumasok. Late pa ang dalawa. Ako palagi ang may kakaunting attendance. Pinagsabihan ko nga sila lalo na’t hindi pa nagsitalima sa pagdala ng show-me-board at marker. Enjoy na enjoy naman sila sa mga palaro ko, pero tamad na tamad silang sumunod at pumasok. Ako na naman tuloy ang usap-usap ng focal person, principal, at supervisor. Akala nila, kagustuhan ko iyon.

 

Nakaraos din sa tatlong oras na Numero. Nag-meeting kunwari kaming lima hanggang past 12:30. Naglinis lang ako, then umuwi na.

 

Past 3, nasa bahay na ako. Sinikap kong matulog. Kahit paano ay nakaidlip ako bago ako nagmeryenda.

 

Nahinto ang workout ko kasi tumawag si Ma’am Vi. Isa’t kalahating oras kaming nag-usap tungkol sa maling desisyon sa school at maling sistema sa aming institusyon.

 

 

 

Setyembre 8, 2024

Alas-siyete ako nagising, pero alas-otso na ako bumangon para magsimulang maglaba. Habang nakasalang ang aking mga damit, nagluluto ako. Nagawa ko ring tabasin ang mga halamang lumampas na pader.

 

Quarter to 10, nang natapos ako, umakyat na agad ako para magpahinga. Nagbukas ako ng laptop para magsimula nang gumawa ng DLL at PPTs. Siyempre, umidlip ako pagkatapos kong magawa ang mga learning materials ko para sa isang linggong klase.

 

Nahirapan na naman akong matulog nang maaga. Idagdag pa ang ingay ng mag-ina ko. Gusto ko nga sana silang sigawan, e. Mabuti, nakapagtimpi pa ako.

 

 

 

Setyembre 9, 2024

Maaga sana akong nakarating sa school, kaso ang aaga ring pumasok ng estudyante ko. Ang iingay pa, kaya hindi rin ako nakaidlip.

 

Naging maayos ang palitan ng klase namin. Ang bilis ang oras. Uwian na agad.

 

After lunch, pinasulat ko uli si Jhaylo para sa Romeo Forbes writing contest. Naiinis naman ako kay Yassi. Hindi na naman siya nagpakita. Maayos naman ang usapan namin. Dalawang beses na niya akong in-Indian. Sayang ang opportunity niyang matatanggap sa akin. May bad attitude pala.

 

Past 2:30, tapos na kami. Umuwi na agad ako. Mga 5, nasa bahay na ako. Agad akong gumawa ng periodic test sa Filipino. Bago mag-8:30, tapos ko na. Editing na lang ang gagawin ko, bago ipasa. Okey lang kung hindi muna ako nakapag-workout ngayon. Ang mahalaga, ready na ako. Malapit na rin kasi ang periodic test.

 

 

 

 

Setyembre 10, 2024

Sa kalagitnaan ng tulog ko, nanaginip ako na nabunot ang ngipin ko. Nagdasal ako na huwag ang kapamilya ko. At paggising ko, nabasa ko sa GC namin na absent ngayon si Ma’am Wylene dahil libing ng lolo niya.

 

Naging maayos naman ang palitan ng klase namin kahit kulang kami ng isang guro. Wala nga lang akong naging vacant.

 

Na-enjoy ko ang pagtuturo sa Charity ng pagsulat ng talatang naglalarawan,” at na-enjoy rin nila.

 

Past 1 na dumating si Yassi. Nawala ang inis ko sa kaniya na, lalo na’t nalaman kong pumunta pala siya kahapon sa school. Hindi lang ako Nakita. May pagka-shunga rin kasi. Hindi naghanap at nagtanong. Ang liit lang ng school.

 

Hayun, bago mag-3 pm, nakasulat na siya. Hindi ko pa nga lang nabasa. Pero ang mahalaga, legit na ang entry niya para sa GTA 2024.

 

Almost 6 na ako nakauwi kasi natagalan kami sa Cavitex. Ang haba ng traffic. May sunog yata sa Bacoor o dahil sa construction ng CALAX sa may Zeus. Sayang ang oras ko. Late na tuloy ako nakapag-workout. Inuna ko pa kasi ang pag-record ng scores sa quizzes.

 

Maaga akong nagpatay ng wifi para manahimik na rin ang mag-ina ko. Kailangan ko naman kasing makatulog ng kahit limang oras.

 

 

 

Setyembre 11, 2024

Sobrang bigat ng katawan ko. Tinatamad akong pumasok, pero nanaig ang kagustuhan kong magturo. Hindi puwedeng mawala ang motibasyon ko. Marami ang nangangailangan ng mga aralin ko. At ngayong araw, naramdaman ko ang interes nila sa learning objective namin. Excited silang matuto. Kaya naging maayos ang mga klase ko. Hindi ako na-stress.

 

Umuwi ako nang maaga kasi wala akong pinapuntang estudyante para sa writing training. Akala ko kasi ngayong araw ang journalism meeting namin --bukas pa pala iyon.

 

Past 3, nasa bahay na ako. Nakaidlip pa ako bago ako nagkape at nag-check at nag-record ng mga activity ng mga Grade 6. Nakapili rin ako ng isang akda, na agad kong ni-post sa ‘Babasahin.’

 

Bago ako nag-workout, naghanda muna ako ng PPT ng lesson ko bukas. I’m sure, magugustuhan na naman nila ang lesson at activity namin. May kinalaman ito sa Teacher’s Month.

 

 

 

 

Setyembre 12, 2024

Panay ang sermon ko sa Love. Ang ganda at ang saya sana ng topic ko sa Filipino 6, kaya ng ana-enjoy ng lahat ng sections. Pero nang malapit nang mag-uwian, lumala sila. Hindi ko na nakayanan. Sinermunan ko sila. Sana naging effective. Naka-micropone pa ako para marinig nila nang mabuti.

 

Pagkatapos ng klase, dumalo ako sa journalism training. Inako ko ang trainorship para sa column writing at collaborative publishing. Ako rin ang magsasagawa ng mga writeshop para maibigay sa tamang trainees ang mga categories nila. Pero hindi lahat ng categories ay kaya kong ituro, gaya ng sports, copyreading, photojourn, at cartooning. Sila na ang bahala.

 

Umuwi agad ako pagkatapos. Past 3 na ako nakauwi. Umidlip muna ako bago ako nagmeryenda at gumawa ng listahan at detalye ng school ID ng learners ko. Ang hirap kontakin ng mga magulang. Hindi ko natapos. Hindi na rin ako nakapag-workout. Pero mabuti na lang, nakapaghanda ako ng PPT para bukas. 

 

 

 

Setyembre 13, 2024

Hindi pa rin nag-subside ang inis ko sa group 1 boys ng Grade 6-Love. Damay tuloy ang iba. Hindi ako masigla nang nagturo ako sa kanila. Pero masigla akong nagturo sa ibang sections. Kaya hindi na rin ako nagturo ng ESP at TLE. Nagtitigan lang kami. Tiningnan at binantayan ko lang sila. Wala pa ring epekto. Ang dadaldal pa rin. Iba na talaga ang mga estudyante ngayon. Hanggang salita lang ang ‘respeto.’

 

Ala-una, pinasulat ko si Jhaylo ng bagong kuwento para sa Romeo Forbes. Binigyan ko siya ng ideya, at naisulat naman niya nang mabilisan. Nakagawa naman ako ng PPT para sa numero bukas habang nagsusulat siya. Nakapaghanda na rin ako ng DLL para sa next week.

 

Past 2:30 na ako nakalabas sa school. Sumabay kami ni Ma’am Venus sa service ni Ma’am Joan V. Tapos, nagsabay kami pauwi ni Ma’am Venus. Hanggang Gahak lang siya.

 

Past 4 na ako nakauwi. Umidlip muna ako bago ako nag-workout.

 

 

 

Setyembre 14, 2024

Maaga sana akong nakarating sa school para mag-print, gamit ang printer ng Numero, pero hindi iniwang bukas ang classroom ng focal person namin. Nagdamot na naman siya. Bahala siya, basta ako may LP at may PPT. Ready akong magturo.

 

May 15 na estudyanteng dumating sa Numero class ko. Natuwa ako, gayundin ang mga estudyante. Ang usapan namin, kapag hindi nakabuo ng 15, mag-reresign na ako. Ayaw naman nila iyon, kaya nagyaya sila ng mga kaklase.

 

Naging matagumpay naman ang Numero class ko. Tuwang-tuwa ang mga estudyanteng kasali dahil simula kanina ay may 5 stars na silang natanggap. Prize iyon sa pagpasok nila, na magagamit nila sa Filipino 6. Puwedeng idagdag sa scores sa quizzes or tests. May premyo ring stars ang highest pointers sa mga games.

 

Habang naghihintay ng 1 pm para mag-time out, gumawa ako ng PPT ng Math Riddles. Magagamit ko iyon bilang motivation sa Numero.

 

Past 1, bumiyahe na ako patungong SMX para pumunta sa Manila International Book Fair. Andaming tao roon. Napagtanto kong marami pa rin talaga ang mahilig magbasa at reading advocates.

 

Doon na ako nag-lunch. Very late lunch na, pero okey lang kasi kumain naman ako ng 2 cups ng lugaw sa school. May tofu at half boiled egg ang bawat cup.

 

Naglibot-libot ako sa mga stalls. Nakita ako roon ng isang Grade 6 student o dating Grade 4-Buko. Nakakalula ang dami ng tao. Ang sikip. Siguro, kailangan ng mas malaking venue. Andami rin kasing exhibitors. Mabuti na lang, nakahanap ako ng stall na may items on sale. Nakabili ako ng 13 children’s story books na worth P600 plus lang. Sulit na sulit kasi P45 to P80 lang ang isa.

 

Siyempre, dumalo ako ng mga launching events. Nakatatalong events ako. Ang ikalawang event ay nagbigay sa akin ng inspirasyon na ipagpatuloy ang zine-making. Ang ikatlong event ay hindi ko na natapos dahil nakaidlip ako sa upuan. Ang sarap palang matulog kapag maingay ang paligid. Kapag antok ka na talaga nang sobra, kahit saan ay puwede kang makatulog—kahit nakaupo. 

 

Naglibot-libot pa ulit ako. May gusto pa akong bilhing aklat, pero napagod na ako sa kakalibot at kakahanap. Kaya umuwi na ako bandang past 5. Nagmeryenda muna ako sa may terminal sa MOA bago sumakay ng carousel patungong PITX.

 

Past 6:30 na ako nakauwi.

 

Past 7 na dumating si Emily. Binigay niya sa akin ang 3 checks from First Vita Plus, na worth P1,518.32 ang total. Not bad! Kumita ako kahit siya lang ang kumikilos.

 

Pagkakain ng dinner, inantok ako nang sobra. Sabi ko, iidlip muna ako. Bababa ulit ako para maligo o what, pero hindi ko na nagawa. Natulog na ako diretso. Madaling araw ko na ng ana-off ang ilaw sa kuwarto.

 

 

 

 

Setyembre 15, 2024

Past 7 ako nagising. Nagbasa muna ako ng mga librong binili ko sa book fair bago ako bumaba. Si Emily ang naghanda ng almusal, habang nagsisimula na akong maglaba.

 

Quarter to ten, humarap na ako sa laptop para gumawa ng mga gawaing pampaaralan. Maghapon akong gumawa. Nakapag-vlog ako gamit ang springboard na kuwentong pambata. Nakapag-record ng quizzes. Nakapagbasa ng mga tulang sinulat ng mga bata. Nakaidlip. Nakapag-encode ng mga napiling tula. Nakapag-workout. Past 8 pm na ako nakapag-dinner. Andami ko pang hindi natapos. Naka-hang din ang nobela ko sa Inkitt.

 

Bago mag-9 pm, nai-post ko sa Babasahin ang mga tula ng mga piling mag-aaral sa Grade 6. Alam kong matutuwa ang mga napili ko.

 

 

 

 

Setyembre 16, 2024

Nag-suspend ng mga klase ang ibang lugar sa bansa kagabi pa, kaya paggising ko bandang 3 am, nag-abang din ako. Kaso, hindi ko sineryoso kasi hindi naman umuulan.

 

Naiinis pa rin ako sa Love. Hindi ako masyadong masiglang nang nagturo ako sa kanila. Lalo pa ngang uminit ang ulo ko nang hindi nag-comply ang ilang estudyante ko sa mga hinihingi kong details para sa school ID.

 

Mainit ang ulo ko habang nagtuturo, kaya hindi rin na-enjoy ng mga estudyante. Haist! Sana palagi akong masaya sa harap ng mga Kabataan, kaso ang hirap magkunwari.

 

Uwian na nga lang, nainis pa ako. Sa halip na pumila, nagpulasan ang Love. Kanya-kanya sila takas. Pagbaba namin, 16 na lang ang nasa pila. Isinumbong ko nga sila sa GC. Mas maigi nang alam ng parents or guardians ang ginagawa ng mga anak nila. Kapag napahamak sila sa pagtakas, ayaw kong sisihin pa nila ako.

 

Magsi-send sana kami ni Ma’am Wylene ng entry sa GTA 2024, kaya lang ay hindi magamit ang email address niya. Kailangang Microsoft. Bukas na lang namin gagawin.

 

Nakalibre ako ng lunch nang dumaan ako sa classroom ni Ms. Krizzy. May rice at chicken joy sana para kay Papang, e, absent siya, kaya sa akin napunta.

 

Past 1, umuwi na ako. Past 3 nasa bahay na ako. Agad akong humarap sa laptop para gumawa ng PPT ng summative test bukas. Ginamit ko ang kalahati ng periodic test.

 

Nakapag-edit din ako ng manuscript ng trainee ni Ma’am Madz sa GTA. Pagkatapos, saka ako nag-workout. Naisingit ko ang pag-record ng quizzes.

 

 

 

Setyembre 17, 2024

Nagpa-summative test ako sa lahat ng Grade 6 sections. Nagawa kong maging disiplinado ang lahat. Binawasan ko ng scores ang maiingay na estudyante. Bukas, meron pang summative test #2, kaya sigurado akong mas magiging tahimik sila.

 

After class, kumain agad ako sa karinderya, at bumalik sa school para tulungan si Ma’am Madz sa pag-send ng entry sa GTA 2024. Nagpatulong din ako kay Ma’am Mel kasi hindi rin magamit ang email address niya. Nagawa naman namin bandang ala-una. Umuwi agada ko pagkatapos niyon. Nakauwi na rin si Ma’am Wylene, kaya bukas naman ang entry niya.

 

Past 3, nasa bahay na ako. Umidlip muna ako bago humarap sa laptop para mag-record ng quizzes. Natapos ko na ring gawan ng PPT ang summative test para bukas. Kaya nagsulat naman ako ng entry para sa Romeo Forbes pagkatapos kong i-edit ang entry ni Jhaylo. Natuwa ako sa mga output namin. May potential.

 

Nag-home workout ako hanggang past 7. 

 

 

 

Setyembre 18, 2024

Paggising ko ng 3 am, parang ayaw kong pumasok. Ang sarap matulog. Pero hindi ko pinagbigyan ang sarili ko. Pumasok pa rin ako. Mabuti, nakaidlip ako sa bus.

 

Masigla ako kahit paano nang humarap ako sa VI-Love. Hindi katulad kahapon. Mas masigla naman akong humarap sa apat pang sections. Nakaraos ang summative test #2 namin.

 

After class, kumain lang ako. Then, nagpatulong na kami ni Ma’am Wylene kay Ma’am Mel sa pag-send ng entry. Tuwang-tuwa siya nang magawa namin. Hinikayat ko rin silang sumali sa Romeo Forbes. Kako, tutulungan ko sila sa editing.

 

Umuwi rin ako agad pagkatapos niyon. Past 3 na ako nakauwi sa bahay. Hindi na ako nakaidlip kasi gumawa ako ng PPT para bukas. Magtuturo ako ng pagsulat ng komposisyon. Paraan ko iyon para makahanap ng column writer para sa journalism contest.

 

Before six, nag-workout na ako.

 

 

 

Setyembre 19, 2024

Ang bigat ng katawan ko nang magising ako. Nahiling ko na sana walang pasok. Pero hindi nangyari kasi umaambon lang naman nang paalis na ako. Nakarating naman ako sa school thirty minutes before official time.

 

Nagsermon muna ako dahil sa pagtakas ng ilang estudyante ko kahapon sa pila. Sinimulan ko ang anecdotal record para matakot silang gumawa ng kasalanan at kalokohan.

 

Nagturo ako ng pagsulat ng komposisyon. Sobrang hirap ituro o sobrang hirap turuan ang mga estudyante, pero enjoy ko naman. Mas marami naman ang gustong matuto. Kaya lang halos mapaos ako dahil sa apat na magkakasunod na klase.

 

Naging maayos ang Love ngayon dahil sa anecdotal record. Sinasabi kong parang blotter iyon ng pulis. Pinapasulat ko sila sa notebook ng nagawa nilang mali, at pinapangako ko silang hindi na uulit.

 

Umuwi agada ko pagkatapos ng klase. Kaya bandang alas-2, nasa school na ako. Past 3, nakatulog ako. Past 6 na ako bumangon para magkape. Hindi na ako nakapag-workout at nakapagsulat. Plano ko pa namang sumulat ng nobela. Pero okey lang kasi parang nakabawi ako ng puyat.

 

Bago mag-eight, nakapag-send na ako ng entry sa Romeo Forbes.

 

 

 

 

Setyembre 20, 2024

Kagaya kahapon, nag-asam ako ng suspension, pero imposible kasi nakalabas na ang bagyo sa PAR. Kaya naman, napilitan akong pumasok.

 

Nagpasulat ako ng komposisyon sa mga Grade 6. Hindi ako napaos ngayong araw. At nagamit pa ng cathecism ang oras ko sa Charity. Hindi rin ako masyadong napagod sa Love.

 

After class, nag-send kami ni Jhaylo ng entry niya sa Forbes. Pagkatapos, pinuntahan ko si Ma’am Mel sa classroom niya. Isinulat namin ang story idea niya para din sa Romeo Forbes. Past 2, natapos namin iyon. Umuwi rin ako agad. Past 4 na ako nakauwi.

 

Agad akong gumawa ng PPT at lesson plan para sa Numero bukas. Past 7 na ako nakapag-workout.

 

 

 

Setyembre 21, 2024

Masaya ako habang nagtuturo sa Numero dahil bukod sa 17 ang pumasok, na-enjoy nila ang lesson at games. Kaya kahit dumaan ang principal at PSDS, wala akong kaba at takot. Besides, hindi na nila ako mapasok. Alam nilang naiinis ako sa kanila.

 

After Numero, nagpaalam ako kina Ma’am Mel at Ma’am Ivory na mag-out ako nang maaga dahil may lakad ako. Actually, magla-lunch out kami nina Ms. Krizzy, Mayora, at Papang sa Shakey’s Malate. Ayaw ni Mayora na isama si Ma’am Mel kaya nag-alibi ako.

 

Past 12 na ako nakarating sa venue. Nagkuwentuhan at nagkainan kami up-to-sawa. Inabot kami ng 3 pm doon. Okey lang naman. Marami kaming napagkuwentuhan. Sulit!

 

Past 5 na ako nakauwi sa bahay. Hindi na ako nagpahinga. Agad akong nagsulat ng nobela. Naisingit ko ang workout. Sa wakas, nakapag-post ako ng isang chapter. Bukas pagkatapos kong maglaba at maghanda ng learning materials, magsusulat uli ako.

 

 

 

Setyembre 22, 2024

Pasado alas-otso ako nagsimulang maglaba. Before 10, tapos na ako. Naglinis naman ako sa kuwarto ko. Nilinisan ko ang cabinet ko. Then, naligo na ako para sariwa akong haharap sa laptop. Gumawa ako ng learning materials at lesson plan sa Numero, since ready na ang lesson ko para bukas. Periodic test naman sa September 24. Dapat bukas na, kaso naurong dahil sa “Kainang Pilipino at Mahalaga” Day.

 

Umidlip naman ako bandang 2 pm at nagising after one and a half hour. Gumawa naman ako ng vlog, gamit ang kuwentong pambata, na na-download ko mula sa free website. Copyright-free.

 

Past 4, nagsimula akong mag-workout. Natigil lang ako bandang quarter to 5 nang nagpa-edit si Ma’am Fatima ng kaniyang manuscript para sa GTA 2024. Nagawa ko naman agad.

 

After dinner, nagsulat na ako ng nobela. Hindi ako nakatapos ng isang chapter kasi kailangan ko nang matulog. Hindi naman ako agad nakatulog dahil gising pa ang mag-ina ko hanggang 11 pm yata. Haist!

 

 

 

Setyembre 23, 2024

Muntikan na akong ma-late sa klase, hindi dahil sa transport strikes sa Manila, kundi dahil sa andami ko pang ginawa bago nakaalis. Naiwan ko nga ang jacket ko dahil sa pagmamadali.

 

Wala kaming palitan ng klase. Pero binigyan ako ni Sir Jess ng test paper ng ESP 6. Mauna na raw akong magpa-test. Okey lang naman na hindi pa ako nag-test kasi nagturo ako ng pagsulat ng diary. Busy ang mga Love.

 

Hindi natuloy ang oath-taking ceremony ng HRPTA officers ko. Dalawa lang ang pumunta—ang president at ang secretary. Nainis siguro sila sa kahihintay. Hindi man lang nagpasabi ang apat na hindi sila makakadalo.

 

Past 10:30, napauwi ko na ang mga estudyante. Nakipagkuwentuhan muna ako kay Ms. Krizzy bago ako lumabas sa school para kumain at umuwi.

 

Past 1, nasa bahay na ako. Agad akong natulog para makabawi ng puyat. Kahit paano, nakatulog naman ako.

 

Alas-tres, habang nagpapainit ng tubig, nagdilig ako ng mga halamang hindi nauulanan. Pagkatapos magmeryenda, nag-check ako ng activity nila sa pagsulat ng diary, at nag-record ako ng scores ng ESP. Isinunod ko na ang paggawa ng game sa PPT na gagamitin ko sa Sabado sa Numero. Tiyak, maki-carried away na naman ang mga estudyante ko. May umiiyak pa kapag natatalo.

 

Past 5, nagsulat ako ng nobela. Hindi ko na naman natapos kasi kailangan kong mag-workout. Hindi ko rin natapos ang pag-workout kasi tumawag si Ma’am Vi. Nag-share siya ng bad experience niya with our principal. Almost one and a half hour kaming nagkuwentuhan. Past 8:30 na ako nakapaghapunan. Hindi ko na itinuloy ang workout at pagsusulat.

 

 

 

Setyembre 24, 2024

Six-zero-zero na ako nakapag-time in. Ewan ko ba! Alas-3 pa rin naman ako bumangon. Parehong kilos at paghahanda lang naman ang ginawa ko. Ang problema talaga ay nasa sakayan ng dyip. Ang tagal mapuno. Ang bagal pang mag-drive ng drayber. Haist! Lesson learned. Hindi na ako sasakay roon.

 

Nasa silid na ang mga estudyante ko. Mabuti, may test papers nang nakaabang sa table, kaya agad akong nagpa-test. Hinigpitan ko sila para hindi magkopyahan at mag-ingay. Nagawa ko naman, kaya lang after test, maingay na naman sila. Mabuti na lang talaga—madiskarte ako. Hindi ako dapat magpaka-stress sa kasasaway sa kanila.

 

Ten-thirty, uwian na sila. Nakisalo ako ng lunch kina Ms. Krizzy, Ate Bel, at Mayora. Nakipagkuwentuhan ako hanggang 12:30 sa kanila, saka ako umakyat kay Ma’am Mel para mag-send siya ng entry sa Romeo Forbes. Tuwang-tuwa siya nang magawa namin. Agad naman akong umuwi. Wala pang 3, nasa bahay na ako. Hindi na ako nakaidlip. Nag-record na lang ako ng test scores.

 

Bago mag-5 pm, nagsulat ako ng nobela. Na-edit ko na rin ang entry ni Thea sa GTA 2024. 

 

Hindi ko na tinapos ang mga routine ko. Nag-leg workout lang ako at dalawang routine para sa biceps. Hindi na rin ako naghapunan dahil nagmeryenda ako ng kanin. Uminom na lang ako ng First Vita Plus Guyabano bago natulog. Kailangan kong makabuo ng at least six hours na tulog.

 

 

 

 

Setyembre 25, 2024

Maaga akong nakarating sa school. Nag-carousel ako. Kaya naman, nakapag-almusal pa ako bago nag-start ang 2nd day of test.

 

Okey na sana ang mood ko sa klase ngayong araw, pero may mga estudyante talagang panira. Nakakairita ang tawa nila. Panay harutan at tawanan. Paulit-ulit kong sinaway, pero inuulit-ulit pa rin. Nagsermon na naman tuloy ako. Tumahimik naman, pero sigurado ako, bukas mag-iingay na naman sila.

 

Twelve-thirty na ako lumabas sa school. Kasama kong naglakad sina Ma’am Vi, Ma’am Madz, at Sir Joel patungo sa Buendia. Doon lahat ang sakayan namin sa kani-kaniya naming lugar.

 

Past 2, nasa bahay na ako. Nagdilig muna ako ng mga halaman ko dahil sobrang init at nalalanta na sila. Saka ako humarap sa laptop para magpasa ng additional school ID information ng apat na estudyante kong hindi nagawaan ng ID. Pagkatapos, nagmeryenda ako.

 

Past 6, pagkatapos kong gumawa ng E-class record ng Grade 6-Love-Filipino 6, nag-workout na ako. Maaga rin akong natulog, pero hindi ko alam kung nakatulog ako agad kasi sobrang init. Iba ang alinsangan.

 

 

 

Setyembre 26, 2024

As usual, mabigat ang katawan ko nang magising ako. Gusto ko pang matulog, pero kailangang pumasok.

 

Past 5:30, nasa classroom na ako. Hindi naman ako nakaidlip dahil sobrang ingay ng mga Love sa labas. May pasok pa nang pasok kahit ipinagbawal ko na.

 

Masigla akong humarap sa kanila. Ready akong magturo. Na-enjoy naman nila ang kuwentong binasa ko bago ang aralin, maliban sa Peace, na hindi ko binasahan dahil ayaw magsiupo agad.

 

Pagkatapos ng klase, nakipaghuntahan muna ako saglit kina Ms. Krizzy at Ate Bel. Mga 12:30, lumabas na ako para kumain at umuwi. Past 3:00, nasa bahay na ako. Hindi na ako umidlip. Nagmeryenda agada ko at nagbasa ng mga gawain ng bata. Nai-record ko na rin bago ako gumawa ng PPT para bukas.

 

Past 6, nag-home workout ako. Hindi ko nilahat ang dati kong routines na isinasagawa. Masyadong kumakain ng oras. Wala na akong nagagawang iba.

 

 

 

Setyembre 27, 2024

Thank God, it’s Friday! Motivated pa rin akong magturo. Kaya nga nang humarap ako sa VI-Love, masaya ako at nagpapatawa. Na-inspire ko silang ipagpatuloy ang pagda-diary. May mga ilang nakapagpa-check na. At naniniwala akong kaunti na lang ang hindi pa nagsusulat. Ipinakita ko sa kanila ang storage ko ng journal ko, kaya sana na-motivate din sila.

 

Motivated din ang bawat section na magsulat ng mga talatang naglalarawan o komposisyon tungkol sa lugar na nais nilang balikan. Halos lahat ay nagsulat at nagpasa.

 

After class, umuwi agad ako. Mabilis lang akong nakipaghuntahan kina Ms. Krizzy at Ate Bel. Nakisabay akong maglakad kay Ma’am Vi patungo sa may ABES, kung saan siya sumasakay ng bus. Doon na rin ako nag-lunch at sumakay pa-PITX.

 

Before 3, nasa bahay na ako. Agad akong nagbasa ng mga akda ng Grade 6. At nang inantok ako, pinagbigyan ko. Past 5 na ako nakapagmeryenda. At nang matapos kong mai-record ang mga scores, nag-workout na ako. Nakalimang routine lang ako. Kailangan ko pa kasing magluto. Wala pa si Emily.

 

May cheque na naman ako sa First Vita Plus. Though, P690 lang, thankful na ako.

 

 

 

Setyembre 28, 2024

Maaga sana akong nakatulog kahit maalinsangan, pero ginising naman ako ni Herming bandang 2:45 am. Kinailangan ko pang bumaba para pakainin siya. May suka rin siya sa banyo at may poop sa kusina. Nilinis ko pa ang mga iyon, kaya hindi agad ako dinalaw ng antok. Tapos, 4:30 am, bumangon na ako para maghanda sa pagbiyahe.

 

Sa Numero class, 14 lang ang dumalo. Mabuti na lang, hindi ako pinuntahan ng focal person. Wala rin ang principal at PSDS. Gayunpaman, ginawa kong enjoyable ang klase. Tuwang-tuwa at engaged na engaged ang 14 sa mga pa-games ko. Nag-aaway pa ang dalawang team.

 

After niyon, naglinis ako ng classroom, saka naghanda roon ng lesson plan at PPT. Gumawa rin uli ako ng games para sa October 5. Hindi ko natapos ang pangalawang game.

 

Past 3, umuwi na ako. Past 5, nasa bahay na ako. Agad akong humarap sa laptop para mag-encode ng akda ng mga estudyante ko. Then, nag-workout ako. Kahit Linggo pa lang bukas, naghahanda na ako ng mga kakailangan para sa Lunes at mga susunod na araw. Workaholic na ba ako?

 

At dahil Sunday naman bukas, nagpakapuyat ako. Almost 12 na ako natulog. Plano kong gumising ng 8 or 8 onwards bukas.

 

 

 

Setyembre 29, 2024

Quarter to 9 na ako nagising. Ang sarap! Sulit ang ilang araw na puyat. Nine na ako bumaba para magsimulang maglaba. Si Emily na ang naglaga ng saging na pang-almusal namin, kaya 10:30, nakasampay na ako ng mga nilabhan ko. Nakapag-gardening pa ako kahit paano.

 

Humarap agad ako sa laptop pagkatapos maglaba. Naghanda ako ng DLL at PPTs. Gumawa rin ako ng vlog, gamit ang kuwentong pambata. After lunch, umidlip ako. Past 3 na ako bumangon para maligo. Pagkatapos kong maligo, humarap na uli ako sa laptop. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng game-based learning material sa Numero. Almost done na iyon. Hyperlink na lang ang kulang.

 

Past 4, nag-post ako ng akda ng mga estudyante ko sa Babasahin. Isiningit ko na rin ang pagmemeryenda.

 

Bago mag-5;30, nagsulat naman ako ng nobela. Before 9 pm, nakapag-post na ako. Naisingit ko rin ang pag-edit sa stories ni Ma’am Joann, na entries niya sa GTA24. Hinintay ko pa ang 3rd entry niya hanggang 11pm, pero hindi pa siya nakapag-send. Natulog na ako.

 

 

Setyembre 30, 2024

Kulang na kulang ako sa tulog dahil sa ulan. Umaasa akong suspended ang klase, pero nang magising ako at tingnan ko sa FB page ng city mayor, walang announcement. Sabagay, hindi na umuulan bandnag 3 am. Pumasok akong puyat.

 

Kakaunti ang mga estudyante ko dahil sa opening ng District Palaro. Okupado ang mga athletes at drum and lyre members para sa parada. Kahit may VI-Faith na estudyante sa classroom ko, marami pa ring bakanteng upuan.

 

Tamad na tamad silang mag-aral, making, at makipagtalakayan lalo na ang VI-Hope. Lutang sila ngayon at wala sa wisyo. Mabuti, natiyagaan ko sila. At mabilis na umikot at lumipas ang oras.

 

Umuwi din ako agad. Nakapag-encash pa ako ng mga FVP checks ko sa Security Bank. The total of P2208.00 ang natanggap ko. Not bad.

 

Past 2:30, nasa bahay na ako. Wala si Emily. Si Ion lang ang naabutan ko.

 

Hindi na ako nakaidlip kasi kinailangan kong tulungan si Ma’am Joann sa pag-edit ng entry ni Ate Jing. Nag-send din uli ako ng entry forms ko sa Category 3. Pinadalhan kasi ako ng email. Sana okey lang kong na-double send. At sana walang maging problema. Gusto kong manalo ng writing award.

 

Itinuloy-tuloy ko na ang pagharap sa laptop. Gumawa ako ng learning materials sa Numero, sa Filipino, at TLE. Nakapag-workout din ako bago kumain. 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...