Ano ako?
Isa
ako sa mahigit dalawampung bisita na dumadalaw sa inyo taon-taon. Suklam na
suklam ako sa inyo tuwing bibisitahin ko kayo dahil na rin sa inyong mga maling
gawain at pag-uugali.
Ngunit
kahit galit ang nasa aking puso, inaabisuhan kayo ng mga expersto tungkol sa
aking pagdating. Kaya hindi na lingid sa inyo na ako ay darating upang kayo ay
bayuhin, pahirapan o kaya kitilan ng buhay. Sadya lang talagang matitigas ang
inyong mga ulo sapagkat binabalewala ninyo ako. Hindi ninyo pinaghahandaan ang
mga posible kong parusa. Ang iba pa nga ay natutuwa kapag darating ako dahil
para sa kanila, bakasyon ang hatid ko.
Dapat
malaman ninyo na ang pasalubong ko ay hindi kanais-nais, kaya nararapat ninyo
akong paghandaan. Hindi ninyo ako maaaring itaboy at iwasan. Ang tangi ninyo
lang magagawa ay maghanda at magdasal. At kapag nakarating na ako sa inyong
kabahayan, mag-ingat kayo. Hindi ninyo ako kilala. Malakas ako at mapaminsala.
Kaya kung sirain ang inyong mga ari-arian. Kaya kong paangatin ang dagat at
ibuhos sa inyo.
Babalik
at babalik ako... para wasakin kayo. Kaya mag-ingat at maghanda kayo palagi.
Ano
ako?
No comments:
Post a Comment