Ano ako?
Para
sa iba, ako ay isa lamang pangarap. Pero para sa karamihan sa inyo, isa akong
pangangailangan.
Tama!
Kailangan ninyo ako. Hindi nga kayo mabubuhay kapag wala ako. Ako lagi ang
kasama ninyo kahit sa pagtulog at sa paggising. Ginagawa na nga ninyo akong
alila. Lahat na lang ay inaasa ninyo sa akin, gaya ng oras, ng mga numero, ng
mga meetings at iba pa.
Kilala
ko na nga ang mga pagkatao ninyo. Sa akin kayo nagsasabi ng mga nais ninyong
sabihin sa isang tao. Akala kasi ninyo, hindi ako napapagod sa pagiging
tagasalin ng mga usapan ninyo. Akala kasi ninyo kapag kasama ninyo ako
mapag-uusapan ninyo nang maayos ang isang bagay.
Ang
iba naman sa inyo, grabe kong ako ay palitan. Salawahan. Kung makakapagreklamo
nga lang ako, sasabihan ko kayo ng "Makuntento kayo!"
Hindi
kasi ninyo alam ang halaga ko. Para sa inyo, ako ay isa lang simbolo ng
karangyaan. Hindi! Ako ay simbolo ng sibilisasyon. Sana'y maging
responsable kayo. Huwag ninyo akong palitan nang palitan dahil habang ginagawa
ninyo iyon, sinisira ninyo ang kalikasan at pinatataas ninyo ang kagustuhan ng
iba na abutin ang hindi nila kayang abutin.
Kung
pangarap lang ninyo ako, binabati ko kayo! Pero, kung ginagawa lang ninyo akong
luho, hindi ako natutuwa sa inyo.
Ano
ako?
No comments:
Post a Comment