“Kinggoy, may naghahanap na naman sa ‘yo!”
Dinig ni
Bentong ang sigaw ng kaniyang ina, na noon ay nasa labas ng bakuran nila, lalo
na’t malapit lang ang salamin sa bintana.
“Sino ang
naghahanap?” sigaw rin ng kaniyang ama, na ang hula niya ay nakasalampak na
naman sa sofa.
Dumungaw
uli si Bentong upang kilalanin ang naghahanap sa ama. Pamilyar ang mukha niyon,
pero hindi niya alam ang pangalan. Palagi nitong hinahanap ang kaniyang ama.
“Si Aztech
daw siya.”
Lalong
lumakas ang kutob ni Bentong na may milagrong ginagawa ang kaniyang ama.
“Papasukin
mo na!” bulyaw pa ni Kinggoy sa asawa.
Minadali
naman ni Bentong ang paglalagay ng wax sa kaniyang buhok, saka isinukbit
niya ang kaniyang pulang backpack. At dahan-dahan siyang nagbukas ng
pintuan. Nais niyang marinig ang usapan ng dalawa. Subalit wala siyang
naririnig. Kaya bumaba na siya.
Hindi na
nagulat ang kaniyang ama, gayundin ang lalaking payat na bisita nito. Sa halip,
napansin pa nito ang kaniyang buhok. “Adik ka ba? Bakit ganyan ang ayos ng
buhok mo?”
Tiningnan
niya si Aztech. Nais niyang sabihing ‘Mas mukhang adik pa nga itong bisita mo,’
pero hindi niya sinabi. Sa halip ay pinatumba niya ang kaniyang buhok. Nawala
ang mga tusok-tusok na kinorte niya kaniya. “Buhok lang naman ito, ‘Tay. Paano
niyo po nasabing adik ako?” magalang niyang tugon.
“Nagtatanong
ka pa?! Sampalin kita, e. Iyan ba ang natututuhan mo sa eskuwela?”
Yumuko at
umiling na lang siya.
“Ayusin mo
ang buhay mo! Mag-aral ka nang mabuti nang hindi ka matulad sa mga tambay riyan
sa kalye.”
“Opo.
Papasok na po ako.” Tahimik siyang lumapit sa may pintuan. “May pangarap ako sa
buhay, ‘Tay, hindi kaya ng iba riyan.”
“May gusto
kang ipakahulugan, Bentong?”
“Wala po, ‘Tay.
Kako, pangarap kong maging pulis para mahuli ko ang mga drug lords, drug dealers,
at drug users.” Makahulugan siyang tumingin sa dalawa bago siya tuluyang
tumalikod.
“O,
Bentong, bakit ngayon ka lang lumabas. Mahuhuli ka na sa klase mo,” pansing-bati
ng kaniyang ina nang magkita sila sa labas.
“Hindi, `Nay…
Within three minutes, nasa school na ako. Bye po!”
Pagkasabi niyon, parang naiwan ang kaluluwa ni Bentong nang humarurot siya ng
takbo.
“Uy,
Bentong, mag-ingat ka!” pahabol ng ina.
------
“Good
morning, Sir Balingheto!”
bati ng mga kaklase niya.
“Good
morning, Sir Balinheto!” bati ni Bentong sa kaniyang adviser. Sakto
ang dating niya, kaya lang pinagtinginan siya ng mga kaklase.
“Nice
hairdo, Ruben!” sabi
ng guro. “Next time, blue naman o kaya green.
Hindi niya
sigurado kong pinupuri siya nito o ano. Basta dumiretso na lang siya sa
kaniyang silya.
“Mukha kang
anime character,” sabi ng katabi niyang si Joshua, na matalik niyang
kaibigan.
Nginitian
niya lang ito.
“Hindi…
Para siyang si Astro Boy, kaya lang pula ang buhok niya,” sabi naman ng isa pa
niyang katabi— si Lorraine. “Ang cute!”
Napatingin
siya kay Lorraine, na agad namang nagliko ng tingin. Pero nakita niyang ngumiti
ito, kaya lumabay ang beloy, habang nagkukulay-rosas ang mga pisngi. Lalo tuloy
siyang humanga rito.
“Uy, sino
ang cute? Si Astro Boy, si Bentong, o ako?” biro ni Joshua kay Lorraine.
“Si Astro
Boy, siyempre. Alangan namang ikaw!” pagtataray ni Lorraine.
“Ah, akala
ko si Bentong.”
“The
three of you, will you please define speed?”
Natigalgal
sila nang marinig nila ang malakas na tanong na iyon ng kaniyang Science
teacher-slash-adviser.
Umayos sila
nang upo.
Nangatal
ang tuhod ni Joshua, at hindi makatingin kay Sir Balingheto.
Napadukot
si Lorraine sa bag niya upang kunin ang Science notebook niya.
“Ikaw,
Ruben, define speed,” untag ng guro.
Kung gaano
siya kabilis nakarating sa school, ganoon din siya kabilis tumayo. “Sir,
iyan po ba ang lesson natin ngayon?”
“Hindi.
Tinatanong ko lang sa inyo, lalo na sa ‘yo.”
“Why,
Sir?”
“Nakita
kita kahapon… Nilampasan mo ang motorsiklo ko. Ang bilis mong tumakbo! Pambihira
ka.”
Nagkarooon
ng bulong-bulungan sa silid-aralan habang lumalapit si Sir Balingheto sa
kaniya. “Now, tell me, what is the definition of speed.”
“Speed
is the ration between distance and time,” sagot niya bago pa nakalapit sa kaniya ang
guro. Tuwang-tuwa siya sa kaniyang sarili dahil napakikinabangan niya ang mga
nababasa niya.
Tumigil
sandali si Sir Balingheto upang tingnan siya sa mga mata. “You’re right,
Ruben! Very good! Hindi ka lang basta atleta, mahusay ka rin sa akademiko.”
“Thank
you, Sir.” Umupo na
siya, saka lamang rumehistro sa pandinig niya ang malakas na palakpakan ng mga
kaklase niya.
“Ang galing
mo talaga, Bespren!” sabi ni Joshua. Niyugyog pa nito ang likod niya.
“You
saved me, Ruben. You’re my hero now!” sabi naman ni Lorraine.
Hindi niya
alam kung paano siya tutugon. Basta ang alam niya, kinikilig na naman siya, lalo
na’t nakatingin ito sa kaniya, at nahawakan sa braso niya.
“Class, you
listen to me,” sabi
ni Sir Balingheto nang makabalik na ito sa harapan. Hinintay nitong umayos ng
upo at tumahimik ang klase. “We are in 2028 now, class. We are experiencing various
calamities. We are facing chaos. All of us are prone to crimes. We are not safe
anywhere, anytime. However, I would like to reiterate to you what I always advocate—
the importance of education. Please, kids… you are still the hope of our
nation. Pursue your education. Refrain from doing evil deeds. If all of us are
doing good, our world will be the safest planet in the universe to live on. Thus,
whatever happens around us, choose to be good. Be a hero by doing good things
in your own special way.” Tiningnan siya nito. “Ruben, you have an
extraordinary skill. Use it in a good way.”
Tumango-tango
siya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na itutuloy niya ang ginawa niya
kagabi.
Ipinagpatuloy
naman ni Sir Balingheto ang pag-inspire sa mga estudyante. Inisa-isa
nitong banggitin ang mga kaklase ni Bentong. Lihim siyang humanga sa kaniyang
gurong tagapayo. Hindi lang ito mahusay sa larangan, kundi may puso at
malasakit sa mga kabataan. Nauunawaan niya ang mensaheng inihahatid nito sa
kanila.
“Even,
you, Joshua, you might be a hero if you choose to. Your jolly attitude will
help your colleagues in some ways. Continue being you, without compromising
your academic performances,” puri ng kanilang guro sa katabi niya.
Tinapik-tapik
niya ang likod ni Joshua habang nakayuko ito— mangiyak-ngiyak. “You’re my
hero, Joshua. Napapasaya mo ako palagi,” bulong niya sa bespren.
No comments:
Post a Comment