"Ser, ser... geseng na po," sabi ni Yaya Muleng habang hawak at niyuyugyog ang talampakan ni Nixon.
"Fuck off!" bulyaw ng
18-anyos na amo. Muntik pa nga niyang masikaran si Yaya Muleng dahil ayaw na
ayaw niya na hinahawakan ang talampakan niya. "Ayokong pumasok!"
"Piro,
Ser... pinapageseng ka po nina Madam at Sir. Magagalet na naman sela sa
aken."
"Wala
akong pakialam! Get lost!" Nagtalukbong pa siya ng comforter.
Walang
ano-ano, walang kasing-lakas na hinila ni Yaya Muleng ang comforter. Sa
edad na 38, malakas pa ito.
Napamura
si Nixon. "Akin na 'yan!"
"Ayuku!
Marome na 'to kaya lalabhan ko na. Bomaba ka na. Si yu dir." Nilambingan
pa nito ang boses.
Walang
nagawa ang amo. Napasigaw na lang uli siya. Ubod ng lakas. Para siyang sinapian
ng limang espiritu ng leon. Sinubukan niya pang batuhin ng unan ang atribidang
katulong.
Halos
araw-araw silang ganito. Kung hindi siya bubuhusan ng tubig sa tainga, iipitin
ng sipit ang kaniyang ilong. Kung hindi siya dadaganan, ihuhulog siya sa kama.
Natutuwa si Yaya Muleng na gawin iyon sa senyorito. Labis-labis naman ang
pagkakairita ni Nixon sa yaya. Pero hindi naman siya nagtatanim ng sama ng
loob. Bilin at utos kasi iyon ng mga magulang niya. Sinusunod lamang ito ng
katulong.
"Sumusobra
ka na, Yaya Muleng!" minsan paniningil ni Nixon sa yaya. "Patayin mo
na lang kaya ako."
"Sarreh
naman po! Eh, otus po nina Madam at Ser kanena bago sela omales."
Nakapamaywang pang nagrarason si Yaya Muleng.
Ginaya
naman ni Nixon ang buka ng bibig ng yaya. "Kadugay mo na sa Manila, hindi
ka pa rin marunong mag-Tagalog. Sinasadya mo lang yata para inisin ako,
e."
"Huy,
Nexun. Wala kang pakealam sa langgwids ko. `Di mo ba alam na ito ang osu
ngayon?"
"Anong
osu?" Napapangiti na siya.
"Osu...
`Yong… `yong.. trending ba."
"Ah,
uso!? Yay! Kelan pa nauso ang gan'yang language?"
"Hay,
nako! 'Kala ko ba makabagong kabataan ka na. Baket de mo alam ang pabibi
langgwids... Kaluoy ka man, Dung!"
Tawa
nang tawa si Nixon habang ipinagtitimpla siya ni Yaya Muleng ng hot
chocolate drink.
Minsan,
napipikon talaga si Nixon kay Yaya Muleng, pero hindi niya talaga magawang
magalit nang husto rito. Isipin pa lang niya ang sakripisyo nito sa kaniya ay
sapat ng dahilan upang matawag siyang inggrato kung gagawin niya iyon. Ang
totoo, madalas naman siyang napapangiti ng yaya. Naging parang ate na rin niya
ang tsimay slash yaya ng pamilya sa loob ng dalawampu't limang taon. Ni
hindi na nga ito nakapag-asawa dahil sa paninilbihan sa kanilang pamilya.
Maliban sa sinasabihan nitong pangit ang sarili at walang magkakagusto rito,
ayaw talaga nitong mag-asawa dahil ayon dito, pamilya na ang turing nito sa
Robles Family.
"Ba-bye,
Nixon. Tik kir! Si yu litir," malambing na paalam ni Yaya Muleng kay Nixon
habang ini-start naman ng amo ang kaniyang kotse.
Kumaway
na lang ang amo bago umandar ang sasakyan.
Ngiting-ngiti
naman si Yaya Muleng habang hinihintay na makalabas ng gate ang red
car.
"Hay,
naku! Late na naman ang batang iyon. Bahala nga siya! Makapaglaba na
nga!" wika ng maid.
----
Sinikap
ni Nixon na pumasok sa klase ni Prof. Dimasalang nang hindi siya nito
mararamdaman at makikita. Nagulat siya nang marinig niya ang matandang boses,
ngunit may kapangyarihan.
"Come in front!" utos ng professor.
Natigilan
siya ng ilang segundo.
"I said... come in front, Mr. Nixon Robles!
You owe us an explanation for your habitual tardiness."
Narinig
niyang nagtawanan ang mga blockmates niya nang nakita nilang pumitlag
siya. Napikon siya kasi pati si Sandy na kaniyang kaibigan ay paimpit ding
tumawa.
"Sorry, Sir," sabi ni
Nixon nang nakalapit na siya sa propesor.
"It's not enough!"
"O-our family doctor say it's... it's
insomniac, Sir."
"Do you think I'll believe you?"
"You should, Sir.''
Tumawa
si Prof. Dimasalang. Nadala ang klase niya kaya nagkaroon ng malakas na tawanan
sa classroom. Lalong napika si Nixon. Gusto niyang manapak ng propesor.
"Shut up!" sigaw ni
Nixon sa mga kaklase. Gusto niya talagang sigawan ang maestro. Sa mga kaklase
na lamang niya iyon ibinunton. Nanahimik naman ang klase.
"Well... if it is your reason... then, give
me the contact number of your doctor."
"I can't!" mabilis
niyang tugon.
"Why? I just wanna know..."
"What if I~"
"No what ifs! Estudyante
ka lang. You must follow. And if you can't follow, leave this institution!
You're not belong here!"
Nanginginig
na ang mga kamao ni Nixon. Hindi niya na talaga kayang tanggapin ang mga
salitang iyon ng kaniyang propesor. Madalas siyang pag-initan ng matanda, pero
iyon na yata ang pinakamatindi para sa kaniya. Kaya bago pa siya makagawa ng
hindi niya magugustuhan nito, nag-walk out siya. Nagliliyab ang kaniyang
ulo.
Sa
restroom niya natagpuan ang sarili. Hindi niya alam kung paano nadurog
ang timba roon.
"Bakit
nabasag 'to?'' Narinig niya ang janitor. Nakita pa niya mula sa salamin na
tiningnan siya nito. Hindi na lang siya kumibo. Naghilamos na lang siya
kunwari.
Paglabas
niya sa restroom, nakabungguan niya si Sandy. Napamura silang pareho.
"Gago
ka talaga! Nananadya ka ba?" Agad na nakakawit sa kuwelo ang kamay ni
Nixon at nakaamba sa mukha ng kaibigan, na bigla namang tinakasan ng dugo.
"H-hindi!
Hindi, 'Tol" sagot ni Sandy. Sa taas nitong 4'9" ay bigla itong
umangat hanggang anim na pulgada.
"Fuck off!" pahagis na
binitiwan siya ni Nixon. "Para 'yan sa pagtawa mo kanina. Kulang pa 'yan, loser."
"Sorry na. 'Di ko naman sinasadya,
e."
"Lumayo
ka sa harapan ko baka 'di kita matantiya!" sigaw pa niya kay Sandy bago
tuluyang lumayo.
----
Nagulantang
si Nixon. "What's your question, Madam?"
Nagtawanan
ang buong klase, maliban sa kaniya at ng propesora.
Bago
pa siya makapagsalita ng hindi maganda, nag-excuse siya, bitbit ang notebook.
Naririnig
pa niya ang mga masasakit na salita ng professor kahit nakalayo na siya.
Pakiramdam niya, pinagkakaisahan siya ngayong araw. Kaya nagdesisyon siyang umuwi na lang.
Pinaharurot
niya ang kaniyang sasakyan. Gusto na lang niyang matulog para makalimot. Gusto
sana niyang makauwi nang mabilisan.
Muntik
na siyang makabangga ng motorsiklo nang bigla siyang huminto sa red light.
Mabuti, walang pulis.
No comments:
Post a Comment