Followers

Tuesday, October 8, 2024

Ano Ako? #3

 Ano ako?

Pinagpapasa-pasahan ninyo ako. 

Noong isinilang ako, napakaganda, napakakinis at napakalinis ko. Pero ngayon, para na akong ginahasa. You crumpled me. Sinulat-sulatan ninyo ako. Tinupi-tupi pa. Nilamutak ninyo ang pagkatao ko.

'Di ba sinasamba ninyo ako? 

Bakit kapag madungis na ako ay hindi na ninyo ako kayang pahalagahan o itago man lang? Bakit hindi ninyo ako kayang ingatan gaya ng pagpapahalaga ninyo sa mga kapwa ko? Porke ba mababa ang halaga ko ay hindi na ninyo ako ituturing na mahalaga?

Bakit? Kung wala ba ako, mabubuo ba ang mga yaman ninyo? Bakit? Kaya ba ninyong mabuhay kapag wala ako? Hindi! Kailangan ninyo ako. Kaya, sana naman, iniingatan ninyo ako. Magkawangis tayo. Pinaghahalintulad tayo. Kamukha ko raw kayo. Nakakainsulto iyon para sa akin, dahil hindi ako asal-tao. Pero, kayo... mukha kayong  p#%#!

Tapos, hindi ninyo ako pinahahalagahan. Kundi halos ipampunas ninyo ako sa dumi ninyo. 

Ano ako?


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...