Sa opisina, nilayuan ni Jess ang mga negatibong bagay na makakasira sa kaniyang pangarap na matatag na pamilya.
Iniwasan
niya si Luna, na matagal nang nahuhumaling sa kaniya. Ipinakikita rin niya sa
mga kaopisina na naiinis siya, kapag tinutukso silang dalawa.
"Sir,
pinatatanong po ni Ma’am Luna, kung puwede siyang makisabay sa 'yo pag-uwi
mamaya," tanong ng janitress kay Jess.
Mabilis
munang sinulyapan ni Jess ang bank teller. Nagkasalubong ang tingin
nila. Nakita pa niyang inililis nito ang palda upang ipakita ang mapuputing
hita. "Hindi."
"Opo,
Sir!"
Hindi
na sinundan ng tingin ni Jess ang janitress, kaya hindi na niya alam ang
sumunod na nangyari, ngunit batid niyang nagpupuyos na naman ang damdamin ni
Luna.
Nakorner
ni Luna si Jess, bago nag-uwian. "Hello, lover boy!" Animo'y
GRO na umupo ito sa mesa ng manager. Inililis nito ang palda. "Can
I have a ride with you tonight?"
"Wala
ka na ba talagang respeto sa sarili mo, ha, Luna?" Mataas ang tono niya.
Sapat iyon upang mapansin sila ng mga kaopisina.
"Respeto?
Hindi ba't hindi mo rin iyon alam?" Tumayo na si Luna. Lumayo nang kaunti,
saka muling hinarap si Jess. "Shut your mouth, Honey... Masyado ka
namang seryoso. Bakit, may himala bang nangyari sa 'yo?"
Hindi
nakasagot si Jess nang marinig ang himala. Ayaw niyang pag-usapan ang salitang
iyon. Pagmamahal sa pamilya ang ugat ng kaniyang pagbabago.
"Or
should I say..."
patuloy ni Luna, "may sakit ka na." Nakalapit na ito kay Jess.
"Nakakahawa ba? You're so pathetic. My gosh!" pabulong nitong
tanong, bago paseksing lumayo sa boss.
Nakita
ni Jess ang mga reaksiyon ng mga kaopisina niya. Alam niyang nagtatawanan ang
puso ng mga ito. Ayaw lamang ipakita sa kaniya. Alam niyang naging tampulan
siya noon ng usapan. Hindi lingid sa kanila ang buhay niya, subalit wala siyang
magagawa.
"Hello,
Daddy!"
masayang salubong ni Jesrelle sa ama.
"Hello,
Jesrelle. How's your school?" anang ama, pagkatapos pupugin ng
halik ang anak.
"Okey
lang po, Dad. Kanina ko lang po nasabi kay Teacher na umuwi na po kayo at ayaw
niyo na po sa ibang bansa."
Natawa
na lamang si Jess. Nagkatinginan silang mag-asawa.
"Hindi
na tayo iiwan ng Daddy mo. `Di ba, Daddy?" makahulugang tanong ni
Rochelle.
"Oh,
yes.
Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay." Kinarga na ni Jess ang anak
paakyat.
Mabilis
na nalampasan ni Jess ang pagkailang kay Rochelle. Nanumbalik na ang dati
nilang malambing na pagtrato sa isa't isa. Nasasabi na ni Jess sa asawa ang mga
salitang 'I love you,' bago matulog o kahit bago siya umalis sa bahay.
"Thank
you, Chelle,"
pabulong na sambit ni Jess sa asawa.
"For
what?"
"For
the forgiveness," pakli ni Jess. Binalot niya si Rochelle sa kaniyang
mga braso.
"It's
easy to forgive, but it's hard to forget."
"Huwag
kang mag-alala... Minsan na akong nalunod sa kasalanan at alam kung inilubog
lamang ako niyon. Ngayong nakaahon na ako, hindi-hindi ko na hahayaang gumuho
ang tahanan natin."
"Salamat
naman kung gano'n, Jess. Matagal kong inasam ang sandaling ito... Matagal kong
hiningi sa Diyos ang himala, na sana ay matauhan ka. Hindi nga Niya ako
binigo... Thank you, Lord!"
Mas
mahigpit na niyakap ni Jess ang asawa. Matagal nilang dinama ang pag-ibig nila
sa isa't isa.
Maya-maya,
narinig nila ang kulog —sunod-sunod na kulog at manaka-nakang pagkidlat.
Lumiliwanag ang kuwarto nila.
"Jess,
puntahan ko lang si Jesrelle. Baka matakot sa kulog at kidlat kapag
nagising," ani Rochelle. "Matulog ka na. Okey lang ako. Kapag
nakatulog ako sa kuwarto ni Jesrelle, huwag mo na akong gisingin."
"Sige."
"May
low pressure kasi, sabi sa balita."
"A,
kaya pala... Good night! I love you!"
"Good
night and I love you!"
Pag-alis
ng asawa, hindi na dinalaw ng antok si Jess. Inalala na lamang niya ang
magagandang nangyari nitong mga huling araw. Masaya siya sa lubusang pagkaayos
ng tahanan nila.
Bumagsak
ang malakas na ulan. May hangin pa itong kasama.
Bumangon
si Jess para sumilip sa bintana. Naisip niyang walang bagyo ang sisira sa
pagmamahal niya sa kaniyang pamilya.
Pinagmasdan
niya ang paligid. Masasabi niyang malakas ang hangin dahil ang puno na nasa
tapat ng bintana ng kuwarto ni Jesrelle ay waring iwinawasiwas. Bigla tuloy
siyang natakot para sa kaniyang mag-ina. Kaya nagdesisyon siyang puntahan ang
mag-ina. Pero bago siya nakapihit patalikod, gumuhit ang liwanag mula sa
kalawakan patungo sa punong kaniyang tinanaw kani-kanina lamang. "Oh,
God, please don't!" sigaw niya. Gayunpaman, tumama ang kidlat sa
malaking sanga. Alam niyang babagsak iyon sa sliding window. Bugso ng
damdamin ang tumulak sa kaniya na puntahan ang kabilang kuwarto.
Nakahinga
siya nang maluwag pagpasok niya. Mahimbing pa rin ang anak niya. Nakatulog na
rin ang asawa. Lumapit siya sa bintana at sinuri ang lagay ng sanga ng puno, na
tinamaan ng kidlat.
"Rochelle,
bangon! Dali!" tarantang sigaw ni Jess. Nakita niyang unti-unting yumuyuko
ang malaking sanga na nasugatan ng kidlat. "Rochelle, ilabas mo si
Jesrelle. Dali!"
"Bakit?"
Gulantang man, ginising niya ang anak.
"Ang
sanga, babagsak dito!".
Mabilis
na nabuhat ni Rochelle si Jesrelle. "Jess, umalis ka na riyan!" sigaw
naman nito nang nakalabas na sa kuwarto.
Napako
ang tingin ni Jess sa sanga. Tila nais niyang protektahan ang salamin ng
bintana.
Kitang-kita
naman ni Rochelle ang mabilis na pagyuko niyon, na maaaring ikasugat ng asawa.
Isang
pang kidlat ang bumaba, kaya lumiwanag ang paligid. Tanaw na tanaw ni Rochelle
ang tuluyang pagkakapigtas ng sanga at tatama iyon sa bintana.
"Jess!"
"Stop!" tanging
nasambit ni Jess, bago niya nagawang iharang ang kaniyang braso sa kaniyang
ulo.
Ilang
segundo ang lumipas, natauhan si Jess. Nanlaki naman ang mga mata ng asawa sa
nakita. "Oh, my God, Jess! Thank God!"
Hindi
na nakatulog ang mag-asawa dahil sa pangyayaring iyon. Samantalang ang kanilang
anak ay walang kaalam-alam. Hindi naniniwala si Jess na may kakayahan siyang
pigilan ang paggalaw ng mga bagay na gaya ng paniniwala ni Rochelle. Aniya'y
nagkataon lamang.
"Kitang-kita
ko, Jess. Kitang-kita ko ang biglang pagtigil ng sanga sa pagtama sa salamin
nang sabihin mong stop," giit ni Rochelle.
"Matulog
na nga tayo. Kung ano-ano ang iniisip mo. Hindi naman ako Diyos para gawin
iyon. Nagkataon lang."
"It's
up to you...
Basta ako~" Natigil ang pagsasalita ni Rochelle dahil dumampi na ang mga
labi ni Jess sa pisngi niya.
"Good
mornight!"
Nagkatawanan
na lang sila.
"Papasok
ka pa rin ba bukas?"
"Oo.
May bagyo, sa wala, may pasok kami."
"E,
paano ang mga naputol na sanga? Maghanap na lang siguro ako bukas ng
magliligpit at mag-aayos."
Hindi
kumibo si Jess. Natahimik na rin si Rochelle. Ang hangin at ulan ay huminto na.
No comments:
Post a Comment