Followers

Tuesday, October 8, 2024

Ano Ako? #6

Ano ako?

Dati isa akong napakaimportanteng bagay sa mundo. Bawat isa ay pinahahalagahan ako. Kinikilala ako at isinasama sa kanilang tagumpay.

Ngunit bakit ngayon, balewala na ako!?

Umunlad lang tayo nang kaunti at nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya ay kinalimutan na ako. Binalewala. Iniwanan. Hindi na ako isinama sa inyong pag-aaral. 

Anyare?!

Natalo ako ng Facebook. Lahat na lang kayo, ito na ang inyong gusto. Ni bisitahin ako sa aking silid ay ‘di ninyo nagagawa. Samantalang ako ang orihinal na pinagmumulan ng impormasyon at kaalaman ninyo.

Nakakasama sa loob.

Hindi ko masisisi ang mga manunulat kung bakit nagkakaubusan na sila. Wala na kasing pumapansin sa kanilang nilalang.

Isa nga lang akong papel, pero ang edukasyon ay nakakabit sa akin. 

Ano ako?

No comments:

Post a Comment

Tatlong Letter Z

Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.)   Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...