Hindi maramot ang mommy ko
Hindi niya
binibili ang aking gusto
Ang sabi
niya, “Masarap kainin ito”
“Masustansiya,
kaya lulusog ka nito.”
“Huwag
‘yan, baka ikaw ay lumobo.”
Hindi ako
magdadabog, nagrereklamo
Alam kong
mabuti ang kaniyang gusto
Iniisip
niya lang ang kalusugan ko.
Hindi
masungit ang mommy ko
Palihim
niyang sinasaway ako
At may
kurot pang pinong-pino
Kaya agad
na titigil ako, saka uupo
Bago
tatahimik, saad ko’y “Sorry po.”
Inis niya’y
para lang namang ipuipo--
Mabilis
mawawala at maglalaho
Love na love pa rin niya ako.
Sobrang maunawaain
ang mommy ko
Mga
pagkakamali ko, ako’y natututo
Pangaral
niya, aking isinasapuso
Aniya,
“Paglaki mo’y malalaman mo.”
“Kaya
makinig nang mabuti sa aking payo.”
Ganyan ang
gawin mo. Dapat ganito.
Huwag mong
gawin iyan. Hindi ganito.
Hayan,
linyahan n’ya’y akin nang kabisado.
No comments:
Post a Comment