Hayan na si Big Juan!
(Dulang Pambata)
Mga Tauhan:
*Juan – laging pinagtatawanan ng mga kaklase dahil sa katabaan
*Bb. Caridad – gurong tagapayo
*Paeng – pasimuno sa tawanan
*Yolanda,
Odette, at Glenda – madalas pagtawanan si Juan
*
Pablo, Rolly, at Ulysses -- madalas biruin si
Juan
*Ompong,
Pedring, at Pepeng – madalas asarin si Juan
*Tagapagsalaysay
Tagpuan:
*Sa
isang paaralan
Eksena 1: Labas. Sa tabi
ng paaralan. Hapon
Tagapagsalaysay: Kasalukuyang isinasagawa sa kanilang paaralan ang
earthquake drill.
Mga Kaklase: (Pinagtatawanan si Juan at sumisigaw ang mga ito)
“Hayan na si Big Juan!
Mag-duck-cover-and-hold na!”
Eksena 2: Loob. Sa
silid-aralan. Hapon
Bb. Caridad: (Magagalit) “Wala na kayong pinipiling oras
para
magtuksuhan! Hindi na
ninyo sineryoso ang earthquake
drill! Paano kung magkatotoo ito? Maililigtas niyo ba ang
sarili ninyo?”
Tagapagsalaysay: Tahimik ang
buong klase. Si Juan naman ay
hihikbi-hikbi.
Bb. Caridad: “Dahil hindi ninyo inirespeto ang earthquake
drill kanina,
magkaroon tayo ng isang
gawain.”
Tagapagsalaysay: Parang natuka
ng ahas si Paeng, na siyang
pasimuno, dahil hindi
nito alam ang gagawin.
Bb. Caridad: “Tumayo kayo, Yolanda, Odette, at Glenda, dahil
madalas
ninyong pagtawanan si
Juan. Magbigay kayo ng tatlong
dapat gawin bago ang
lindol.”
Tagapagsalaysay: Parang lindol ang panginginig ng tatlong bully.
Yolanda: (Mabilis na sumagot na parang tsunami.) “Iwasan ang pagsabit
o pagkabit ng mabibigat at
babasagin sa dingding, gayundin
ang pagpatong sa mga
kasangkapan ng mabibigat na
bagay.”
Odette: (Malakas ang boses na parang pagputok ng bulkan)
“Panatilihing nakahanda ang
Go bag.”
Glenda: (Maikli at pabigla-biglang sumagot na parang
landslide) “Maging
alerto.”
Bb. Caridad: “Tumayo kayo, Pablo, Rolly, at Ulysses dahil madalas
ninyong biruin si Juan.
Magbigay kayo ng tigdadalawang
paraan para mabawasan ang
epekto habang lumilindol.”
Tagapagsalaysay: Parang bagyo na nasa Signal Number 3 ang lakas
ng kabog ng dibdib ng tatlo
dahil sa tanong ng kanilang
guro.
Pablo: “One. Isagawa ang ‘Duck, Cover, and Hold’ kung
nasa loob ng
gusali. Two. Lumayo sa mga
bagay na babasagin, mabibigat,
at maaaring maitumba o
bumagsak.”
Rolly: “Three. Maaaring tumayo, umupo, o mag-iskwat
sa matibay na
bahagi o poste ng bahay o
gusali habang tinatakpan ng
kamay ang ulo at batok. Four.
Pumunta sa open space, kung
nasa labas.”
Ulysses: “Five. Kapag nasa sasakyan o kapag
nagmamaneho, itabi at
ihinto ang sasakyan. Six. At
kapag malapit o nasa dagat,
lumikas at pumunta sa ligtas
na lugar,”
Bb. Caridad: “Tumayo kayo, Ompong, Pedring, Pepeng, at Paeng
dahil madalas ninyong asarin si Juan. Magbigay kayo ng magbigay ng mga dapat
gawin pagkatapos ng lindol.”
Ompong, Pedring, at
Pepeng: (Nagpakita ng kayabangan,
na parang
malalakas na bagyo) “Ang dali naman!”
Paeng: (Natatawa lang)
Ompong: “Hintayin ang abiso ng kinauukulan bago bumalik sa
bahay o
gusali” (Kumaldag pa ito.)
Pedring: “Suriin ang linya ng tubig at kuryente, LPG, at ang
paligid”
(Nagpogi pose pa ito.)
Pepeng: “Tingnan kung may nabasag, nagiba, natumba, bumitak,
bumagsak, natapon, at nasira na
maaaring pagmulan ng isa
pang sakuna gaya ng sunog.” (Sumuntok-suntok
pa ito sa
hangin na animo’y may kalaban.)
Bb. Caridad: “O, ikaw na ang sasagot, Paeng.”
Paeng: (Pumulanghit muna ng tawa)
Ompong, Pedring, at Pepeng: (Natawa rin sila.)
Bb. Caridad: (Galit) “Umayos ka, Paeng! “Ano’ng sagot mo?”
Paeng: “Itsek din ang mga kasamahan, lalo na ang mga bata,
matatanda, may kapansanan, at
buntis.” (Natatawa pa rin)
“Huwag kakalimutan si Juan, baka
nadaganan kasi hindi
makatakbo.”
Tagapagsalaysay: Muling narinig ang malakas na tawanan sa silid-
aralan na parang pagputok ng
bulkan.
Bb. Caridad: “Tumahimik kayo!” (Parang nagbuga ng lava)
Tagapagsalaysay: Umiiyak at patakbong lumabas si Juan sa silid-
aralan, kasabay ang pag-uga ng
gusali. Nayugyog ang mga
upuan, kaya napasigaw ang lahat.
Mga kaklase: “Hayan na ang Big One.”
Bb. Caridad: “Totoo na ito. Isagawa natin ang ating pinag-aralan,
Dali!”
Tagapagsalaysay: Isinagawa ng lahat ang Duck, Cover, and Hold
habang lumilindol. May mga
umiiyak. May mga tahimik lang. At
may mga nagdarasal.
Eksena 3: Labas. Sa pasilyo.
Hapon
Tagapagsalaysay: Nang matapos ang pagyanig, hinanap nila si Juan.
Paeng: “Juan, mabuti, ligtas ka rin,” (Inabot ang kamay
kay Juan) “Halika
ka na.”
Tagapagsalaysay: Humingi ng kapatawaran ang mga kaklase ni Juan.
At dahil sa nangyari, ang lahat ay
maraming natutuhan.
No comments:
Post a Comment