Noong
nakaraang taon, lumobo ng 67% ang populasyon sa mundo, kaya ngayong 3025
ay mahigpit na ipinagbabawal ang panganganak ng mga babae. Ipinahuhuli at
pinarurusahan ang sinomang lumabag sa kautusang ito.
Sa
kabilang ng pagbabawal na ito, may isang babae ang nakararamdam ng senyales
ng pagbubuntis. Marami siyang ginawa upang makumpirma ito. Una, nag-pregnancy
test siya. Pangalawa, pinakiramdaman niya ang mga pagbabago sa kaniyang
katawan, saka niya tinanggap ang katotohanan.
Sa
pangambang kitilin ng malupit na gobyerno ang sanggol sa sinapupunan niya, nag-formulate
siya ng gamot upang mas maaga niyang mailuwal ang bata. Pagkatapos
mailuwal ay bubuhayin niya ang bata sa malaking test tube. Hindi siya
natatakot sa batas kahit na maparusahan siya. Mas natatakot siya sa
kaparusahan ng Diyos.
No comments:
Post a Comment