Si Bantong
Sa
isang nayon sa Ibalon, na tinatawag na Ligmanan, nagtayo si Handiong ng isang
kaharian. Sa kaniyang maayos na pamamalakad at pagpapatupad ng makataong mga
batas, ang bawat isa ay saludo sa husay niya bilang datu.
Natamasa
sa Ibalon ang kasaganahan at kapayapaan. Umunlad ang mga tao dahil tinuruan ni
Handiong ang mga ito ng maayos na pagsasaka. Tinulungan siya ng ilang tauhan sa
kaniyang pamamahala at pagtuturo ng maraming bagay. Nagtanim ng mga gulay,
prutas, at palay ang mga tao.
Si
Sural ang nagturo ng sistema ng pagsulat, gamit ang marmol. Si Dinahong Pandak
ang nagturo ng paggawa ng mga palayok at iba pang kagamitan sa pagluluto. Si
Hablom ang nagturo ng paghahabi ng tela mula sa abaka. Si Ginantong naman ang
gumawa ng kauna-unahang bangka, araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.
Si Kimantong ang gumawa ng unang araro at iba pang kagamitan sa pagsasaka.
Dahil
sa mga kasanayan ng mga tao, lalong maunlad ang Ibalon. Subalit may isang
halimaw na namang gumambala sa kanilang katahimikan—si Rabot.
Si
Rabot ay kalahating tao at kalahating hayop. Ginagawa nitong bato ang mga tao o
hayop. Maraming beses na siyang sinugod upang paslangin, subalit naging bato
lamang ang mga ito.
Nabalitaan ni Bantong ang tungkol kay Rabut.
“Handa akong isakripisyo ang aking buhay para sa kapayapaan ng Ibalon,” sabi
niya sa kaibigang si Handiong.
“Maraming
salamat, Kaibigan! Sa aking katandaan, hindi ko na magagawang makipagdigma.
Ikaw na ang bahala,” bilin ni Handiong.
Kasama
ang mga libo-libong kawal ni Handiong, sumugod si Bantong sa kuta ni Rabot. Sa
taglay na kapangyarihan ng halimaw, naging bato lamang ang karamihan ang mga
tauhan niya.
Ginamit
ni Bantong ang kaniyang katalinuhan. Pinag-aralan niya ang mga kilos ni Rabot,
kaya hindi na muna sila umatake. Napansin niya ring napakaraming bato sa
paligid ng kuta ng halimaw. Napagtanto niyang ang mga iyon ay mga dating tao.
Sa
pagmamasid at pagtatanong-tanong, nalaman ni Bantong, na natutulog si Rabot
tuwing araw, at gising sa gabi. Kaya naghintay siya ng tamang pagkakataon upang
maisakatuparan ang plano.
Natuwa
ang lahat nang magawa nilang mahati si Rabot sa dalawa habang ito ay himbing na
himbing. Nagdiwang sila sa kanilang tagumpay dahil, sa wakas, muli nilang makakamit
ang kapayapaan.
Subalit
nagalit si Unos sa ginawa nila kay Rabot. “Hindi man lamang ninyo binigyan ng
pagkakataong lumaban nang patas si Rabot. Dahil sa inyong kataksilan,
parurusahan ko ang Ibalon.”
Sunod-sunod
na kalamidad ang puminsala sa Ibalon. Pinadalhan sila ni Unos ng mataas na
baha, kasabay ang malakas na pagyanig ng lupa. Pumutok din ang mga bulkang
Hantik, Kulasi, at Isarog. Naiba ang agos at direksiyong ng mga ilog. Tumaas
ang mga alon sa dagat. Grabeng pinsala ang idinulot ng mga ito sa Ibalon.
Naghiwa-hiwalay ang mga kapatagan. Lumubog ang mga bundok. Lumitaw ang isang
lawa. At maraming nayon sa Ibalon ang nasira at naglaho.
Sa
katatagan ng mga taga-Ibalon, bumangon sila nang paunti-unti. Ginamit nila ang
mga kasanayang itinuro sa kanila hanggang sa tuluyan na naman nilang nakamit
ang kasaganahan. Si Bantong na ang namuno sa kanila.
No comments:
Post a Comment