Followers

Monday, January 13, 2025

Pagkakakilalan ng mga Pilipino: Pambansang Modernisasyon (Sanaysay)

 

Pagkakakilalan ng mga Pilipino: Pambansang Modernisasyon

 

          

           Pagdating sa modernisasyon, hindi nagpapahuli ang Pilipinas. Sa mga sektor gaya ng agrikultura, transporasyon, komunikasyon, teknolohiya, edukasyon, kalusugan, at seguridad, niyayakap ng ating bansa ang lahat ng pagbabago tungo sa pangmalawakang pag-unlad.

 

Ang pagbuo ng batas para sa National ID ng Pilipinas ay isa lamang sa mga anyo ng modernisasyon sa Pilipinas. Ito ay nakabatay sa Philippine Identification System Act, na kilala rin bilang Republic Act No. 11055. Ito ay batas na nagtataguyod ng isang pambansang sistema ng pagkakakilanlan. Nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 6, 2018.

 

Itinataguyod ng batas na ito ang single national identification system, na magbibigay ng isang opisyal na pagkakakilanlan sa mga mamamayan at residenteng dayuhan sa ating bansa. Mapapadali nito ang mga transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor. Kaya tiyak na mapabibilis ang mga proseso hadlang sa pagkuha ng mga permit, lisensiya, at iba pang dokumento. Bukod rito, magkakaroon ng isang sistematikong database ng mga mamamayan at permanenteng residente. Mapangangalaagan nang maayos ang mga impormasyon at datos para sa mga statistics at pag-aaral.

 

Pagdating sa seguridad, ang pagkakaroon ng isang National ID ay makapipigil sa mga krimen at illegal na gawain sapagkat mapapadali ang pag-verify ng pagkakakilanlan ng mga tao.

 

           Ang National ID ay makatutulong din sa mga programa ng gobyerno sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga polisiya, gaya ng social services, health care, at iba pang serbisyong pampubliko. At dahil pinagsasama-sama rito ang mga impormasyon ng isang tao, magkakaroon ng koordinasyon ang mga departmento ng gobyerno, kaya magiging mabilis na pagbibigay ng serbisyo.

 

           Kaya, hinihikayat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang lahat na magkaroon ng National ID. Sila ang magiging responsable sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon na may kaugnayan sa sistema. Pinangangasiwaaan nila ang PhilSys o ang Policy and Coordination Council (PSPCC) para sa maayos na implementasyon ng national identification system.

 

           Tiniyak ng PSA na ang National ID at ang ePhilID ay itinuturing na valid proof of identity sa mga transaksyon sa mga pampubliko at pribadong institusyon. Kaya nararapat lamang na ang bawat Pilipino at residente ng Pilipinas na.

 

Ayon sa RA 11055, maaaring magparehistro para sa PhilSys ID o National ID, ang lahat ng mga mamamayang Pilipino at mga dayuhang permanenteng residente sa Pilipinas, simula sa edad na 5 taong gulang. Ang mga batang wala pang 18 taong gulang ay kinakailangang magparehistro sa pamamagitan ng kanilang mga magulang o legal na tagapag-alaga.

 

Madali lang ang pagpaparehistro ng National ID. Pumunta lang sa pinakamalapit na PSA Registration Center sa inyong lugar, na inihanda ng gobyerno. Naglagay sila ng ng RCs sa mga piling shopping malls sa bansa upang maging komportable ang mga Pilipino.

 

Mag-fill out ng application form na ibibigay sa registration center. Ang PhilSys Registration Form (PRF) ay kailangang punan ng kompleto at wastong mga datos at impormasyon, na hinihingi ng PhilSys. Maaari itong gawin nang mano-mano o sulat-kamay. Siguraduhing tama ang isusulat na pangalan, kasarian, kaarawan, lugar ng kapanganakan, blood type, permanenteng adres, katayuan (Pilipino o residenteng dayuhan), at marital status (opsyonal).

 

Ang biometric data collection ay ang susunod na hakbang, pagkatapos mapunan ang PRF. Sa prosesong ito, kinukuha ang fingerprint ng aplikante. Kukuhaan din siya ng litrato, at iba pang impormasyon na kinakailangan para sa iyong ID.

 

Ang acknowledgment receipt ay ibibigay matapos makompleto ang proseso. Naglalaman ito ng iyong PhilSys Transaction Number (PTN). Ito ang nagsisilbing resibo ng aplikasyon.

 

Ipapadala ng PhilSys ang National ID sa nakarehistrong address ng aplikante, sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation (PhilPost). Maaari lang tumagal ang proseso ng ilang linggo bago matanggap ang ID dahil sa bulto ng mga nagparehistro. Subalit maaari namang humingi ng update sa status ng aplikasyon kung makikipag-ugnayan sa PhilSys Hotline 1388 o sa kaniyang email-- info@philsys.gov.ph.

 

           Kung nais mong yakapin ang modernisasyon sa Pilipinas, magparehistro ka na para sa National ID. Ang pangalan at mga impormasyon tungkol sa iyo ay ang pagkakakilanlan mo bilang isang Pilipino. Kaya makiisa ka para sa magandang pagbabago!

 

 

No comments:

Post a Comment

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...