Pilipinong Manunulat ng Taon
Pluma, Tinta, at Wika
Guadalupe Nuevo,
Makati City
Nobyembre 2, 2025
515 Springtown Villas
Barangay Bucal,
Tanza, Cavite
G. Florentino Z. Galizea:
Isang mainit na pagbati!
Kabilang ka sa mga bibiyahe patungo sa Bohol sa Disyembre
2025!
Ang kuwentong pambata na inilahok mo at kabilang sa
libo-libong lahok mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay magiging bahagi sa
‘Gawad Parangal para sa mga Pilipinong Manunulat ng Taon,’ na gaganapin sa
Oceanica Resort Panglao sa ika-13 ng Disyembre 2025, ganap na 4:00, na may
temang ‘Boho.’
Bilang isa sa mga pararangalan, inaanyayahan ka rin naming
dumalo sa iba’t ibang gawain mula Disyembre 10 hanggang 12, gaya ng reading
exhibit, on-site storytelling sessions, meet-and-greet with the judges,
book-signing events, book cover illustrations demo, at marami pang iba. Ang
kumpirmasyon ng iyong pagdalo ay hanggang Nobyembre 7, 2025 lamang. Tumawag sa
mga numerong ito: 09288844270 at 09606543132.
Nais naming matatamasa mo ang espesyal na pagkilala para sa
natatangi mong tagumpay sa araw na ito. Hangad rin naming makasalamuha mo ang
mga kapuwa-manunulat, na tatanggap din ng parangal.
Inaasahan namin ang iyong pagdalo. At sama-sama nating
ipagdiwang ang iyong karangalan. Maraming salamat!
Lubos na sumasainyo,
G. Theodore Y. Alfonso
Pluma, Tinta, at Wika
Tagapangulo
No comments:
Post a Comment