Ayon sa survey na ipinagawa ng Greenpeace International at
isinagawa ng Censuswide, ang mga Pilipino ang nangungunang tagasuporta ng isang
Global Plastics Treaty na nag-uutos na bawasan ang produksiyon ng plastik.
Nabunyag dito na 94% ng mga Pilipino ay naniniwala na ang isang pirasong
plastik na ibabawas sa produksiyon ay makatutulong upang maiwasan ang pagkawala
ng biodiversity, at limitahan ang global warming sa 1.5 Degrees Celsius.
Ang plastic
bottles ay karaniwang ginagamit na lalagyan sa ating pang-araw-araw na
buhay. Madalas itong ginagamit para sa mga inumin, mula sa tubig hanggang sa
mga soft drinks. Subalit nagdudulot ang mga ito ng malaking
problema sa kapaligiran, lalo na’t matagal itong mabulok. Kaya maaaring manatili sa kalikasan sa loob
ng daan-daang taon, na nagiging sanhi ng polusyon at pagkasira ng mga ecosystem.
Sa kabilang banda,
may mga paraan upang mapakinabangan ang mga plastic bottles sa mga
makabago at kapaki-pakinabang na paraan. Halimbawa, maaari itong gawing mga
laruan, pandekorasyon sa bahay, o iba pang mga proyekto sa sining at crafts.
Ang mga recycled plastic bottles ay nagiging bahagi ng mga
inobatibong solusyon sa mga problema sa basura at nag-aambag sa mas malinis na
kapaligiran.
Sa pag-rerecycle ng
mga plastic bottles, hindi lang nababawasan ang basura, kundi nagiging
malikhain din tayo sa paggamit ng mga materyales na ito. At ang simpleng
hakbang na ito ay makatutulong sa pagprotekta sa ating kalikasan at sa paglikha
ng mas sustainable na hinaharap. Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa
ng pagbabago, kaya't dapat tayong maging responsable sa paggamit ng mga plastic
bottles at sa pag-aalaga sa ating kapaligiran.
No comments:
Post a Comment