Handa Kami
(Dulang
pambata)
Mga
Tauhan:
*Kurt - bunso
*Ate Princess – pangalawa
*Ate Britney - panganay
*Papa
*Mama
*Lola Carmen
Tagpuan:
*Sa
bahay ng pamilya
Eksena
1: Labas. Sa bakuran ng pamilya. Umaga.
Kurt: "Papa, totoo po bang may parating
na bagyo?"
Papa: "Oo, Kurt. Malakas daw.”
Kurt: Dapat maghanda po tayo.”
Papa: Oo, iyan ang dapat, kaya maghanda na
kayong magkakapatid."
Kurt:
“Opo, Papa.”
Eksena
2: Loob. Sa kuwarto ng magkakapatid. Umaga.
Kurt: "Ate Princess, Ate Britney,
maghanda tayo para sa paparating na bagyo."
Ate
Princess: "Pero
paano?"
Ate
Britney: "Ayaw ko!
Naglalaro tayo ng mga manika. Normal at natural na pangyayari
lang naman ang bagyo. Dalawampu o
mahigit na beses bumabagyo sa isang taon."
Kurt: "Pero iba ang parating na bagyo.
Sabi sa balita, mas malakas ito kaysa sa mga
naunang bagyo. Kaya, mas mabuting
maghanda tayo."
Ate
Princess: "Ate,
tama siya. Dapat maghanda tayo."
Kurt: "Nakita ko rin sa tv ang mga
pinsalang ginawa ng bagyong Yolanda. Maaaring
mangyari sa atin kung hindi tayo
maghanda."
Ate
Britney: (Sandaling
nag-isip, saka tumayo.) "Kayong dalawa, pareho kayong kakaiba! Hindi
ako tutulong sa inyo. Maglaro na lang ako kaysa sumali sa inyo." (Iniwan
ang mga kapatid)
Eksena
3: Loob. Sa sala ng bahay. Umaga.
(Bumaba sina Kurt at Ate Princess upang pag-usapan
ang tungkol sa paghahanda.
Lumipas
ang sampung minuto, napagsama-sama na nila ang bagay na kailangan para sa
gagawin nilang emergency kit. Naihanda na nila ang flashlight,
posporo, lighter, kandila, bottled water, mga
de-lata, biscuits at crackers, first aid
kit, lubid, Swiss knife, compass, at marami pang iba. Inilagay nila
ang lahat ng iyon sa isang plastic box na may masikip na takip.
Pagkatapos, bumalik na sila sa itaas upang makuha ang kanilang mahahalagang
papel at dokumento, tulad ng mga sertipiko ng kapanganakan.)
Eksena
4: Loob. Sa kuwarto ng magkakapatid. Umaga.
(Nagulat sina Kurt at Ate Princess nang
makita nila si Ate Britney.)
Ate
Britney: (Inaayos
ang mahahalagang dokumento. Ngumiti ito sa kanila.) "Tinutulungan
ko na kayo. Pinagalitan kasi ako ni Lola
Carmen. Tama kayo... Pasensya na.”
Kurt: "Ayos lang, Ate Britney!"
(Tatlo na silang nagplano ng mga susunod
na hakbang.)
Eksena
5: Labas. Sa bakuran ng pamilya. Umaga.
(Tinulungan nila ang ama sa paghahanda
ng paligid ng kanilang bahay. Habang pinuputol ng ama ang ilang mga sanga ng
puno, kinokolekta naman ng magkakapatid ang mga iyon.)
Eksena
6: Loob. Sa kusina ng bahay. Umaga.
(Tumulong din ang magkakapatid sa
pag-aayos ng mga sirang bintana at iba pang bahagi ng kanilang bahay. Sinuri din ng ama ang
koneksyon sa kuryente. Pagkatapos, nagsaing at nagluto sila ng adobo. Dinoble nila
ang karaniwang dami ng mga iyon upang hindi sila magutom kapag magtagal ang
bagyo.)
(Maya-maya, tumawag ang kanilang ina
mula Hong Kong upang kumustahin sila.)
Papa: "Handa na talaga kami. Ang lahat
ng ito ay dahil kay Kurt, na laging handa. Boy
scout talaga! Hinikayat niya
kaming maghanda.
Mama: "Wow! Ang galing naman ni Kurt!
Nakakatuwa! Masayang-masaya ako kahit hindi
ko kayo kasama ngayon. Panalangin ko
palagi ang inyong kaligtasan. At huwag niyo
ring kalimutang magdasal."
Magkakapatid: (Saby-sabay) "Opo, Mama!"
Kurt: "Ingat din po, Mama!"
Mama: "Salamat! pagpalain kayo ng
Diyos!" (Saka nagpaalam)
Eksena
7: Loob. Sa kuwarto.
Gabi.
(Habang rumaragasa ang bagyo,
nananalangin sila na sana'y walang sinoman ang mapahamak. Nakaragdag sa takot nila
ang tila sumisipol na hangin. Hinahampas nito ang mga sanga ng puno ng caimito.
Parang pinasasayaw rin nito ang kanilang bahay.
Nagpatuloy
ang matinding ulan.)
Ate
Princess: "Diyos
ko! Tingnan ninyo, baha na sa labas."
Kurt: (Sumilip sa bintana. Nakita niya ang
dahan-dahang pagtaas ng tubig.) "Naku, paano
kung umabot sa bahay natin?"
Ate
Britney: "Huwag
kang mag-alala. Ligtas tayo rito."
(Makalipas ang ilang minuto, napasigaw sila
nang nawala ang kuryente.)
Ate
Princess: "Papa!
Papa!"
Kurt: "Ate, huwag kang magpa-panic. Nandito
kami." (Nilapitan niya si Ate Princess.) "Nasa
baba si Papa."
Ate
Britney: (Lumapit
din kay Ate Princess) "Puntahan natin si Lola Carmen.
Eksena
8: Loob. Sa kuwarto
ng lola. Gabi.
(Nakaramdam
ang magkakapatid ng kaligtasan nang magkasasama nila ang lola, pero lalong
lumakas ang hangin. Talagang nakakatakot! Madalas silang sumigaw sa tuwing may
maririnig silang ingay sa bubongan. Natatakot sila na baka mawala o baka
liparin ang mga yero.)
Lola
Carmen: ”Huwag kayong
mag-alala. Ligtas tayo kasi nagdasal tayo sa Diyos na
protektahan tayo."
Kurt: "Opo, totoo po 'yan, Lola. At
saka, naghanda po kami." (Niyakap si Lola Carmen.)
No comments:
Post a Comment