Si Doktor Suy
Dahil sa kagustuhan ng mga mortal na magkaroon ng
buhay sa ibang planeta, patuloy silang nagpapadala ng tao sa bagong tuklas na
planeta—ang Zolilin. Bunga nito, may mga astronaut na hindi pa
rin nakakabalik sa mundo. Mayroon ding malubha ang sakit nang dumating sa
bansang tumutuklas ng buhay sa kalawakan.
“Magandang gabi! Kapapasok na balita, astronaut na
kababalik lamang mula sa planetang Zolilin, naka-quarantine. Patuloy na
sinusuri ang kalagayan ngayon ng naturang astronaut sapagkat nagsusuka
ito ng berdeng likido, na animo’y may sariling buhay. Samantala, isang
insidente ang naganap sa laboratoryo nang aksidente mabasag ang beaker na
kinalalagyan ng berdeng likido. Kasunod nito ang kusang pagpasok sa
bibig ng scientist ang likidong may buhay. Abangan ang updates
tungkol sa isyung ito.”
Napangisi siya sa kaniyang napanood sa telebisyon sapagkat
magkakaron na ulit siya ng tutuklasin. Bigo man siyang maging astronaut
bunga ng kahirapan, nagawa naman niyang pag-aralan ang siyensiya sa sariling
niyang kaparaanan at kakayahan hanggang tawagin niya ang kaniyang sarili bilang
Doktor Suy. Ngayon handa na siyang tuklasin ang parasitong nagmula sa
Zolilin.
No comments:
Post a Comment