Followers

Monday, January 13, 2025

Si Jess at ang mga Batang Alpha (Buod)

 

Si Jess at ang mga Batang Alpha

Buod

 

 

 

Nang bumalik si Jess mula sa mahabang panahon ng pag-aabandona sa kaniyang pamilya, nakaramdam siya ng kahihiyan. Gayunpaman, nagpasya pa rin siyang magsimba, kasama ang kaniyang mag-ina, dahil sa pangako niyang magbalik-loob.

 

Habang nakikipag-usap si Jess sa mga tao sa simbahan, naramdaman niya ang galit at pagkairita sa kanilang mga pagbati, ngunit unti-unti rin siyang nakaramdam ng kaluwagan at pag-asa. At sa isang masayang pagkakataon, nagkaroon siya ng pagkakataong makasalo ng tanghalian ang kaniyang pamilya sa isang fast-food chain, kung saan naramdaman niya ang tunay na kaligayahan sa muli nilang pagsasama-sama.

 

Doon, nagtanong ang kaniyang pitong taong gulang na anak na si Jesrelle, tungkol sa kaniyang mga karanasan sa ibang bansa. Kinailangan niyang maghabi ng kuwento dahil sanggol pa lamang noon ang anak nang iwanan niya. Kaya punong-puno ang puso niya ng pagnanais na maging mabuting ama.

 

Nang pauwi na sila, nakatagpo sila ng isang pulubi na mayroong karatulang nag-uudyok sa mga tao na magbigay. Nasukat naman doon ang kaniyang pananampalataya sa Diyos.

 

Samantala, tumawag sa kaniya ang kaibigang si Ram. Sa kanilang pag-uusap, binigo niya ito. Mas pinili ni Jess na talikuran na ang kaniyang nakaraan at ituon ang pansin sa kaniyang pamilya. Nais na niyang magsimulang maging responsableng asawa at ama. Nakatitiyak siyang tama ang desisyon niyang ayusin ang kanilang buhay.

 

           Sa trabaho naman, hindi pa rin tumitigil si Luna sa pang-aakit sa kaniya. Subalit, tulad ng pangako niya sa Diyos, lalayuan na niya ang mga negatibong impluwensya sa kaniyang buhay, partikular si Luna.

 

Sa kabila ng mga tukso at pang-aasar mula sa kaniyang mga kaopisina, pinili ni Jess na ituon ang kaniyang atensyon sa kaniyang trabaho at pamilya –ang asawang si Rochelle at anak na si Jesrelle.

 

Matapos ang isang masayang araw kasama ang kaniyang pamilya, nagkaroon ng malakas na bagyo. Habang nag-aalala si Jess para sa kaniyang mag-ina, nagdesisyon siyang suriin ang kanilang kalagayan. Sa gitna ng bagyo, isang sanga ng puno ang tinamaan ng kidlat at nagbanta na bumagsak sa kanilang bintana. Sa isang hindi inaasahang pangyayari, nagawa ni Jess na pigilan ang sanga mula sa pagtama sa salamin sa pamamagitan ng pagsigaw ng "Stop!" na nagdulot ng takot at pagkamangha kay Rochelle.

 

Ang pangyayaring iyon ay nagbigay-diin sa kanilang pagmamahalan at sa mga himalang nagaganap sa kanilang buhay. Sa kabila ng mga pagsubok, nagpatuloy ang kanilang relasyon at nagpasalamat si Rochelle sa pagbabalik-loob ni Jess.

 

 

Samantala, iba naman ang pinagdaraanan ng pamilya sa tahanan ni Aling Mila.

 

Labis ang pag-aalala ni Aling Mila, gayundin sa takot at pangamba dahil sa posibilidad na ang kaniyang panganay na si Bentong ay sangkot sa isang drug-related crime.

 

Naisip niya na baka hindi pa umuuwi si Bentong, ang binatilyong anak, dahil nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng kaniyang anak at asawang si Mang Kinggoy.

 

Kitang-kita ang tensyon sa relasyon ng mag-ama, kung saan tila mas pinapahalagahan ni Kinggoy ang mga barkada niya kaysa sa kanilang anak.

 

Nang malaman ni Mila na si Bentong ay nasa kaniyang kuwarto lamang, nagkaroon siya ng pagkakataon na pag-isipan ang mga nagawa niyang pagkukulang bilang ina. Napansin niya ang mga tropeo at medalya ng anak, na nagbigay sa kaniya ng pagninilay-nilay tungkol sa kaniyang suporta sa mga pangarap ni Bentong. Sa kabila ng kaniyang mga alalahanin, nagdesisyon siyang ipakita ang pagmamahal at suporta sa kaniyang anak.

 

Kinabukasan, nagkaroon ng tensyon sa hapag-kainan habang nag-uusap ang pamilya tungkol sa mga nangyari. Nagalit si Kinggoy kay Bentong dahil sa pag-uwi ng huli. At nagkaroon ng palitan ng mga salita sa pagitan ng mag-asawa.

 

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, isang balita sa telebisyon ang umagaw sa kanilang atensyon tungkol sa isang lalaking natagpuang patay, na nagdulot ng takot kay Aling Mila dahil baka iyon ay may kaugnayan kay Bentong.

 

Kinabukasan, habang nagbibihis siya para pumasok sa eskuwela, narinig niyang nag-aalala si Aling Mila sa kaniya, subalit tila walang pakialam namang pakialam sa sitwasyon ang kaniyang ama.

 

Kinabukasan, lalong tumaas ang pagdududa ni Bentong sa ama nang makilala niya ang bisitang si Aztech. Ang kutob niya ay may masamang ginagawa ang kaniyang ama.

 

Pagbaba niya, nakaranas siya ng pang-iinsulto at pagtutok ng kaniyang ama sa kaniyang hitsura. Sabi nito, para daw siyang adik. Gayunpaman, mataas ang hangarin niyang ipagpatuloy ang kaniyang mga pangarap. Bago niya tinalikuran ang ama, nagpahayag siya ng kaniyang ambisyon na maging pulis at labanan ang mga masasamang tao sa lipunan.

 

Pagdating sa paaralan, nakatanggap siya ng mga papuri mula sa kaniyang mga kaklase at guro dahil sa kaniyang talento sa athletics at sa kaniyang kaalamang pang-akademiko.

 

Nagbigay ng inspirasyon sa mga estudyante ang kaniyang guro, na si Sir Balingheto, na maging mabuting tao at ipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng mga hamon sa lipunan.

 

Pinuri ni Sir Balinheto ang pambihira niyang kakayahan sa pagtakbo. At hinikayat nito ang lahat na gamitin ang kanilang mga talento para sa kabutihan.

 

Sa kabilang panig ng Pilipinas, si Totong, na isang katorse anyos na batang may kapansanan sa kaniyang kanang paa ay puno rin ng pangarap at pag-asa. Kahit na madalas siyang pinapabayaan at pinagagalitan ng kaniyang ama, na si Mang Edung, umaasa siyang balang araw ay ipagmamalaki siya nito.

 

Habang nagninilay, napagtanto ni Totong na tila imposible ang kaniyang mga pangarap dahil sa kaniyang kapansanan, ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Pangarap niyang maging tagapagligtas ng kalikasan.

 

Isang araw, pumunta siya sa talon, kung nagdasal siya sa Diyos at humiling na maging malaya at magkaroon ng makabuluhang buhay. Kaya, nagpasya siyang itapon ang kaniyang saklay sa tubig. Pumikit siya at nagpatihulog sa talon. At doon nagsimula ang lahat.

 

Nagkaroon pa siya ng pagkakataong iligtas ang kaniyang ama mula sa isang kobra. Subalit, hindi siya pinansin ni Mang Edung at tinawag pa siyang inutil. Nagdulot iyon ng matinding dagok sa puso niya.

 

Isang gabi, nag-aalala ang kaniyang ina, si Aling Marissa, dahil hindi pa siya umuuwi. Habang nag-aalala ang pamilya, narinig nila sa radyo ang balita tungkol sa isang batang may saklay na nakipaglaban sa mga lalaking nagtatapon ng basura sa Ilog Pasig. Nagdulot iyon ng takot at pag-aalala sa kaniyang ina, na nag-iisip na maaaring siya iyon.

 

Dumating ang umaga, nagkaroon ng tensyon sa kanilang tahanan nang dumating aramadong lalaki, na pinamumunuan ni Ka Oka, isang lider ng mga illegal loggers. Hinahanap at nagbabanta sa pamilya ni Totong.

 

Sa gitna ng takot at pangamba, nagpakita si Totong sa kaniyang pamilya, na naglakas-loob na labanan ang mga masasamang tao. Ipinakita niya ang kaniyang katapangan at kakayahan, na nagbigay ng pag-asa sa kaniyang pamilya.

 

Sa kabila ng mga pang-aasar at panghuhusga mula sa kaniyang ama, nagtagumpay si Totong na ipakita ang kaniyang halaga at kakayahan. Sa huli, nagkaisa ang pamilya sa kanilang pagmamalaki kay Totong.

Top of Form

 

 

 

 

Lumipas ang isang araw, nag-aalala si Mang Edung dahil may balitang lulusob si Ka Oka sa bahay nila. Subalit, ipinakita ni Mang Edung ang pagmamalasakit kay Totong.

 

 Habang naglalakad si Totong patungo sa paboritong lugar sa gubat, naisip niya ang mga pag-uusap ng kaniyang pamilya tungkol sa kanilang sitwasyon. Noon din, nagpasya siyang yakapin ang kaniyang kakayahan at maging tagapagtanggol ng kalikasan. Muli, nagdasal siya sa Diyos at humiling na maging bayani ng kalikasan. Tila sumusuporta sa kaniyang layunin ang mga ibon sa paligid.

 

           Kabaligtaran ng nakagisnang buhay ni Totoong ang buhay na kinalakhan ni Nixon.

 

Si Nixon ay isang 18-anyos na binata, na may problema sa pagbalanse ng buhay at mga responsibilidad.

 

Sa simula, makikita ang kaniyang pakikipag-ugnayan kay Yaya Muleng, ang katulong ng kanilang pamilya. Sa kabila ng kaniyang mga galit at pang-aaway sa katulong, unti-unti niyang natutuhan ang halaga nito sa kaniyang buhay.Top of Form

 

Nang pumasok siya sa paaralan, napansin na naman ni Prof. Dimasalang ang pagiging late sa klase. Nagdulot ng matinding galit sa kaniya ang mga salita nito, kaya nagpasya siyang umalis sa klase.

 

Sa kaniyang pag-alis, nakatagpo niya ang kaibigang si Sandy. Nagdulot ng karagdagang tensyon sa kaniyang araw ang tagpong iyon. Subalit, nagtataka siya sa taglay niyang lakas nang kinuwelyuhan niya ang kaibigan at naitaas niya ito.

 

Nagdesisyon siyang umuwi, pero naipit siya sa traffic, kaya apektado ang pakikipag-ugnayan niya kay Yaya Muleng, na patuloy pa rin pagmamalasakit sa kaniya. Idagdag pa ang tawag mula sa girlfriend niyang si Magenta

 

 Sa bahay, nagpatuloy ang kaniyang inis, lalo na nang hindi niya makita si Yaya Muleng, at nagkaroon pa ng insidente kung saan nasugatan ang talampakan niya dahil sa kagagawan niya.

 

Sumakay siya sa kotse upang sundan si Yaya Muleng. Sa kaniyang pagmamaneho, nagalit siya sa mga tao sa paligid at nagkaroon ng mga insidente na nagpalala ng stress sa kaniyang araw, tulad ng pagbangga sa isang aso at ang pagkasira ng sasakyan.

 

Sa talyer, tinawagan niya ang kaniyang kuya na si Kennedy. Nagalit ito sa kaniya at nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na isa siyang pabigat sa kanilang pamilya.

 

Sa kabila ng kaniyang mga problema, nagdesisyon siyang magpalipas ng gabi sa isang karaoke bar sa Antipolo, kung saan nakatagpo siya ng mga GRO at nagpasya na makipag-ugnayan sa isa sa kanila. May inalok sa kaniya ang baklang floor manager.

 

 

Kinabukasan, nagising si Nixon sa isang maliit na kuwarto at natuklasang siya ay naging bata. Sa kabila ng pagkalito, pagtataka, takot, at pag-aalala, nagpasya siyang umalis sa kuwarto at harapin ang kaniyang sitwasyon.

 

Habang naglalakad sa labas, nahirapan siya sa kaniyang bagong anyo, lalo na kung paano siya makakain. Noon niya nasubukang manghingi ng pagkain mula sa ibang tao

 

Sa Kamaynilaan may isang Grade 6 na mag-aaral naman ang nahihirapan sa mga aralin at labis na apektado ng mga problemang pampamilya. Sa kabila ng kaniyang mga pagsisikap na mag-aral, ang kaniyang isipan ay puno ng mga alalahanin, lalo na ang mga sigawan at away ng kaniyang mga magulang. Nakararanas siya ng pagkabalisa at takot, na nagiging dahilan upang hindi siya makapagpokus.

 

Isang gabi, nagising si Martino sa gitna ng kaguluhan sa kanilang bahay. Nakita niyang nag-aaway ang mga magulang. Dahil dito, sumigaw siya at humiling na tumigil sila, tila hindi siya naririnig ng mga ito. Lasing ang kaniyang ama, at sinasaktan nito ang ina.

 

Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Martino ang labis na kalungkutan at kawalang-kapangyarihan, lalo na nang hindi siya mapansin ng kaniyang ina kahit na naroon siya. Nang gabing iyon, nagdasal siya at nagplano ng mga paraan upang makatulong sa kaniyang pamilya, at mapigilan ang ama sa pagbibisyo, sa pamamagitan ng kakayahan niyang maging imbisibol.

 

Samantala, isang clearing operation team naman ang pumunta sa bahay ni Jess upang ayusin ang nabaling sanga ng puno. Natutuwa siya patuloy na pagiging maayos na buhay niya, kasama ang pamilya.

 

Lingid sa kaalaman niya na ang isa sa mga tauhan niyon ay ginamit ni Luna upang dukutin si Jesrelle. Labis ang hinagpis na naidulot niyon kina Jess at Rochelle.

 

Sa pagkawala ng anak ni Jess, nagsimula ang kagustuhan niyang bumuo ng grupo ng mga kabataan upang wakasan ang mga kasamaan sa Pilipinas. Kaya habang hinahanap ang anak, natagpuan niya sina Bentong, Totong, Nixon, at Martino. Tinatawag niya itong—Mga Batang Alpha.

 

Una nilang matagumpay na misyon ay ang pagkahuli ng isang malaking sindakato ng droga, kung saan, drug dealer ang Mang Kinggoy.

 

Pangalawang misyon ay ang pagkakakulong ni Ka Oka at ang mga tauhan nito dahil sa malawak na operasyon ng illegal logging, at nagsisimula pa lamang na illegal mining.

 

Pangatlo namang misyong napagtagumpayan nila ay ang misyong tinawag nilang Misyong Tigil-Sugal. Naparusahan dahil sa kanila ang mga politiko na sangkot sa ipinagbabawal na pasugalan sa Pilipinas.

 

At ang pinakamagandang misyong nagawa nila ay ang pagkakahanap nila kay Jesrelle. Sa pinagsama-samang lakas at kapangyarihan ng mga Batang Alpha, nahuli rin ang pinuno ng bank robbery king and queen na sina Ram at Luna.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipaglaban ng mga Batang Alpha para mamayani ang kabutihan sa bansa, sa pamumuno ni Jess.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...