Pagkuha ng Driver's License sa Pilipinas
Hindi
madaling makakuha ng driver’s license sa Pilipinas, pero madali lang ang
proseso kung susundin lamang ang mga ito.
Ang
unang dapat tandaan bago kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho ay ang kakayahang
magmaneho.
Magtungo
sa pinakamalapit na tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) upang
magproseso ng driver’s license, na angkop sa edad, karanasan sa
pagmamaneho, at uri ng sasakyang minamaneho.
Ang student permit ay ibinibigay para sa mga baguhang
drayber, na ang edad ay mula 16 taong gulang.
Ang non-professional license ay ibinibigay sa mga
indibidwal na nais magmaneho ng mga pampasaherong sasakyan na hindi ginagamit
para sa pampubliko o komersyal na layunin.
Ang
professional license ay ibinibigay sa mga nais magmaneho ng mga
pampasaherong sasakyan para sa komersyal na layunin, tulad ng taksi o bus.
Magkakaiba
ang mga hakbang sa pagkuha ng driver's license. Sa mga nag-aapply para
sa student permit, maaaring kumuha muna ng driving lessons mula
sa accredited driving school upang matutuhan ang tamang pagmamaneho.
Sa
mga nag-aapply para sa non-professional o professional license, kailangang
ipasa muna ang mga pagsusulit, gaya ng written at practical driving
tests. Kailangan din dito valid ID, medical certificate, application
form, at bayad para sa mga fees. Kailangang maipasa ang mga
pagsusulit upang makakuha ng lisensya.
Ang
lisensya ay kadalasang nagagamit nang limang taon, ngunit maaari itong mapahaba
sa sampung taon sa mga susunod na renewal, kung walang mga paglabag na
ginawa sa kalsada at kapuwa-drayber.
Bago
pumunta sa LTO, tiyaking nakahanda ang mga kinakailangang para sa
pagtutuloy-tuloy ng maayos na proseso.
Ang
pagsunod sa mga simpleng hakbang na ito ay patotoo na ang driver’s license
na makukuha mo ay gagamitin mo nang maayos bilang drayber para sa sariling
kaligtasan at kaligtasan ng iba.
No comments:
Post a Comment