Followers

Monday, January 13, 2025

Gintong Dapat Ingatan (Tula)

Gintong Dapat Ingatan

 

 

Ang kalikasan ay kayamanan ng bayan.

Puno ang itanim, huwag ang kasamaan.

Sa bawat puno ay may buhay na nakatago.

Kaya ang lupa ay tamnan na ng mga buto

Alagaan, protektahan hanggang lumago

Hanggang sumibol, maging isang puno,

Na magbibigay ng sariwang pagkain at hangin

Dahil kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

Dapat matuto kang magbungkal at magsaka

Pagkaing ihahain sa hapag, huwag iasa sa iba

Sa kalikasan may gintong dapat ingatan

Huwag itong aabusuhin, sa halip ay protektahan.

Mga hayop, puno’t halaman, na dito nakatira

Bawat bulaklak ay may kani-kaniyang ganda.

At ang bawat nilalang ay may kariktan at halaga

Ikaw, na matalinong tao, ang dapat na mangalaga

Tandaan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan

Ay hindi makararating sa paroroonan kailanman.

Sa kalikasan ka malayang-malayang nakahihinga

Kaya bumalik ka’t pagmasdan ang mga pinsala.

No comments:

Post a Comment

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...