Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang
nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya
hindi siya nito kinikibo.
Isang araw, ang akala ni Arnel nakinig
naman sa kaniyang sinasabi ang kaniyang dahil kumilos naman ito at tumulong sa mga gawaing-bahay.
Nagpatuloy si Arnel sa pagsesermon.
"Isusumbong na kita kay Mama, pagdating niya. Sasabihin kong wala kang
naitutulong sa bahay. Pagkagising mo, mag-aalmusal ka lang at maglalakwatsa na.
Pag-uwi mo, tanghalian na. Kakain ka lang, tapos, aalis ka na naman. Pati ba
naman paghuhugas ng pinagkainan, ako pa rin ba? Ako na nga ang nagluto,
naglinis, at nagpakain ng aso."
Narinig ni Arnel ang tunog ng nabasag na
plato. "Ano ‘yan? Nagdadabog ka? Ayusin mo ang ugali mo ha!"
Hindi na
nilapitan ni Arnel ang kapatid. Hindi na rin ito nagsalita.
Kinagabihan,
nang dumating ang kanilang ina, pareho silang tahimik. Tahimik din silang
naghapunan.
Gusto sana
niyang isumbong sa Mama niya ang kapatid, ngunit naisip niyang bigyan pa ito ng
pagkakataong magbago. Naniniwala siyang magbabago rin ito.
Kinabukasan, napansin
ni Arnel na wala na sa kaniyang kuwarto
si Carmela. Naisip niyang
naglakwatsa na ito. Tanging ang diary nito ang nakita niya sa kama nito.
Lalabas na sana siya nang naisip niyang buklatin iyon.
Abril 5, 2024
Dear Diary,
Inis
na inis na talaga ako sa kuya ko! Siya na ang pinakamasamang tao sa mundo.
Hindi ko na siya maintindihan. Hindi rin niya ako maintindihan. Mabuti pa ang
mga kaibigan ko...
Carmela
Iyan ang nabasa
ni Arnel. Bigla siyang
nalungkot at kinabahan dahil dito. Gusto niyang makausap agad ang
kaniyang kapatid. Naisip niyang
may mali rin siya. Nais niyang humingi ng tawad. Kung hindi man
siya nito pansinin o kausapin, handa siyang maghintay kung kailan siya nito
patatawarin. Plano niyang maging maunawaing kuya sa kaniyang kapatid upang
hindi na siya matawag na ang pinakamasamang kuya sa mundo.
No comments:
Post a Comment