Antidote
Bunga nito, gumawa
si Professor J ang antidote upang manumbalik ang ulirat ng mga biktima.
Una, hindi nagtagumpay ang kaniyang pormula. Sunod, nakapagsalita na ang mga
biktima, subalit hindi pa rin sila nakaalala.
Naglaan si
Professor ng mahabang oras sa kaniyang laboratoryo upang makuha ang tamang
timpla ng gamot. Doon, ibinuhos niyang lahat ang kaniyang oras, lakas,
kaalaman, at dedikasyon upang makatulong sa mga problema ng bansa.
Dahil sa
panunumbalik ng kaniyang alaala, na matagal na nawala sa kaniya dahil sa grupo
ng mga doktor na nag-aral sa utak niya, sa wakas, nakagawa siya ng perpektong formula.
Kasunod ng tagumpay
na mapanumbalik ang memorya ng mga biktima ng kidnapping, nahuli ang
lider ng sindikato sa likod nito.
No comments:
Post a Comment