Eh, Ikaw?
Na-census
na kami. Eh, ikaw?
Dapat na-census na ang lahat. Noong 2020 ay isinagawa
ang pinakahuling census. Naitala ang opisyal na bilang ng populasyon sa
Pilipinas na umabot sa 109,035,343 noong Mayo 1, 2020.
Eh,
ano nga ba ang census?
Ang
census ay ang pagbibilang at pagkuha ng impormasyon tungkol sa
populasyon ng isang bansa, estado, o iba pang heograpikal na rehiyon. Layunin
nitong makuha ang detalyadong datos tungkol sa mga katangian ng populasyon.
Dito kinukuha ang kabuuang bilang ng mga indibidwal sa isang tiyak na lugar;
gayundin ang edad, kasarian, estado ng edukasyon, at trabaho ng mga tao.
Inaalam at binibilang din ang bilang ng mga tahanan, uri ng tirahan, at mga
pasilidad na mayroon ang mga redisente.
Mahalagang
makuha ang mga datos at impormasyong ito para sa iba't ibang layunin ng
pamahalaan, gaya ng pagbuo ng mga estratehiya para sa pag-unlad ng bansa.
Ang
PSA Census o Census of Population and Housing ay isang mahalagang proseso na
isinasagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang makuha ang
detalyadong impormasyon tungkol sa populasyon at mga tahanan sa Pilipinas.
Bukod sa bilang ng populasyon, ginagamit ng gobyerno ang mga datos na ito upang
makagawa ng mga desisyon sa pagbuo ng mga programa sa kalusugan, edukasyon,
imprastruktura, at iba pa.
Ang
census ay isinasagawa tuwing limang taon. Kaya kung hindi ka pa na-census,
pagkakataon mo nang mapabilang sa populasyon ng Pilipinas ngayong 2025.
Mapapa-census
uli kami. Eh, ikaw?
No comments:
Post a Comment