Followers

Tuesday, September 13, 2016

Ang Itim na Langgam sa Lansones 2.0

Pagmulat ng aking mga mata,
agad bumalik sa aking alaala,
itim na langgam, kumusta na kaya
sa piling ng mga langgam na pula?

Mainit na kape ay aking itinimpla,
Humigop, namulat, at may nakita---
itim na langgam, hindi lang isa.
Dalawa, tatlo, apat, lima, anim sila!

Hindi ko alam kung aking ikatutuwa.
Bakit kasi ang isa ay aking ipinasama
sa mga langgam na maliliit, mapupula?
Disin sana'y sila ay magkakasama.

Aking pinagmasdan, mga kilos nila.
Sila'y mababagal, palibhasa'y matataba,
Malulusog, pagkat sa prutas ay sagana.
Ngunit, pagkain nila ngayo'y paano na?

Ako'y sobrang nagugulumihanan talaga,
kung paano matutulungan sa problema.
Sa mga pula ba, sila ay aking isasama
o hayaan na lang, masanay sa lamesa?

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...