Nang pumasok ka
sa isang opisina,
ika'y kakaba-kaba.
Iyong porma,
hindi yata akma.
Masikip na hininga,
iyong damang-dama,
lalo na nang humarap na
ang managera.
"Introduce yourself", aniya.
Napalunok ka,
dugo ay tinakasan ka.
Pinilit magpakilala
kahit nauutal ka.
Iyong ipinakita
na kahit ika'y nagmula
sa pipitsuging akademiya,
'di ka basta-basta.
Na-impress yata siya
dahil nagtanong pa.
Apat yata o lima
ang tanong niya,
saka siya'y nag-Thanks na.
Nakipagkamay pa.
"Tatawagan ka
ng aming kompanya,"
pahimakas niya.
Ikaw ay tila
tinakluban ng lupa.
Ilang beses na ba
na ika'y pinaasa?
Marami na---
mga apat yata o lima.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Tatlong Letter Z
Estudyante: “Tulog po si Juan.” (Yuyugyugin sana ang balikat ng kaklaseng tulog.) Guro: Huwag mong gisingin. Hayaan mo lang. Mahirap m...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment