Followers

Wednesday, September 7, 2016

Umibig, Nasaktan, Sumulat

Ako’y umibig sa babaeng marikit.
Sa kanyang lambing, ako’y naakit,
Sa kanyang ngiti, ako’y napalapit
bawat araw ko’y parang laging langit.

Nang siya makatagpo ng kapalit,
Ako, sa kanyang puso’y iwinaglit.
Anong saklap nito, o, kay sakit!
Dapat ba akong magtanim ng galit?

Hindi dapat, ang aking nasambit.
Sa halip, isinulat ang hinaing at pait.
Sumulat ng tugma, maging ng awit,

Saka lumaya sa matinding hinanakit.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...