Followers

Sunday, September 11, 2016

Doll House

“Napapagod din ang mga ina.”
#CanvasStories
#3SentenceStoryWritingContest
Artwork By: Angela Taguiang "Untitled"


"Ang hirap mo namang pakainin, Hermina! Napapagod na ako. Minsan, naisip kong sumuko na sa'yo. Maraming nagugutom sa kalye, samantalang ikaw, tinatanggihan mo ang mga pagkaing inihahanda at niluto ko para sa'yo. Lagi na lang chocolate at junk foods ang gusto mo. Paano na ang kalusugan mo? Paano na kapag wala na ako? Sino pa ang magpapakain sa'yo? Sana naging manika ka na lang," mangiyak-ngiyak na tumayo si Mommy Grace upang ipakain sa mga pusa ang kanin, pritong isda, at ginisang gulay na dapat ay ipapakain niya kay Hermina.

Kinaumagahan, gutom na gutom na si Hermina, kaya hinanap niya ang kanyang ina sa kusina, sa sala, sa kuwarto, sa banyo, sa hardin, at halos sa buong bahay nila, ngunit hindi niya nakita.


Dahil sa pusa, na pilit pumapasok sa malaking doll house ni Hermina, naisipan niyang silipin iyon at nakita niya doon ang kanyang ina, habang kasalo sa hapag ang dalawang batang manika.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...