Zildjian,
ikaw ay nagbigay rin
ng ligaya sa akin,
kahit isinilang kang
wala sa timing.
Ang malulusog na pisngi
at matatamis mong ngiti
ay pumapawi
noon
sa aking mga paghihirap
at kabiguang natatanggap.
Lumaki kang
wala tayo,
ni kutsarang
tinubog sa pilak,
kundi ang nasa taas
ng mga ulap.
Katulad ng iyong ate,
ika'y inaalala kong lagi.
Pagmamahal ko sa iyo
ay hindi humihinto.
Pang-unawa ninyo
ang tanging hiling ko,
at panahon
na ako'y makabangon.
Pasasaan ba,
kayo'y makakasama...
muli...
hanggang huli.
Ang ama
ay mananatiling ama.
Miss na miss na kita,
Zj...
Followers
Thursday, September 1, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment