Lansones niya raw ay matamis,
kaya ako'y namili ng makikinis.
"Ang may langgam ang iyong piliin,"
ang payo ng tinderong maitim.
Pag-uwi ko, saka ko natikman,
pangalan ko'y muntik makalimutan.
Napakasarap at ang tamis nga,
Nakakaadik, hindi pa nakakasawa.
Subalit, tila yata akong napraning,
Langgam sa lansones aking narinig.
Sabi nito, "Kaibigan, ako'y naliligaw.
Ako'y nasaan? Iba aking natatanaw."
Itim na langgam, aking kinahabagan.
Aking hinanap, kanyang kasamahan.
Sila'y natagpuang wala nang buhay,
nadaganan ng prutas, kaya namatay.
O, kay lungkot naman nitong nangyari,
kaya iba pang paraan, umisip na muli.
Mga pulang langgam aking natanaw,
Ligaya sa mga labi ko ay sumungaw.
Kaibigang langgam aking dinampot.
Huwag sana siyang matatakot,
na makasama doon, ang mga pula.
Sana siya ay maging maligaya...
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment