Ikaw man ngayo'y nasa tuktok,
O baka ika'y nakalugmok,
Huwag kang malulumbay.
Tagumpay ay abot-kamay,
Ang buhay ay paikot-ikot,
nauunat, nababaluktot
at bumababa, tumataas.
Ikaw na mapagmataas,
bababa ka rin at luluhod.
Ikaw na pinanghihinaan ng loob,
pasasaan ba't ika'y titingkayad,
magbabago ang iyong palad.
At, ikaw na abang-aba,
baka bukas, ikaw na ang bida.
Panahon nila ngayon,
Ang sa iyo ay 'di maglalaon.
Ang buhay ay isang siklo---
paikot-ikot, gaya ng tsubibo.
Followers
Wednesday, September 7, 2016
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment