Followers

Wednesday, September 14, 2016

Paglaya sa mga Kastila

Maraming dekada na ang lumipas,
nang mga Pilipino ay makaalpas,
sa mga banyagang mananakop
at sa kanilang tratong mala-hayop.

Kristiyanismo sa ati’y ipinakilala,
At tayo nama’y sumampalataya,
ngunit lubos tayong nagdusa,
sa pambubusabos, pang-aalila.

Tatlong raan, tatlumpu’t tatlong taon,
Ang Pilipinas ay nagdusa’t nabaon,
ang ating kultura’y nagbago,
nagkawatak-watak ang mga Pilipino.

Ang buwis at ang sapilitang paggawa
ay dalawa lamang sa ating parusa,
subalit may Rizal at may propaganda
na lumaban sa mapang-aping Kastila.

Nariyan si Heneral Luna, Tandang Sora,
Bonifacio, Mabini, Jacinto, at iba pa,
nagtanggol, nagsulong ng demokrasya,
hanggang makamit natin ang… paglaya.






No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...