Ako ba'y magiging masaya,
kung tutulong ako sa iba
sa abot ng aking makakaya?
Magiging maligaya ba ako,
kapag pangako ko'y totoo
at talagang tutuparin ko?
Dapat bang katuwaan,
aking pagiging magalang,
saan man at kailanman?
Kapag ako'y maging tapat
at 'di maging plastik sa lahat,
kakamtin ba ang pasalamat?
Kapag iniwasan kong alamin
kung sino talaga ang salarin,
ang mali ba'y maitatama natin?
Kapag ako ba'y nagsabi
o nagbigay ng papuri,
maaari ba akong magkamali?
May mangyayari ba
kung iiwasan ko na
ang pagbuo ng drama?
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment