Followers

Sunday, September 4, 2016

Mga Pangatnig ng Buhay

Ilang beses akong nadapa
sa lusak ng pagkakasala,
ngunit ako ay bumangon,
naghugas, at nagsabon.

Maraming ulit akong nabigo
sa pagkamit ng pangarap ko,
subalit laging nagpupunyagi
na ako naman ang magwagi.

Kay raming tao, aking nasaktan
ng mga salita at kaasalan,
pero lahat ay aking itinama
at ako'y humingi ng unawa.

Palagi akong may pagkukulang
sa aking pamilya at magulang,
datapwa't ako nagsusumikap
na lahat sila'y aking malingap.

Madalas, Diyos aking nalilimot
dahil sa buhay na masalimuot,
gayunpaman, muling luluhod,
sa Kanya'y haharap na malugod.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...